Chapter 5: Jacob

1167 Words
Hindi ko namalayan na Naging abala na pala ang Lahat sa pag aayos habang tinatanong ko si Aling Maris kaya nahiya naman ako kaya tumulong narin. “Liza tulungan mo nga si Susan sa pag aayos ng lamesa siya lang kasi mag isa doon,” wika naman ng kasamahan namin dito. “Opo ate,” sagot ko sa kanya. “Aling Maris maiwan na muna kita tutulong lang ako sa kanila,” sabi ko sa matanda. “Sige Liza kasi may gagawin nga pala akoa nakalimutan ko sige mamaya na tayo mag usap.” Gumabi na at katatapos ko lang maligo handa na rin ang lahat para sa pagdating ng nag iisang anak ni Senyora. Nagmamadali na akong bumaba para pumila kasama ang mga katulong dito sa bahay nakakahiya naman kasi kong mahuhuli ako. Pagkababa ko ay katatapos lang din pala nila magbihis ng bagong damit. “Paparating na ba sila Aling Maris?” usisa ko nito. “Hindi ko alam iha hindi nag reply sa akin si Pedro.” “Gumagabi na po kasi.” “Darating din yun baka na traffic lang kaya mag si handa na tayo para pagdating nila ayos naa at babati tayong lahat kay Senyorito,” sabi ni Aling Maris sa amin. “Opo,” sagot namin lahat. Hindi ko alam kong bakit kinakabahan ako ngayon habang nag hihintay sa kanila napa isip kasi ako kung ano bang ugali ng Senyorito, maging payapa kaya ang pagbalik niya rito para sa amin o magiging emperno ito. Baka spoiled iti kasi nag iisang anak nako Diyos ko huwag naman po ayaw ko pa naman sa mga ganung tao. Ang lalim na pala nalipad ng aking isip kakahintay sa kanila. Napabuntong hininga na lang ako sa aking kinatatayuan habang sumigigaw ang guwardiya sa gate na dumating na sila. Napatuwid tuloy ako sa pagkakatayo nung narinig namin ang sigaw nito. “Ohh humanda na kayo nandito na sila,” malakas na sigaw ni Aling Maris. Nakatayo kami malapit sa pintuan kaya tanaw namin ang pagbaba nila. Naunang bumaba si Nora, napaka elegante talaga nitong tingnan kahit medyo may katandaan na nangingibabaw parin nito ang ganda at maamong mukha. Ang sunod na bumaba ay walang iba kundi ang nag iisang anak nito. Sapatos pa lang yung nakita ko parang ang mahal na nun kasi ang ganda rin tingnan. Wala akong planong tingnan ang mukha nito kahit nasa tabi na ito ni Senyora nasa hulihan din kasi ako kaya medyo malayo ako konti pero kita ko rin naman sila. “Magandang gabi sa inyo Senyora at Senyorito, Maligayang pagdating,” bati naming lahat. “Magandang gabi din sa inyong lahat,” sagot naman ni Senyora. “Si Jacob nga pala ang nag iisa kong anak saka dito na ito mamalagi kaya sana pagsilbihan niyo siya ng maayos gaya ng ginawa ninyo sa akin,” dagdag pang sabi ni Senyora. “Opo Senyora,” sagot nila. Oo sagot nilang lahat maliban sa akin dahin parang wala akong naririnig sa sinabi ni Senyora. “Jacob please, greet them.” “Good evening Everyone, Thank You for Welcoming Me.” Ani ni Senyorito. Parang tambol ang t***k ng puso ko habang pinapakinggan itong nagsasalita sa aming Harapan kahit nag ikli lang naman ang sinabi nito. Pinag pawisan ako kahit nakatayo lang naman kami. “Hindi ko na kayo ipakilala isa isa kayo naa lang bahala magpakilala kay Jacob kapay may pagkakataon na mautusan kayo sa kanya.” “Opo Senyora.” “Oh siya sige ihanda niyo na ang hapag kasi nagugutom nato kanina pa he miss homemade cook here in our Province.” Nakangiti na sabi ni Senyora. Nagsi alisan na ang ibang kasamahan ko para mag si balikan Kung saan sila dapat habang ako ay nakatulala na tiningnan si Senyora at Senyorito na papunta sa lamesa para kumain. “Liza,” bulong na tawag ni Aling Maris sa akin. “Po,” tulala ko pa ring sagot nito. “Ano ka ba bakit hindi ka na natinag sa kinatatayuan mo diyan.” “Ayy oo nga po balik na po ako sa likod.” Nagmamadali kong lakad habang iniwan ko na doon si Aling Maris pagkatapos siyang sagutin. “Ano bayan Liza ba’t ka natulala kahit hindi mo pa nga masyadong nakita ang mukha ni Senyorito,” wika ng aking isipan. Nababaliw na yata ako pati sarili ko kinakausap ko na. Napabuntong hininga naman ako ulit habang naka upo na dito sa dirty kitchen kung saan palagi kaami rito tuwing may mga bisita. Hindi naman ako kailangan doon dahil marami naman sila saka nandoon na rin si Aling Maris na alam kong anong gagawin at gusto nila Senyora. Habang malalim ang aking iniisip biglang dumatimg yung kasamahan kong dalaga pero mas matanda pa sa akin kasi ako ang pinaka bata dito. “Ang gwapo ng anak ni Senyora,” kinikilig nitong sabi. “Ang ganda pa ng pangalan Jacob,” sagot naman ni Mae. Natahimik sila ng natanaw nila akong nakikinig sa hagikhikan nilang dalawa. Akala ko babalik sila sa doon kaso naupo rin sila kasama ko. “Liza ang gwapo ni Jacob diba?”sabi ni Mae. “Basta mayaman gwapo talaga ang mga yan panìgurado ako kahit hindi ko nakita mukha niya.” “Huh? Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?” “Hindi ako tumingin sa kanyang mukha pero alam kong gwapo siya kasi maganda si Senyora.” “Ba’t di ka tumingin nako talagang matulala ka talaga Liza,” sabi naman ni Angel. “Nasa hulihan ako at sadyang naka tsismosa ninyo kaya hindi ko na sila makita,” pagdadahilan ko pang sabi sa kanila. “Ay oo nga pala nasa pinaka huli ka pala.” Mabuti na lang at sumang ayon naman sila sa aking sinabi. Dahil ang totoo talaga niyan ay ayaw kong tumingin sa pagmumukha nito kinakabahan talaga ako ewan ko kung anong nangyari sa akin siguro magdadasal na lang ako na hindi mautusan kay Senyorito marami naman ang katulong dito. “Sigurado ka ba sa mga pinag sasabi mo katulong ka rin dito Liza,” tutol ng aking isip. Alam ko iyon pero hindi ko muma iisipin iyon sa ngayon total kararating pa lang naman ni Senyorito. Hindi na nila ako kinausap pa dahil silang dalawa na lang ang nagbulong bulungan at wala silang ibang pinag uusapan kundi ang Senyorito. Humihikab na ako sa paghihintay na kumain kami hinintay namin si Aling Maris kasi pinagsabihan naman kami na kumain na kaso sabi nito pagkatapos na lang nila. Kaya nandito parin kaming tatlo dito mag aalas otso na din pala hindi ko namalayan ang oras. Hindi pa naman ako nagugutom pero gusto ko ng humiga sa kama ang dami kasi naming ginagawa ngayon kaya medyo napagod ako. Ewan ko lang ang dalawang kasamahan ko parang hindi sila napagod nung nakita si Senyorito napa ka energetic pa din sa mga ito. Nagtaka ako kong bakit natahimik silang dalawa kaya nag taas ako ng tingin sa kanila at kumunot ang aking noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD