Chapter 90: Nambulabog Nag alas 5 na lang hindi pa rin lumabas si sir Van sa kanyang opisina simula ng pumasok ito kanina ilang beses na akong sumulyap sa pintuan niya nagbaka sakali na lalabas ito ngunit bigo ako kasi kahit anino nito wala. “Wala na siguring plano na lumabas ang boss ko tsk,” ani ko sa sarili. Kaya napagdesisyunan ko ng lumabas para pumunta kila bakla dahil sasabay ako sa kanya pag uwi tumayo na ako at kinuha ang bag at isinabit sa balikay at saka umalis na. Sa kabilang dako ay hindi maintindihan ni Van ang nararamdaman niyang inis o selos kanina nagdadalawang isip pa siyang lumabas para ayain sana si Summer na magmeryenda kasi marami yung inorder niya dahil para sa kanila talaga iyon pabalik balik lang siyang naglalakad sa kanyang opisina sa tuwing naalala niya ang b

