CHAPTER 1 {Future to Present, Present to the Past}
“Sawakas, malapit na namang matapos ang klase!” Sabi ng Isang estudyante ng CBFMNHS sa katabi niya habang nag k-klase Ang kanilang guro. “Ano ba Yan Dion, tapos na ba Ang klase at nag-iingay ka?!” Pasigaw na Sabi ng guro matapos Makita si Dion na nagsasalita. “Sorry po ma’am” tugon Neto, habang Ang katabi nya ay tumatawa sa nangyari sa kanya. “Hahaha!!! Kala ko di nakatingin si ma’am” Sabi ng katabi nya.
“ RING!” “ Uwian na boy, Tara na. “ Sabi ni John Paul “Eh, cleaners ako ehh!” “sus, hayaan mo na Kasi Yan, bang Dami namang ibang cleaners Dyan ohh!” “di pwede boy, kawawa Naman Sila! “mabilis na tugon ni Dion “bahala ka nga, una na ko ha” “ghe ingat” sabi ni Dion habang kumakaway ng kamay sa kaibigan nyang paalis. Maya-maya, pag tapos nilang mag linis Kasama ng iba pa nyang mga kaklase. “Dion, Mamaya ka pa ba? Una na kami ha” Sabi ng babaeng kaklase ni Dion habang papalabas ng klasrum. “sige Mamaya pa ko, ingat kayo ha!” Sabi ni Dion habang patuloy na nagpupunas ng bintana.
“Hayst, natapos din sawakas” Sabi niya habang nag pupunas ng pawis sa mukha. Matapos niyang mag punas ay tumingin ulit Siya sa loob ng klasrum para Malaman kung walang naiwang Kalat sa loob, ngunit paglakad niya sa gitna ay may Nakita siyang Isang Notebook sa lamesa ng teacher. “Huh, kanino kaya ito? “ kinuha niya ito at may nakitang nakasulat sa harap na ‘FUTURE TO PRESENT, PRESENT TO THE PAST’ Ang kalahati ng Notebook ay luma (unang pahina Hanggang gitna ay Bago, gitna Hanggang sa likod ay luma.) Binuksan ni Dion Ang Notebook at may nakitang petsa ng bawat Araw Mula 1700 Hanggang 2050. Ang pagkakasunod-sunod ng petsa ay Mula 1981 Hanggang 2050, nakasulat ito sa unang bahagi Hanggang sa kalahating bahagi ng Notebook (parteng Bago) habang sa kalahati Neto nakasulat Ang petsang 1700 Hanggang 1980. (Sa parteng luma) “ano to, kalokohan? “ Sabi ni Dion, at ibinagsak niya Ang Notebook sa lamesa, ngunit nabulat-lat ito sa lakas ng pagkakabagsak at natapat sa lumang parte ng Notebook. Nakita ni Dion na may nakasulat Dito kaya kinuha niya ito. “Huh, may nakasulat?” tanong niya sa sarili at kinuha ang Notebook para basahin ng panandalian.
“Si Rizal ay aarestuhin sa Hulyo 6, 1892. Itatapon siya sa dapitan sa Zamboanga Del Norte. Pag daan ng apat na taon ay maglalakbay siya patungong Cuba, ngunit dadalhin ulit sa pilipinas upang arestuhin. Siya ay aakusahan ng pag u-udyok ng rebelyon laban sa Espanyol at parurusahan ng kamatayan.”
“Ano, parang masyadong accurate ito ahh? “ nagtatakang sabi ni Dion at pinagpatuloy ang pag basa.
“bago siya mamatay ay magsusulat siya ng isang tula na pamamagatang ‘Mi Ulti Adios. ‘ at isang umaga ay dadalhin siya sa bagumbayan at doon siya papatayin.”
Pagkabasa neto ay itinapon ni Dion ang Notebook sa pader sa takot. “ A-ano yung binasa ko? “ sa lakas ng tapon niya ay napunta ito sa paanan niya ng naka bukas sa mas likuran pang bahagi ng Notebook. Nilakasan ni Dion ang loob niya at pinulot muli ang Notebook at binasa habang nagpapakalma.
“Setyembre 1, 1939. Sasalakayin ng Nazi Germany ang Poland. Setyembre 2, 1945. Susuko ang Japan. Mag kakaroon ng pandaigdigang digmaan at magkakaroon ng pangunahing kalahok na tatawaging ‘AXIS POWERS’ ito ay bubuohin ng Germany, Italy, at Japan. At ang ‘ALLIED POWERS’ na bubuohin ng United Kingdom, United States, Soviet Union, France…”
itinigil ni Dion ang pagbabasa sa sobrang kaba. “ tama na, baka masira ulo ko. Ay teka nga” naisip ni Dion na sakop ng Notebook ang kasalukuyan at hinanap niya ito. “Ito!” natutuwang sabi niya nang mabuklat ang pahina ng kasalukuyan.
“July 2, 2025. [7:45 PM] Isang batang babae ay biglang tatawid sa harap ng CBFMNHS at masasagasaan ng nagmamadaling kotse. “ “Ano?!” Nagulat na reaksyon ni Dion, at dali-dali siyang lumabas at tinignan ang oras sa cellphone niya. “ 7:43 PM na pero wala akong nakikitang bata.” Papasok na sana siya ng klasrum nang biglang may sumigaw na babae. “Nak wag kang tumakbo! “ sabi neto sa anak niyang tumakbo papatawid sa kalsada. “BEEEEEEP!!!” “CRASH!!! “ “Anak!” pahiyaw na tugon ng babae sa pangyayari at dali-dali itong nanakbo papunta sa bata “Anak!, Anak!” Pinagkaguluhan ang pangyayari habang si Dion ay nanginginig sa nakita.
Sa takot niya ay nanakbo siya papasok ng klasrum ng kinakabahan. Napadaan ang gwardya sa harap ng klasrum at nakita siyang nakaupo sa upoan at hawak-hawak ang dib-dib. “oh, ok ka lang?” tanong ng gwardya. “opo ateh, ok lang ako.” “i lock mo na lang yang klasrum paglabas mo ha.” Sabi neto “ opo ateh.”
Pag-alis ng gwardya ay dali-dali ulit kinuha ni Dion ang Notebook na tinago niya sa likod niya. Sinunukan nitong tignan yung likod ng pahina at may nakitang pangalan na nakasulat dito. Sa ibanaw ng pahina ay may nakasulat na “DEATH” habang sa pinaka ilalim ng pahina ay may nakasulat na “MUST HAPPEN! “ sa magkabilaang gilid ay may naka drawing na bungo at kutsilyo. “kung ganon, ang pangalan nung bata ay Samantha?” sabi ni Dion sa sarili niya. “Pano kaya kung burahin ko yung pangalan niya, tutal lapis lang naman ang ginamit na panulat ehh.”
kinuha ni Dion ang pambura sa bag niya at binura ang pangalan na nakita niya sa pahinang iyon ng Notebook. “Oh, nabura naman ehh.” “ AHHH!!!” nagulat si Dion sa sigaw at dali-daling nanakbo papalabas ng klasrum para makita kung anong nangyari. “Yung anak ko, biglang nawala, hawak ko lang yon!” “ huh! Pano nangyari yon?” sabi ng isa pang babae na nakatayo sa gilid nh nanay nung bata. “Ewan ko, diba andyan ka rin non?” “ewan ko rin ehh, naka tingin ako sa anak mo nang bigla na lang siyang nawala pag kurap ko.” “Imposible yon! “sigaw ng nanay ng bata. “eh, yun ang nakita ko, di ko alam kung saan napunta yung bata. “ patuloy ang pag-iyak ng nanay ng bata sa pagkawala ng anak niya habang paparating ang ambulansiya.
Si Dion naman ay halos di na makahinga sa nakitang pangyayari. Ngunit kalmado siyang pumasok sa klasrum at umupong muli. “nananaginip ba ako?” Tanong niya sa sarili. Nang bigla niyang kinuha ang lapis sa kanyang bag at itinusok sa kanyang leeg. Pag hugot niya neto ay tumagas ang maraming dugo at nadumihan ang buong klasrum. Maya-maya pa at napahiga siya sa sahig at naligo sa sarili niyang dugo.
Maya-maya lang ay dumating ang gwardya sa klasrum. “Boy, tapos ka na ba dya-“ Nakita niya ang katawan ng binata na kanina lang ay naglilinis pa na nakahandusay sa sahig, walang buhay at naliligo ng dugo. “AHHHH!!!” tumawag ito ng pulis at pinuntahan ang pangyayari.
Maya-maya lang ay naglalakad na ang mga pulis na may kasamang morgue personels bit-bit ang bangkay. Pag daan ng isang pulis ay may inabot ito sa gwardya. “ Oh, hawak niya ito sa kanang kamay niya habang naka ipit ang daliri niya sa gitna.” Sabi neto sa gwardya at inabot ang isang Notebook sa gwardya. “teka, hawak niya ito?” Pahabol na tanong ng gwardya sa pulis. “Oo” “eh panong nangyari na wala itong bahid ng dugo sa kahit na anong pahina nito?” “huwag kang mag-alala, parehas tayo ng tanong.” Nakangiting tugon nito. “Bakit kaya hawak niya ito?” tanong nito sa kanyang sarili.
Tinignan niya ang notebook at napansin na nag iwan ang pulis ng tanda sa pahinang pinag ipitan ng daliri ng estudyante. Binuksan ito ng gwardya at nakita ang sulat na pangyayaring nangyari sa batang babae. “Ano ito?” Ipinagpatuloy nito ang pagbasa at may nakitang nakasulat sa ilalim ng kwento ng nasagasaang bata. “July 2, 2025 [8:56 PM] isang binata ay kukuha ng isang matalim na bagay at magpapakamatay sa pamamagitan ng pag tusok nito sa kanyang leeg. (Hindi binanggit sa Notebook ang sarili niya sa sulat.)