Napag alaman ni Summer na nagbunga ang kanilang pagtatalik ni Van ngunit gumuho ang kaniyang mundo ng malaman rin sa mismong araw na iyon na may babaeng papakasalan na pala ang kanyang boss. Kaya napagdesisyunan niya na lumayo at buhayin ang kanilang sariling anak. Ayaw niya ng gulo at alam niya na hindi siya mahal ni Van at sanay ito sa mga ganung bagay masakit man isipin pero iyon ang totoo para sa kanya. Sino ba siya para piliin siya ng boss baka kung tatanggapin man siya baka iyon lamang kasi may anak siya dito. Naging maganda ang takbo ng buhay niya at ng anak sa bagong lugar kung saan sila nanirahan. Pero lumipas ang limang taon sa hindi inaasahang pagkakataon muling nagkita ang kanilang landas ni Van napag alaman din nito na may anak sila kay galit na galit ito sa kanya. Ngunit naintindihan naman nito ang dahilan niya. Nag effort ito sa kanila at pinakita nito na mahalaga siya. Will she accept him again? Or baka naging ganun lang ito dahil sa may anak sila? Handa kaya siyang bigyan ito ng pagkakataon dahil mahal niya ito o sadyang wala siyang ibang minahal kung hindi ito lamang.
Si Jacob ay pinagkasundo na sa pagpapakasal bata pa lang siya. Kakayanin kaya ni Jacob na hindi sundin ang magulang para sa kanyang mana? O ipag lalaban niya ang pagmamahal niya sa isang babaeng naging katulong nila noon at empleyado na ngayon? Kahit alam niyang ayaw ng kanyang ama. Kakayanin din kaya ni Liza lahat ng pagsubok dahil lang minahal niya ang lalaking malayo ang agwat nila sa buhay? O isusuko na lang niya ang pagmamahal niya sa lalaki sapagkat hindi siya nararapat para dito.
Nagising si Maria sa hindi pamilyar na silid at sobrang sakit ng kanyang ulo pati ang nasa gitna ng pagkababae niya. Nagulat na lamang siya ng pagtingin niya sa kanyang katawan ay hubo’t hubad na siya. May katabi na rin siyang lalaki kaya sa gulat niya ay mabilis siyang bumangon at dahan dahan na gumalaw para magbihis at nang hindi magising ang lalaki. Bago siya lumabas ay tiningnan niya muna ang lalaking nakakuha ng pagkababae niya, lumaki ang kanyang mata ng pamilyar ito sa kanya kaya lumapit siya dito para isigurado kong totoo ba ang hinala niya. Parang nanigas siya sa kanyang kinatatayuan na ang lalaking nakakuha nga sa kanya ay walang iba kundi ang may ari ng pinagtratrabahoan niya. Dali dali siyang umalis na may luha sa mata. Lumipas ang isang buwan ay nalaman niyang buntis nga siya. Ipagtatapat kaya niya ito sa lalaki? Natandaan at alam kaya nito ang nangyari sa kanila? Hindi kaya ay hindi nito kilalanin ang anak nila? Naguguluhan si Maria sa anong magiging pasya niya. Will she risk to tell the truth or hide it from Charles?
Akala ni Summer magiging masaya na siya dahil pinakasalan siya ni Van subalit nagkamali siya. Marami pa ring taong humusga sa kanya na pera lamang ang habol niya sa lalaki. Nawasak pa siya lalo nong sinabihan siya ni Jasmine yung dating pakakasalan sana ni Van na buntis ito at ang ama ay si Van. Hindi siya makapaniwalang pagtaksilan siya ng kanyang asawa. Hindi niya kayang magtanong sa asawa dahil natatakot siyang totoo ang sinabi ng babae. Naging magulo ang pagsasama nila ni Van kaya napagdesisyonan na naman niyang umalis at iwan ang lalaki baka kasi hindi na ito masaya sa kanya. Kakayanin kaya ni Summer mamuhay na sila lang ng anak niya at hindi na kasali si Van at kalimutan na lang ito? o di kaya'y makipag hiwalay na lamang siya sa asawa at sabihin ang dahilan niya? Papayag din kayang makipag hiwalay si Summer kay Van kahit hindi alam nito kong saan ba ang mali ? Will Van still fight for his love to Summer?
Aksidente ang pagpakasal ni Anna kay Anton gayong ang matagal niyang katipan ay si Andrew. Kaya hindi niya kayang mahalin si Anton kahit kasal na sila dahil napipilitan lamang siya kung hindi lang dahil sa kanyang Ina hindi sana mangyayari ito. Walang kulang sa lalaki pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makita iyon. Lahat gagawin ni Anton mapaibig lamang ang pinakamamahal na si Anna dahil para sa kanya wala na siyang ibang mamahalin pa kundi ang babae lamang , ang pagmamahal niya dito ay napakalalim kahit sarili niya ay malulunod.