Chapter 1
Chapter 1: Ang Pamilya
Ayaw sana ni Liza na pumasok bilang isang katulong sapagkat bata pa siya at hindi madali ang gawain sa isang katulong. Ngunit wala siyang mapag pipilian dahil hindi kayang tustusan ng kanyang mga magulang ang kanyang pag aaral. Isang mangingisda lamang ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay nasa bahay lamang nag aalaga sa tatlong nakakabata niyang kapatid. Hindi kasi sapat ang kinikita ng kanyang ama sa pang araw araw dahil may kapatid pa siyang umiinom ng gatas saka mahal na ang presyo ng gatas ngayon kaya talagang nahihirapan ang kanyang tatay. Kasi minsan wala siyang makukuha na isda kaya walang matitinda ang kanyang nanay sa puwesto nila na malapit lamang sa kanilang bahay. Kahit alam ni Liza na hindi madali ang maging katulong ngunit susubukan niya dahil isa na sa mga dahilan niya ay ang kahirapan nila.
“Iha talaga bang desidido ka talaga na pumasok sa pagiging katulong?” tanong ni Aling Maris.
Si Aling Maris ay matagal ng nagsisilbihan sa mga Monteverde isa sa mga mayamang angkan sa lugar nila kaya kilala ang mga ito sa lahat ng tao dito sa barangay nila. Ito rin ang nagsabi sa kanya na naghahanap ng bagong katulong ang Senyora.
“Opo Aling Maris kailangan po kasi gusto ko pong makapag tapos ng pag aaral mag ha hayskul na po ako at hindi na kayang tustusan ng aking mga magulang ang aking pag aaral.”
Napabuntong hininga na lamang si Aling Maris sa aking sagot.
“Nakapagpa alam ka na ba sa mga magulang mo Liza nito?”
“Hindi pa nga po Aling Maris mag papaalam pa po ako mabuti nga at nakita kita kaya agad kitang kina usap,” sabi ko.
“Hay nako sayo Liza ikaw talagang bata ka mas mabuti pang mag paalam ka na muna sa mga magulang mo para malaman mo kong papayagan ka ba o hindi.”
“Dadaan naman ako dito bukas kaya pagsabihan mo ako kong anong magiging pasya ng iyong mga magulang.”
“Sige po Aling Maris magpapaalam ako ngayon pagkarating nila.”
“Oh siya sige hindi na ako magtatagal pa papanhik na ako kasi dapit hapon na babalik pa ako kina Senyora kaya maiwan na kita.”
“Sige po mag ingat po kayo.”
“Maraming salamat Liza.”
Hinatid ko ng tingin si Aling Maris nang umalis na ito sa aking harapan. Naka pag desisyon na talaga akong papasok bilang katulong kong hindi man papayag sila tatay at nanay ay kukumbinsihin ko sila na payagan ako. Alam kong nahihirapan na sila sa mga gastusin ko sa paaralan kahit hindi man nila sabihin sa akin alam kong hindi kasya ang kinikita ni tatay. Kaya desidido akong papasok na talaga. Naawa na ako kina nanay at tatay may mga kapatid pa akong iniisip nila kaya gusto ko ring makatulong at bawasan kahit konti ang problema nila. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala akong nakatingin sa daan kong saan doon dumaan si Aling Maris.
“Ay oo nga pala mag sasaing pa pala ako,” sabi ko sa sarili at dali daling nagtungo sa bahay.
Baka kasi darating na si tatay galing pangingisda kaya kailangan naka saing na ako dahil kakain iyon kaagad dahil sa gutom galing dagat. Malapit lang kasi kami sa dagat puwede lang lakarin kaya pangingisda ang kadalasang pamumuhay ng taga rito sa amin. Malayo layo naman ang masyon nang mga Monteverde malawak kasi iyon pero may sasakyan naman na dadaan doon kaya walang problema.
Dali dali akong nag saing ng kanin para maluto agad iyon. Sakto namang dunating sila nanay at tatay ay tapos na ako sa aking ginagawa.
“Liza!”
“Opo Nay,” Pasigaw kong sagot.
“Naka pag saing ka na ba?”
“Opo nay tapos na po.”
“Mabuti naman kong ganun Liza puwede rin bang ikaw na rin ang maglinis nitong isda ito yung ulamin natin ngayon.”
“Isda na rin po ba ang ulam natin?”
“Oo Liza alam mo naman kong bakit.”
Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi ni Nanay dahil nga alam ko kong bakit iyon na naman ang ulam namin.
“Sige po nay ako na pong bahala,” sabi ko dahil kita kong pagod na siya at magtitinda pa doon sa puwesto namin.
“E pri prito mo na lang ang mga yan lahat.”
“Opo Nay.”
“Maiwan ko na muna kayo rito kasi magtitinda ako sa puwesto natin nandoon na nag tatay mo nagbabantay kaya babalik ako roon agad.”
“Ikaw na bahala sa mga kapatid mo naglalaro lang naman sila sa sala Liza,” bilin pa ni nanay.
“Opo nay.”
Umalis na nga si nanay habang ako ay nagtungo na muna sa kusina oara ilagay ang isda roon at tingnan ang mga kapatid sa sala.
“Hayde ikaw na muna ang bahala sa pagbabantay sa dalawa mong kapatid,” bilin ko sa kapatid.
“Opo ate Liza,” sagot naman nito.
“Bantayan mong maigi dahil magluluto ako ng ulam natin.”
“Opo.”
Bumalik nga ako sa kusina at nilinisan ang isda pagkatapos ay niluto iyon. Maya maya ay dumating si tatay kaya iniwan ko naa muna ang niluto at nagmano kay tatay.
“Mano po tay!”
Ibinigay naman ni tatay sa akin ang kamay nito kaya nagmano na ako.
“May naluto na bang isda?”
“Opo tay kakain na po ba kayo kasi ipaghanda ko kayo.”
“Oo kakain na Liza paki handa ako ng kanin saka ulam magbibihis lang ako saglit ng damit.”
“Sige po tay ihahanda ko po.”
Nag sandok nga ako ng kanin saka inilagay ang pritong isda na natapos ko ng lutuin sa lamesa. Naglagay na rin ako ng tubig para kay tatay.
Sa murang edad ay mulat na mulat na ako sa nga gawaing bahay. Dahil bata pa lang ako ay tinuruan na ako ni naay lalo na ako yung panganay dapat talaga akong matutu sa nga gawaing bahay dahil magiging katuwang ako ni nanay sa lahat.
“Kain na po kayo tay,” sabi ko ng makabalik na si Tatay.
“Oo pagkatapos mo diyan kumain na rin kayo ng mga kapatid mo.”
“Opo tay.”
Binalikan ko na muna ang niluto ko at kinuha na iyin dahil luto na panghuki na rin kasi iyong isda.
“Sige na Liza mag paalam kana habang kumakain pa ang tatay,” sabi ng aking isip.
Kinakausap na ako ng aking sarili para makapag pa alam na kay tatay kasi kailangan ngayon ako makapag paalam para masabihan ko na bukas si Aling Maris.
“Tay.”
“Bakit Liza?”
“Magpapa alam po sana ako sa inyo.”
“Para saan?”
“Papasok po sana akong maging katulong.”
Napahinto saglit si tatay at tumingin pabalik sa akin.
“Alam mo ba yang pinag sasabi mo Liza bata ka pa para pumasok sa mga ganyan.”
“Pero tay gusto ko po para hindi na po kayo mas lalong mabibigatan sa gastusin sa aking pag aaral,” paliwanag ko kay tatay.
“Hindi madali ang trabaho na papasukan mo Liza kaya sa nanay ka magpa paalam kong papayag ba ang nanay mo.”
“Pero tay alam ko naman po pero gusto ko pong makapag patuloy sa pag aaral ayaw ko pong tumigil,” pamimilit ko pa kay tatay.
“Sino bang nagsabi sayo na titigil ka?”
“Narinig ko po kayong nag uusap ni nanay noong nakaraang gabi tay pasensya na po hindi ko po sinadyang pakinggan ang usapan niyo.”
Alam na nito ang ibig kong sabihin na usapan nila ni nanay. Sakto namang pumasok rin si Nanay sa kusina dala si bunso.
“Anong pinag uusapan niyo Herman?” “Liza?” takang tanong ni Nanay.
“Yang anak mo Trina gustong pumasok bilang katulong.”
“Totoo ba Liza?” Lingon na sabi sa akin ni Nanay.
“Opo nay,” sagot ko.
“Mahanapan naman namin ng tatay mo ng paraan ang pag aaral mo Liza kaya huwag mo ng alalahanin iyon.”
“Hindi po nay alam ko pong nahihirapan kayo kaya please na po nay payagan niyo na po ako.”
“Sino ba ang magiging amo mo kilala ko ba Liza kasi kong hindi ay hindi kita papayagan baka masama pa ang ugali ng amo mo na yan hah.”
“Kilala mo po nay si Senyora po yung amo ni Aling Maris nay.”
“Ahh kina Senyora pala naghahanap pa rin pala siya ng magiging katulong?”
“Opo nay dahil umuwi na po yung kasama ni Aling Maris kaya nag hahanap po si Senyora ng bago Nay.”
“Pumayag ka na ba Herman?”
Si tatay na ngayon ang kinausap ni Nanay.
“Wala pa akong sinabi Trina kong anong desisyon mo ay iyon din ang akin.”
“Liza sasabihin ko sayo hindi madali ang gawain saa isang katulong talaga bang kakayanin mo sigurado ka na ba na papasok ka roon?”
“Nay alam ko po pero desidido na po ako nay buo na po yung pasya ko dito,” buong tapang kong sabi.
Napa buntong hininga na lamang si nanay dahil sa desisyon ko at tinitigan ako ng husto.
“Sige kong yan ang gusto mo Liza papayagan kita pero siguraduhin mong mag iingat ka lagi,” payo pa sa akin ni nanay.
“Talaga po nay opo oo nay mag iingat ako,” masayang sabi ko kay nanay sabay yakap sa kanya.
“Kailan ka ba raw mag sisimula?”
“Itatanong ko pa po kay Aling Maris bukas nay.”
“Sige mas mabuti pang maghanda ka na ng mga damit mo na dadalhin para handa ka na kong sakaling magsisimula ka na doon.”
“Opo nay,” Ngiti kong sagot.