Chapter 4: Same age
Gustohin ko mang kasabay kumain si Aling Maris subalit alam kong marami pa siyang gagawin kaya minabuti ko na lang na mauna na at nagugutom na rin talaga ako. Naalala ko tuloy sa bahay pag ganito kasi sabay-sabay kaming magkakapatid na kumakain hindi papayag si nanay na may mahuli sa amin kaya namismiss ko tuloy sila.
“Oh tulala ka diyan Liza?”
“Aling Maris naman nagulat ako sayo,”
“Kanina pa kita tinanong pero hindi ka sumasagot kasi kanina ka pa tulala hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” tanong nito habang nakatingin sa aking pinggan.
“Hindi naman po sa ganun Aling Maris ang sasarap ngang pagkain ehh.”
“Ehh bakit nakatulala ka Eneng.”
“Namimiss ko lang po sila nanay at yung mga kapatid ko naalala ko kasi sila habang subo-subo ko yung pagkain.”
“Hay nako iha ganyan talaga yan kasi bago ka pa lamg di bali masasanay ka rin naman habang tumatagal ka rito saka puwede mo naman silang bisitahan puwede kang magpaaalam kay Senyora Nora kung gusto mong umuwi,” mahabang paliwag ni Aling Maris.
Isang buwan ang lumipas at nasanay na rin ako sa mgaa gawain dito sa mansyon nila Senyora.
Hindi lang nga madali nakakapagod rin pero sanay na rin naman ako kaya ayos lang sa akin. Pasukan na sa susunod na buwan sana makayanan ko lahat para rin naman to sa sarili ko kaya kakayanin.
“Liza nasan ka bang bata ka,” naghahanap na wika ni Aling Maris.
Lumabas kasi ako sa mansyon at nag dilig ng halaman kahit hindi mo nmana trabaho iyon kasi nga nababagot na ako sa loob na walang magawa kanina pa tapos yung trabaho ko kaya minabuti ko munang lumabas kaya naisipan kong tumulong sa pag didilig ng halaman.
“Liza iha,” sigaw na tawag sa akin ni Aling Maris.
“Aling Maris nandito lang po ako sa labas nag didilig po ng halaman,” sigaw ko ring balik nito.
Hindi na sumagot sa akin si Aling Maris kaya minabuti ko na lamang na ipagpatuloy ang ginagawa.
“Nakong bata ka kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala,” rinig kong sambit nito habang papalapit sa aking puwesto.
Ibinaba ko muna yung ginamit kong pangdilig ng halaman para maharao si aling Maris baka kasi may ipapagawa ito sa akin.
“Bakit po Aling Maris, lumabas po kasi ako nabagot sa loob kaya tumulong rito.”
“Isasama kasi kita sa palengke kaya hinahanap kita Eneng mas mabuti pang iwan muna diyan sila na ang bahala at ng makapagbihis ka kasi darating bukas ang anak ni Senyora Nora bukas kung hindi ako nagkamali kaya bilisan muna Liza sa pagbihi.”
“Nako po pasensya Aling Maris sige po sandali lang po ako magbibihis bababa rin po ako,” nagmamadali kong sabi sabay takbo papasok sa loob.
“Eneng mag ingat ka sa pagtakbo ito talagang bata to napakakulit,” kamot sa ulong sabi ni Aling Maris.
Pagkatapos kong makabihis ay agad na kaming umalis ni Aling Maris papuntang palengke. Agad rin naman kaming nakarating sa bilis ng pagmamaneho ni manong.
“Dito ka lang maghintay kanor sa amin,” bilin nito sa drayber.
“Opo, Maris bilisan niyo lang kasi mag gagabi na hindi ako puwedeng magtagal,” ani naman nito.
“Sige Kanor sandali lang kami sige at maiwan kana namin,” paalam ni Aling Maris.
Lumingon sa akin si Aling Maris at hinawakan ang aking kamay para pumasok na sa palengke.
“Ano pong una nating bibilhin Aling Maris?”
“Mga sangkap pang luto iha basta ako ng bahala samahan mo lang ako at ng may kasama akong magbitbit mahihirapan kasi ako kung ako lang.”
“Sige po walang problema iyon sa akin Aling Maris.”
Pahinto-hinto kami ni Aling Maris dahil sa kanyang mga bibilhin habang nakasunod lamang ako sa kanya at taga bitbit ng binili niya hindi na ako ulit nagtanong kung para saan ba ng mga iyon dahil siya naman yung may alam kaya hinayaan ko na lang siyang mamili sa gusto niyang bilhin dahil pinapasama lang din naman ako. Ang dami ring tao ngayon sa palengke kasi bandang hapon na kaya maraming mga tao na pauwi at dumaan muna dito para bumili ng mga ulam bago umuwi.
“Hay nako nakakapagod bumili,” wika ni Aling Maris habang kami ay papalabas.
“Ayos ka lang Liza?”
“Hindi ba mabigat yang mga dala mo?”
Sunod-sunod na tanong sa akin ni Aling Maris saka lumingon pa sa akin kasi nauna siyang maglakad palabas.
“Ayos lang po Aling Maris kaya ko naman.”
“Nako pasensya kana Eneng at ikaw yung naiasabay ko marami kasing giangawa yung kasama ko sa loob kaya ikaw yung pinasama ko ang dami pa naman tao ngayon dito alam kong naasiwa ka,” nag alalang sabi sa akin ni Aling Maris.
“Nako po ayos lang po sa akin Aling Maris wala hong problema.”
“Salamat naman kung ganun Liza tara nat maka uwi na tayo gumagaani na rin baka naka uwi na si Senyora Nora.”
“Okay po Aling Maris.”
Sumakay na kaagad kami at umuwi. Tinulungan pa kami ni Mang Kanor sa Pagbitbit ng mga pinamili ni Aling Maris papasok sa loob.
“Salamat Kanor,” ani Aling Maris.
Isa isa naming nilabas ang nasa supot na binili para mailagay iyon sa lalagyan.
“Aling Maris ilang taon na po ba ang anak ni Senyora Nora?”
“Magka edad lang kayo Liza.”
“Ganun po ba,” tulala kong sabi.
Ngayon ko lang nalaman na magka edad pala kami hindi ko pa kasi kailan man na kita ito kaya wala akong ideya na magka edad pala kami.
“Eh nasaan po ba siya bakit wala siya rito?” takang tanong ko.
“Lumaki kasi iyong sa ibang bansa iha kaya wala siya rito namamalagi tanging ang kanyang ina lamang kaya nga wala si Senyora minsan kasi bumibisita iyon doon.”
“Kaya po pala Aling Maris na laging may lakad si Senyora Nora.”
“Oo iha pero dito talaga namalagi si Senyora ayaw niya sa ibang bansa kasi sobrang lamig."