Chapter 3: Buhay Katulong
Tumingin ako kay Aling Maris dahil sa sinabi nito. Ang tinutukoy nga pala nito ay si Senyora yung magiging amo ko kaya pala ang puti ng balat nito at ang ganda nito.
“Maris nandito ka na pala,” sabi naman ni Senyora.
“Opo Senyora may ipakilala nga po pala ako sayo yung sinabi ko sayo nung nakaraan,” wika naman ni Aling Maris.
“Liza hali ka rito dali,” Lingon na sabi ni Aling Maris.
Kaya dali dali naman akong lumakad patungo sa kanila.
“Si Liza po pala Senyora yung bagong katulong.”
“Magandang hapon po Senyora.”
Nahihiya pa ako sa pagbati nito dahil agad itong tumitig sa akin. Tiningnan pa ako nito muoa ulo hanggang paa kaya medyo nailang ako ng konti at umiwas ng tingin sa kanya.
“Magandang hapon rin iha,” bati rin ni Senyora.
Nagtaas ako ng tingin kay Senyora at nakita kong nakangiti siya sa akin kaya sinuklian ko rin iyon ng matamis na ngiti.
“Ang gandang bata ito Maris may lahi ka ba iha?”
Umiling iling ako sa sinabi nito.
“Hindi ko po alam Senyora parang wala ata.”
“Ang ganda mo kasi iha gustong gusto ko ang hugis ng iyong mukha.”
“Nako hindi naman Senyora pero salamat po.”
Ang sarap sabihin kay Senyora na mas maganda pa nga siya kaysa sa akin.
“Maganda nga itong si Liza Senyora hindi ko alam kong saan nagmana ito,” singit naman ni Aling Maris sa aming usapan.
“Tama ka nga Maris bata pa nga itong si Liza lalo na siguro kong mag dadalaga ito.”
“Oo nga Senyora.”
“Tara na papasok na tayo sa loob malapit na palang gumabi naaliw ako sa pagdidilig kasama nila,” nakangiti pa rin nitong sabi sa amin.
“Sige po Senyora.”
Nauna itong lumakad sa amin ni Aling Maris habang kami ay nakasunod lamang nito nahuli pa ako sa kanila sapagkat namamangha ako sa ganda at laki ng mansyon nila. Parang ilang pamilya ang nakatira ang ganda pa ng paligid nito.
“Liza hali ka na nahuhuli ka na sa amon.”
Napansin yata ni Aling Maris na nahuhuli ako kaya agad ako nitong tinawag at hinintay saglit. Matagal kasi akong makahakbang dahil nasa paligid nakatingin ang aking mga mata.
“Ahmm oho Aling Maris pasensya na po.”
“Naintindihan ko naman Liza bukas kana magtingin tingin kong gusto mo kasi ipapakita ko sa iyo ang magiging kwarto mo dito.”
“Opo Aling Maris.”
Pumasok na kami sa malaking pintuan ng mansyon nila Senyora. Mas lalo pa akong namangha sa ganda ng loob nito.
“Senyora,” tawag ni Aling Maris nito.
“Bakit Maris?”
“Ihahatid ko na lang muna po si Liza sa kanyang magiging kwarto para mailagay niya ang mga damit niya doon bago kami magluto ng hapunan niyo.”
“Ako na lang ang maghahatid sa kanya Maris mauna kana sa kusina roon e papasunod ko na lang si Liza.”
“Nako huwag na Senyora ako na lang ayos lang naman po sa akin Senyora.”
“Sige na Maris ako na ang maghahatid sa kanya.”
“Ako na po Senyora nakakahiya naman po sa inyo.”
“Ako na Maris.”
“Sige po Senyora.”
Tiningnan muna ako ni Aling Maris bago nagtungo sa kusina siguro. Nabaling ang aking atensyon sa isang malaking portrait ng larawan na nasa dingding ng mansyon nila Senyora. Tinitigan ko iyon ng maigi dahil pamilyar ang hitsura ng babae sa akin.
“Iyan yung asawa at nag iisang anak ko Liza,” biglang sabi ni Senyora.
Nalaman siguro nito na doon ako nakatitig kaya pala pamilyar ang babae sa litrato dahil si Senyora iyon. Maganda nga pala si Senyora kahit walang make up.
“Nasa State ang mga yan iha kaya hindi mo pa sila makikilala ngayon.”
Ibig bang sabihin ni Senyora ay siya lang mag isa rito kaya bukas ay pupunta siyang ibang bansa para bisitahin ang pamilya nito roon.
“Tara na ihahatid na kita sa kwarto mo.”
Ngumiti na muna ito bago naunang lumakad sa hagdan.
“O-po Senyora tara po.”
Sumunod lamang ako kay Senyora habang bitbit ang bag na dala. Umakyat kami sa itaas at naglakad pa hindi ko pa kabisado ang lugar kaya wala akong ibang ginawa kundi sundin lamang si Senyora.
“Wala na kasing ibang kwarto sa baba kaya dito ka sa taas Liza sa may guest room marami pa namang bakante kaya ayos lang,” biglang sabi nito.
“Nakoo Senyora ayos lang po sa akin kahit saan basta may matulugan lang po.”
Ayos lang naman talaga sa akin kahit saan basta may nnatulugan lang ako hindi ko nga inakala na may kwarto pa pala ako rito akala ko ay iisa lang ang kwarto ng mga katulong rito. Nahihiyavtuloy ako parang ang sosyal ko naman kong ganito.
“Hindi maayos sa akin ang kahit saan Liza dahil babae ka kaya dapat kwarto ang tutulugan mo.”
Ang bait pala ni Senyora kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko hindi katulad kanina na sobrang kinakabahan ako dahil baka napaka istricta ni Senyora ngunit ngayon ay laking pasasalamat ko na hindi pala.
Hindi na lamang ako umimik sa sinabi ni Senyora hanggang sa huminto kami sa pintuan na nasa gilid at binuksan iyon ni Senyora. Binuksan rin nito ang ilaw bago pumasok sa loob.
“Heto yung magiging kwarto mo Liza,” sabi ni Senyora.
“Ang ganda naman nito,” sabi ng aking isip. Hindi ko akalain na ganito yung magiging kwarto ko rito sa kanila akala ko iisa lang ang tulugan ng mga katulong rito nagkamali pala ako dahil hindi pala.
“Ito po yung magiging kwarto ko Senyora?”
“Oo Liza nagustuhan mo ba?”
“Sobra po Senyora marami pong salamat.”
“Your welcome mamaya na lang tayo mag usap o sa pagbalik ko na tungkol sa yung pag aaral Liza magbihis ka na muna may uniporme kayo rito nasa ibabaw ng lamesa iyan yung isoot mo bago ka bumaba na sa kusina lamang ang Aling Maris mo hanapin mo lang okay?”
Tumango tango pa ako kay Senyora kahit hindi ko alam kong saan ang kanilang kusina sa ibaba.
“Opo Senyora.”
“Sige maiwan na kita ng maka pagbihis ka na kasi may tatawagan pa ako feel at home alrigh,” naka ngiti nitong togon bago lumabas at sinirado ang pinto nitong kwarto.
“Ang ganda nitong kwarto,” sambit ko sa sarili bago lumapit sa kama at sumampak roon.
“Ang sobrang lambot pa ng higaan hindi katulad sa bahay na masakit sa likod.”
Naalala ko tuloy sila Nanay at mga kapatid naka uwi na kaya si Tatay galing sa pangingisda. Nalulungkot tuloy ako ng naisip ko sila kaya minabuti ko na lang na magbihis sa uniporme na sinabi ni Senyora para makababa na. Hahanapin ko pa naman ang kusina kobg saang banda iyon ang laki naman kasi nitong mansyon talagang maliligaw ka kong unang beses mo pa lang dito at hindi mo pa kabisado ang mga pasikot sikot dito. Binilisan ko na ang pagbihis sa uniporme kasya lang naman iyon sa akin kahit damit pang katulong ay ang ganda pa rin mamahalin rin siguro ang tela nito.
“Mamaya muna isipin iyan Liza bilisan mo na lamang diyan ng makababa kana roon,” saway naman ng aking isipan.
Nang matapos ako sa pagbibihis ay agad na akong lumabas mamaya ko na lamang ililigpit ang mga damit ko. Naguguluhan ako sa laki nitong mansyon nila Senyora kong saan nga ba talaga ako daan mabuti na lamang at natandaan ko kong saan kami lumakad kanina kaya nakababa ako. Ang problema naman ngayon ay kong saan ko hahanapin ang kusina nila. Napa buntong hiniga na lamang ako. Hinanap ko sa may right side subalit wala roon banda ang kusina nila kundi parang isang magarang sala lamang ang aking nakita kahit manghang mahangha ako sa ganda nun ay hindi ko na muna ginawa dahil ang nasa isipan ko ay ang kusina. Baka kanina pa ako hinahanap ni Aling Maris. Naghanap pa ako hanggang sa nakita ko na nga iyon dahil nakita ko si Aling Maris.
“Aling Maris!”
Nagulat pa si Aling Maris sa biglaan kong pag tawag sa kanya kaya malapit pa nitong mabitawan ang hawak na kutsilyo.
“Hay nako sayong bata ka nang gugulat ka.”
Kitang kita ko na hinawakan ni Aling Maris ang dibdib nito siguro sa sobrang gulat ng biglaan kong pagsasalita.
“Pasensya na po Aling Maris.”
“Bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinihintay huwag mong sabihing naligaw ka kong saan ito?”
“Parang ganun na nga po Aling Maris ang laki kasi nitong mansyon.”
“Oh siya sige na hali kana rito Liza tulungan mo ako alam mo naman ang paghihiwa ng mga iti diba?”
“Opo Aling Maris.”
“Sige ikaw na mag patuloy nito kasi huhugasan ko pa ang karne.”
“Sige po.”
Lumapit nga ako kong saan naka puwesto si Aling Maris saka pinalitan siya roon. Naghiwa nga ako ng mga pang palasa. Pati ang kusina nila ay sobrang ganda nakaka inggit.
“Aling Maris kayo lang po ba ang ang nagluluto?”
“Ako lang Liza pag walang nga bisita si Senyora pero pag mayroon ay may kasama ako.”
Nagtataka ako kong sino ba ang mga kasama rito ni Senyora dahil sabi niya kanina ay nasa ibang bansa ang asawa niti ay anak. Itatanong ko kaya kay Aling Maris pero huwag na lang malalaman ko naman iyon ehh saka medyo busy pa si Aling Maris. Isa lang yata ang anak nila Senyora kasi isa lang ang nakita ko sa litrato doon sa sala hindi ko masyadong nakita ang mukha ng kanilang anak dahil agad na kaming nagtungo sa itaas ni Senyora. Panigurado ang ganda at gwapo ang mga anak nito. Mamaya babalikan ko ang litrato at tingnan yung nasa gitna nila para makita ko.
“May anak po ba na nandito si Senyora Aling Maris?”
Hindi ko mapigilang itanong kay Aling Maris dahil kanina ko pa napapansin na sobrang tahimik ng mansyon. Malaki pa naman ito pero napakatahimik sobra kahit may katulong naman akong nakikita.
“Wala Liza yung nag iisang anak niya nasa ibang bansa nag aaral pero narinig ko uuwi iyin rito para dito ipag patuloy ang pag aaral.”
Tumango tango pa ako kay Aling Maris. Isa lang pala ang anak nila Senyora sana naman nag ka anak sila ng marami dahil hindi pa naman masyadong matanda si Senyora kaya nagtataka tuloy ako kong bakit isa lang yung anak nila. Sana nag ka anak sila ng marami dahil malaki itong bahay nila sayang naman kong isa lang walang kalaro nakakalungkot.
“Tapos ka na ba riyan Liza?”
“Opo Aling Maris.”
Marami pang inutos sa akin si Aling Maris ayos lang naman sa akin dahil hindi naman iyon ganun ka hirap pero hindi ko alam na ganito ang mararamdaman mo kong pagod talagang hindi nga madali ang pagiging isang katulong.
“May iuutos pa po ba kayo Aling Maris?”
“Wala na Liza magpahinga ka muna diyan.”
“Ayos lang naman po Aling Maris.”
“Wala na Liza tapos na kaya umupo ka muna.”
“Sige po.”
Sumunod na lamang ako sa sinabi nito dahil pagod na rin ako kaya hindi na ako maki pagtalo pa kay Aling Maris.
“Bagay pala sayo ang uniporme Liza,.”
Napansin pala agad ni Aling Maris ang uniporme na soot ko. Hindi ko alam kong nagsasabi ba ng totoo si Aling Maris dahil para sa akin ay masikip na ito.
“Hindi po ba masikip sa akin?”
“Hindi naman Liza mas bagay nga sayo kasyang kasya lang.”
“Ganun po ba.”
“Lahat po ba ng katulong dito may ganito pong uniporme Aling Maris?”
“Oo Liza lahat tayo.”
“Saan po ba kayo natutulog Aling Maris?”
“Dito sa baba Liza may kwarto naman na nakalaan sa amin.”
“Bakit po nasa taas ako ehh puwede naman po akong sa kwarto niyo na rin.”
Huminto na muna si Aling Maris para mag isip ata ng isasagot sa akin.
“Medyo may edad na kasi kami sa baba yung mga kasama ko Liza at masikip na kaya siguro sa taass ka inilagay ni Senyora.”
“Ilan po ba ang katulong dito Aling Maris?”
“Apat lang kami saka ikaw na yung ika lima Liza may mga lalaki rin namang katulong si Senyora kaso hindi dito natutulog.”
“Ah ganun po ba.”
“Oo Liza.”
Mahigpit rin naman ang security nitong masyon nila Senyora maliban na sa mga nagbabantay rito.
Kaya hindi naman mapanganib na manakawan dahil sa higpit ng seguridad. Naintindihan ko rin kong bakit lima lamang kami na katulong rito. Wala naman kasi masyadong gawain isa pa may kanya kanya yatang role ang bawat isa sa amin kaya ganito saka may mga lalaki naman na gagawa sa mga mabibigat na gawain kaya ayos lang.
“Si Senyora lang po ba ang kakain mag isa Aling Maris?”
“Oo Liza kasi siya lang naman dito.”
“Nako nakakalungkot naman kong ganun.”
“Nasanay na iyan si Senyora Liza kaya huwag ka ng magtanong pa diyan.”
“Mamaya pa po ba tayo kakain Aling Maris?”
Nagugutom na kasi ako kaya gusto ko ng kumain kahit konti lang. Tinanong ko lang din kay Aling Maris ng malaman ko.
“Hay nako sayong bata ka bakit ba nagugutom ka na ba?”
“Opo Aling Maris.”
“Oh siya sige mauna kana sa amin kumain.”
“May lamesa tayo sa likod niting kusina doon tayo lagi kakain para sa mga katulong huwag kang mag alaala kong anong ulam nila Senyora ay ganun din sa atin.”
“Ganun po ba Aling Maris?”
Masaya ako sa sinabi ni Aling Maris dahil makakain na rin ako ng masarap na pagkain.