Chapter 2: Senyora Nora
Kinabukasan ay maagang akong pumunta sa puwesto namin ni Nanay para mabantayan ang pag daan ni Aling Maris para ibalita sa kanya na pinayagan na ako nila Nanay at Tatay. Kahit tanghali pa lang ay nandoon na ako nakatuka dala ang aking bunsong kapatid dahil naglalaba si Nanay.
Nagdala na rin ako ng gatas para kong sakaling gutumin si bunso ay mapapainom ko siya. Alam kong mamaya pa sa hapon si Aling Maris subalit saa sobra kong excited ay pumunta na ako rito ng maaga.
Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ang kapatid ko.
“Nakatulog ka na pala bunso,” ani ko nito.
“Iuwi na muna kita para makatulog ka ng maayos sa bahay.”
Umuwi na muna kami para ilalagay ko sa duyan si bunso ng makatulog ng mahimbing. Babalik na lang ako mamayang dapit hapon kasi masyadong mainit pa roon.
“Nay!”
“Oh Liza asan si bunso?”
“Nakatulog po Nay nilagay ko na po sa duyan.”
“Mabuti naman kong ganun pati ba ang dalawa mong kapatid natutulog?”
“Opo Nay napagod ata kakalaro kanina kaya nakatulog.”
“Ako na po ang magbabantaw nito Nay magpahinga na muna kayo,” sabi ko.
“Magtulungan na lang tayo Liza.”
“Huwag na Nay ako na pong bahala.”
“Oh siya sige Liza kasi masakit na rin yung balakang ko kakaupo.”
“Opo Nay mas mabuting magpahinga ka na nga roon Nay o di kayay matulog na muna.”
“Sige maiwan na muna kita rito papasok na muna ako sa bahay.”
Tumango ako kay Nanay saka sinimulan na ang pagbabanlaw ng mgaa damit na nilabhan ni Nanay. Isang oras ko ring natapos iyon dahil marami rami ang damit na nilabhan ni Nanay.
“Iinom na muna ako ng tubig bago mag sampay nito,” ani ko sa sarili.
“Kukuha na rin ako ng damit na puwede kong gawin pangtakip sa aking ulo kasi mainit masyado.”
Pumasok na nga muna ako sa bahay saka uminom at lumabas na rin agad. Naligo na rin ako pagkatapos kong magpahinga dahil pupunta na ako sa puwesto namin babantayan ko si Aling Maris na dadaan baka hindi ko maabutan kong magtatagal ako sa pagpunta roon. Nagpa alam na mun ako ni Nanay na doon lang ang tungo ko. Naintindihan naman iyon ni Nanay kaya pinayagan agad ako nito.
Agad akong umupo sa upuang gawa sa kawayan at doon hinintay si Aling Maris. Papalubog na ang araw kaya baka maya maya ay dadaan na si Aling Maris sa kinaroroonan ko. Hindi nga ako nagkamali malayo pa lang ay kilala ko na ang pigura ni Aling Maris kaya agad akong napatayo sa pag kakaupo.
“Aling Maris!”
Ngumiti naman si Aling Maris sa akin habang papalapit ito sa akong kinaroroonan.
“Oh iha nakapag pa alam ka na ba kasi kong hindi maghahanap ako ng iba kasi si Senyora ay nangangailangan na ng papalit doon sa kasam ko.”
“Naka pag pa alam na po ako Aling Maris pinayagan po ako nila Nanay at Tatay,” masaya ko namang sabi nito.
“Sigurado ka ba Liza?”
Hindi yata naniniwala sa akin si Aling Maris ehh akala niya siguro nag sisinungaling ako sa kanya.
“Opo Aling Maris kailan po ba ako mag sisimula?”
“Ngayon na kong maari iha sumabay ka na sa akin para makilala ka ni Senyora,” sagot nito.
Natigilan ako sa sinabi nito agad agad talaga medyo kinabahan ako sa sinabi ni Aling Maris.
“Nasa bahay ba ang Nanay mo?”
Hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil nakatitig lamang ako nito at nasa isipan pa ang sinabi nito sa akin na magsisimula na ako.
“Liza!”
“Po?” natauhan kong sabi sa kanya.
“Sabi ko nasa bahay ba ang Nanay mo?”
“Opo Aling Maris nasa bahay po si Nanay,” mabilis kong sagot sa sobrang gulat.
“Punta tayo sa bahay niyo ng maka usap ko ang Nanay mo kong totoo nga ba yang sinabi mo sa akin.”
“Sige po Aling Maris.”
Nauna akong naglakad kay Aling Maris saka naman ito sumunod sa akin.
“Totoo naman po yung sinabi ko Aling Maris na pinayagan ako nila Nanay at Tatay.”
Hindi ko napigilan isiwalat ang nasa aking isipan baka kasi akala ni Aling Maris na nag sisinungaling ako.
“Mabuti naman kong ganun Liza.”
Nakarating din kami kaagad sa bahay.
“Nay!”
“Nandito po si Aling Maris kakausapin po raw kayo Nay.”
Lumingon ako kay Aling Maris para papasukin siya sa loob ng bahay.
“Magandang hapon sayo Trina,” bati ni Aling Maris kay Nanay ng makapasok ito sa loob.
“Magandang hapon rin sayo Maris,” balik rin na bati ni Nanay.
“Umupo ka muna.”
Pagkatapos na umupo ni Aling Maris ay nag usap na nga sila ni Nanay tungkol sa pagpasok ko bilang pagtulong.
“Liza ihanda mo na ang mga damit mo kasi ngayon ka sasama sa akin.”
“Tapos ko na pong maihanda kahapon Aling Maris kasi sinabihan ako ni Nanay baka sakali raw tama nga si Nanay,” sagot ko pero naka tingin kay Nanay.
“Oo nga pala Maris sinabihan ko na iyan kagabi kaya handa na ang nga damit na dadalhin niyan.”
“Ganun ba Trina mabuti naman kong ganun.”
“Ngayon na ba talaga siya magsisimula Maris?” tanong ni Nanay.
“Oo Trina kailangan ko na siyang madala ngayon para ipakilala kay Senyora kasi bukas aalis iyon pupuntang ibang bansa kaya ngayon ko isasama si Liza,” paliwanag naman sa amin ni Aling Maris.
“Ayy ganun ba Maris pupunta palang ibang bansa si Senyora?”
“Oo Trina kaya pasensya ka na kong agad agad kong isasama si Liza hah.”
“Ayos lang Maris naiintindihan ko naman ang sa akin lang ay sana mabantayan at gabayan mo ang anak ko Maris alam mo naman na bata pa iyang si Liza.”
“Nako Trina huwag kang mag alalab babantayan ko ng mabuti iyang si Liza pagagalitan ko iyan kong gagawa man ng masama.”
“Salamat Maris.”
“Sige na Liza kunin mo na ang dadalhin mong bag,” utos sa akin ni Nanay.
“Opo Nay.”
Nang makabalik ako sa sala ay agad ring tumayo si Aling Maris saka kami nag pa alam ni Nanay. Yumakap pa ako sa aking mga kapatid.
“Nay alis na po kami.”
“Mag iingat ka roon Liza.”
Lumapit sa akin si Nanay para yumakap at hinagkan ang aking pisngi.
“Huwag po kayong mag alala Nay mag iingat po ako kayo rin po dito pati mga kapatid ko Nay mag ingat rin kayo lagi,” naiiyak kong sabi.
“Oh siya sige alis na kayo baka gabihin pa kayo.”
“Sige po Nay.”
Nagsimula na nga kaming maglakad patungo sa kalsada na sementado ni Aling Maris. Pa lingon lingon pa ako sa bahay namin at kumaway kaway sa aking pamilya. Nang makarating kami sa kalsada ay pinahid ko ang munting luha na tumulo sa aking mata dahil alam kong ma mimiss ko sila Nanay at mga kapatid ko.
“Dito na lang tayo mag hihintay Liza sa sasakyan na kukuha sa atin,” sabi ni Aling Maris.
Tumango lamang ako sa sinabi ni Aling Maris.
“Umiiyak ka ba?”
Ngumiti lang ako kay Aling Maris.
“Hay nako ganyan talaga Liza sa simula pero masasanay ka rin naman pagdating ng panahon.”
“Siguro nga po Aling Maris.”
Tumahimik na rin ako pagkatapos nun at maya maya ay nnay huminting sasakyan sa aming harapan ni Aling Maris.
“Tara na Liza!”
“Po?” Parang wala sa sarili kong tanong kay Aling Maris.
“Hali ka na.”
Hinawakan nito ang aking kamay at pina una akong pinasok sa loob ng sasakyan.
Ang ganda ng sasakyan unang beses ko pa lang makasakay ng ganito kaya napatingin ako kay Aling Maris.
“Kina Semyora po ang sasakyan na ito Aling Maris?”
“Oo iha iyan yung driver nila.”
Tinuro nito ang may katandaan ng lalaki sa harapan.
“Sino ba iyang magandang batang kasama mo Maris?” tanong ni manong driver.
“Si Liza ito Pedro yung papasok bilang katulong kay Senyora.”
“Yun bang sinasabi mo kahapon?”
“Oo Pedro huwag ka munag maraming tanong bilisan mo na lang diyan ng makarating tayo kaagad.”
Hindi ko pinansin ang kanilang pinag uusapan nabaling kasi ang aking atensyon sa ganda ng sasakyan. Kaya tinitingnan ko ito ng paulit ulit. Hindi ko na lang namalayan na nakarating na pala kami sa mansyon nila Senyora.
“Ang laki pala ng masyon nila Senyora,” manghang sabi ko.
Nakapasok na ang sasakyan at huminto ito sa may garden kaya binuksan ni Aling Maris ang pintuan ng sasakyan. May nakita akong nakabestidang babae na hindi katandaan subalit masasabi mong mayaman ito dahil sa napa kabuting balat at ganda ng damit nito kahit tumutulong ito sa pagdidilig ng halaman. Litaw na litaw ang kaputian nito at taglay na kagandahan.
“Senyora!”