CHAPTER 1
Chapter 1: Eskaya
Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako dapat pumunta dahil umalis ako sa bahay ng aking tiyahin. Hindi ko na kaya pang magtagal pa doon dahil sobrang hirap na ang dinanas ko at hindi ko na kaya. Pumara ako ng taxi.
Huminto ang taxi na kinawayan ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok.
“Saan po tayo ma’am?” tanong ng driver.
“Sa pantalan po manong,” wika ko.
Habang nasa biyahe hindi ko maiwasang maalala ang mga hirap na dinanas sa kamay ng aking tiyahin. Parang isang katulong ang turing nila sa akin tiniis ko na lamang iyon dahil wala akong ibang matatakbuhan. Walang ibang kamag anak ang gusto akong kupkupin kaya wala akong magawa kundi pagtiyagaan na lamang ang pagmamaltrato ng aking tiyahin sa akin at sa mga anak nito. Naalala ko pa ang mga katagang sinabi ng tiyahin ko.
“Dapat kang magpasalamat sa akin dahil ako ang nagpakain, nag alaga at nagpaaral sayo kaya huwag kang magrereklamo sa mga gawain akala mo naman buhay prinsesa ka huwag mong kakalimutan kung hindi kita kunukop aba’y saan ka kaya pupulutin ngayun,” galit nitong asik sa akin.
Malaki naman ang utang na loob ko sa kanila lalong-lalo na kay tiya hindi ko naman iyon kinalimutan pero yung mga ginawa nila sa akin hindi ko rin makakalimutan hindi na lang sana nila ako kinupkop kung hindi naman bukal sa kanilang loob . Minsan naisip ko ‘yong mga magulang ko kung hindi lang sana sila namatay siguro hindi ganito ang buhay ko ngayon. Mararanasan ko na maging masaya at ang mga bagay na naranasan ng ibang kabataan ay mararanasan ko din sana pero hindi ako papayagan nila tiya kahit magpapaalam ako ng tama.
Kahit yung prom na gusto gusto kong maranasan hindi ako pinayagan at binigyan ng pera para doon kaya wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak na lamang sa kwarto sa araw na iyon. Ni minsan hindi ko naranasan ang maging masaya at yung mga simpleng bagay na dapat maranasan sa kabataan. Natigil lang ang aking pag iisip nang biglang nagsalita ang driver.
“Nandito na po tayo ma’am.”
Inabot ko ang bayad at saka nagpasalamat dito. “Heto po ang bayad manong at saka maraming salamat po.”
Pagbaba ko pumunta agad ako sa ticketan at pumila para kumuha ng ticket pagkatapos ay dumiritso na sa barko.
Nang makapasok sa barko ay agad akong pumunta sa aking puwesto.
Humiga ako pagkatapos at hindi namalayan na nakatolog.
Pagdilat ng aking mata ay siya din pagdaing ng barko saa pantalan kaya lumabas agad ako.
Pumatak ang luha ko sa libo libong emosyon na ikinikimkim sa nagdaan taon na lumipas. Habang nakatanaw sa lugar kung saan dito na ako manirahan at buhayin ang sarili.
“Dito ko sisimulan ang ikalawang kabanata ng aking buhay kung saan marami pang pagsubok at hirap na aking mararanasan.” Bulong ko sa aking sarili.
Naglakad lakad ako upang magtanong.
“Ale, saan po dito ang sakayan ng jeep?” tanong ko dito.
“Saan ba ang tungo mo ineng?” tanong ng ale pabalik.
“Sa Eskaya po sana ale.”
“Ah, doon po ineng yang pulang jeep ang sakayang patungong eskaya.”
“Maraming salamat po Ale.” Pagpapasalamat ko dito.
Nagtungo ako doon at sumakay . Napagdesisyonan ko na doon na manirahan sa Eskaya dahil ang lugar na iyon ay tahimik at payapa at malayo layo.
Bumaba ako sa sentro ng Eskaya dahil maghahanap pa ako ng matutuluyan.
Kumain na muna ako dahil gutom na gutom na talaga ako dahil hindi pa ako nakakain simula ng ako ay biyumahe.
Pagkatapos ko kumain ay naisipan ko ng maghanap kahit mainit tiniis ko na lamang iyon.
“Pwede ho bang magtanong?” ani ko sa isang dalagita.
“Ano po iyon?” tanong nito pabalik.
“May alam ka bang bahay na mauupahan o silid na pwedeng matutuluyan?”
“Ay! Pasensya na po talaga ate hindi ko po alam eh,” ani nito.
“Okay lang, maraming salamat na lang.”
Pinagpapawisan na ako at napapagod na ang mga paa ko sa kakalakad wala pa rin akong nahanap na matutuluyan ilang oras na akong naghahanap at pagabei na rin.
Baka sa daan na ako nito matutulog talagang hindi nakisabay ang panahon sa akin ngayon.
Umupo na lang muna ako sa isang palingkuran malapit sa daan at nagpahinga.
“Talagang ang hirap umpisa pa lang ito pero sobrang hirap na, makakaya ko kaya lahat ng ito?” tanong ko sa sarili.
Nagulat na lamang ako ng biglang may nagtanong na mukhang mayaman na matanda.
“Ba’t marami kang dalang gamit iha? Naghahanap ka ba ng matutuluyan? Galing ka ba ng ibang bansa?” Sunod sunod na tanong nito.
“Opo, ay hindi po naguguluhang sagot ko naman dito.
“Ay pasensya kana iha ang dami ko pa lang tanong kaya naguguluhan ka,” nakangiti nitong sabi.
“Okay lang po ma’am.”
“Parang kanina kapa dito nakaupo may hinihintay ka ba o ano?”
“Wala po ma’am nagpahinga lang po ako kasi naghahanap po ako ng matutuluyan.” sabi ko nito
“Nakakaawa ka naman iha kung gusto mo doon na lang sa pinapaupahan ko ikaw tumuloy marami pa namang kwarto ang bakante doon okay lang ba sayo kahit maliit lang?”
“Talaga po ma’am? Opo ma’am okay na okay na po ako don hindi na po yun importante sa akin basta may matutuluyan lang po ako pero ma’am yung mura lang naman sana dahil maliit lang ang perang dala ko.” pagmamakaawa ko dito.
“Ohh sige na tara na at gumagabi na parang pagod na pagod ka na din tingnan iha.”
Parang hulog ng langit sa akin ang mayaman at mabait na matandang ito at sobrang nakakaginhawang isipin na may matutuluyan na ako.
Nang marating namin ang sinasabi niyang matutuluyan ko.
“Iha ito ang bakanteng silid at matutuluyan mo.” Paglahad nito sa kwarto.
“Marami po talagang salamat ma’am.”
“Ano kaba iha walang anuman, ako nga pala si Nena tawagin mo na lang akong nanay Nena.”Pagpapakilala nito.
“Ako namo po si Summer nanay Nena talagang marami pong salamat sa pagtulong sa akin nanay Nena.”
“Oo sige alam kong pagod kana magpahinga ka na lang at bukas ko na lang sisingilin yung upa mo hah iha.”
“Sige po nanay Nena.” asik ko nito.
Pagkatapos kong tumango ay umalis na ito sa kwarto. Nilagay ko ang dalang mga gamit sa ibabaw ng mesa.
“Bukas ko na lang lilinisin ang kwartong ito at magliligpit ng mga gamit.”
“Sobrang pagod ako sa araw na ito.”
“Epapahinga ko na lang muna ang aking sarili dahil maraming pang dapat gawin kinabukasan.”
“Marami pa akong proproblemahin kaya mas mabuting magiging handa ako sa anumang darating at magiging matatag sa bawat hamon ng buhay.”