bc

NEVER ENDING LOVE

book_age18+
768
FOLLOW
5.0K
READ
fated
mate
brave
twisted
sweet
mxb
humorous
witty
lies
seductive
like
intro-logo
Blurb

Aksidente ang pagpakasal ni Anna kay Anton gayong ang matagal niyang katipan ay si Andrew. Kaya hindi niya kayang mahalin si Anton kahit kasal na sila dahil napipilitan lamang siya kung hindi lang dahil sa kanyang Ina hindi sana mangyayari ito. Walang kulang sa lalaki pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makita iyon. Lahat gagawin ni Anton mapaibig lamang ang pinakamamahal na si Anna dahil para sa kanya wala na siyang ibang mamahalin pa kundi ang babae lamang , ang pagmamahal niya dito ay napakalalim kahit sarili niya ay malulunod.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Chapter 1: Ang katipan Mahimbing ang tulog ko kagabi dapat ay masaya din ako dahil maganda ang aking gising pero hindi dahil pagagalitan at sesermonan na naman ako ng aking ina dahil sa paulit-ulit na dahilan, ang pakikipagrekasyon ko sa lalaki. “Nang umuwi ako kagabu hindi kita nadatnan dito. Saan ka na naman ba nanggaling kagabi?” tanong sa akin ni Inay. “Kina Jessa lang po Inay.”tugon ko . Alam niyang matalik na kaibigan ko si Jessa. “Anna!” Sigaw ni Inay. “Huwag kang sinunggaling nakita ko ang kaibigan mo kagabi sa puwesto natin sa palengke.”galit pa rin na patuloy ni  Inay. Natigilan ako hindi ko sukat akalain na nagkita sila kagabi ni Jessa sa palengke wala naman kasi akong ibang madahilan kay Inay kundi ang matalik na kaibigan ko lamang. “Nakipagkita ka na naman sa katipan mo ano?” tanong ni Inay. “I-Inay…” “Magtapat ka Anna!         “O-Opo Inay.” Pagamin ko ni Inay. Sinampal agad ako ni Inay at mas lalo lamang siyang nagalit sa akin. “Talagang pare pareho lang kayong magkakapatid mga suwail na anak hindi kayo kailanman nakikinig sa mga bilin at payo ko sa inyo.” Umiiyak na tugon ni Inay. “Inay ano po bang masama sa pagkakaroon ng karelasyon normal lang po iyon dahil dalaga po ako at saka wala naman po kaming ginawa na masama alam po namin ang aming limitasyon.” “Alam mong mahirap ang buhay Anna, alam mo yan dahil naranasan natin ang hirap naghihirap na nga tayo kukuha ka pa talaga ng isang kahig isang tuka na lalaking karelasyon.” “Hindi naman po masama ang pagiging kargador sa palengke Inay marangal na trabaho po iyon at saka pinaghihirapan.” sagot ko kay Inay. “Hindi gaganda ang buhay mo diyan Anna, hindi kayo pakakainin ng tang inang pagmamahal na yan, hindi ka kayang bigyan ng magandang buhay ng lalaking iyan Anna kaya mo bang makita ang mga anak mo kung sakali na nahihirapan alam kong hindi kaya sana pakinggan mo ang iyong ina dahil ang lahat ng ito ay para lang din sayo.” pagpapaintindi ni Inay. Ang lakas ng boses ni Inay talagang maririnig iyon ng aming mga kapitbahay. Pagsilil ko sa bintana tama nga ang aking hinala nakikiusyoso ang mga ito. Alam kung kami ang kanilang pinag uusapan, kaya’t nakadama ako ng hiya. Hindi na lamang ako sumagot ni Inay, nanahimik na lamang ako dahil baka lalo lamang ikagalit nito ang mga sasabihin ko. Pagsabihan na naman ako niti na mag asawa na kung hindi raw ako makatiis. Bahala na lang daw ako sa aking buhay total raw ay matanda na ako na sa tamang gulang na. “Tandaan mo Anna, kapag di mo hihiwalayan yang lalaki na yan ipapakasal talaga kita sa kahit sinong lalaki,”pagbabanta ni Inay sa akin. “Inay bakit po kayo ganyan?” tanong ko kay Inay. “Inaalala lang kita Anna at itong mga payo ko sayo at sa inyo ng mga kapatid mo ay para lang din ito sa inyi kaya makinig ka tingnan mo ang nangyari sa mga kapatid mo dahil sa katigasan ng ulo!” malungkot na wika ni Inay. “Inay hindi naman po ako tutulad sa kanila.” “Yan din yong sinabi ng mga kapatid mo sa akin noon Anna pero anong nangyari sa pagtitiwala ko sa kanila bigong bigo ako sa kanila kaya hindi ko na kayang paniwalaan ang mga salitang yan.” wika ni Inay bago pumanhik sa kwarto nito. Naiintindihan ko naman si Inay alam kung ang kanyang mga payo ay para lamang sa akin ngunit hindi ko maiwasang masaktan dahil bakit niya ako itutulad sa mga kapatid ko may mga pangarap akong gustong matupad at gusto kung paniwalaan naman ako ni Inay na hindi siya bibiguin nakakasama lang ng loob na negatibo palagi ang isip ni Inay sa akin. Hindi ko na lamang inalintana iyon dahil sanay na rin na naman ako kay Inay. Kaya nagbihis na lamang ako upang makahanda na sa pagpasok sa paaralan sa awa naman ng panginoon ay huling taon ko na sa kolehiyo ngayon kaya siguro ang higpit ni Inay sa akin kasi baka hindi ako makagraduate dahil mabuntis ng aking katipan. Bumaba na ako pagkatapos magbihis at saka nagkape narin. Hindi na ako nagpaalam kay Inay na aalis na dahil alam kung hindi pa humupa yung galit niya hahayaan ko na muna siya. Mula sa aming bahay ay lalakad pa ng sampung minuto bago makarating sa daan at makasakay ng sasakyan patungo sa unibersidad na siyang aking pinapasukan. Ngunit bago ako makarating sa daan nakita ko na si Andrew na naghihintay sa akin doon. “Bakit matagal ka ngayon?” tanong ni Andrew. “Nagkasagutan kasi kami ni Inay,” sagot ko nito. “Parang palagi na lamang mangyayari iyan,” nabahala na wika ni Andrew. Hindi na lamang ako kumibo kasi naguguluhan ang aking isipan kung paano ko sasabihin sa kanya ang gusto kong mangyari muna sa amin iba ang takbo ng aking isipan. Paano ko sasabihin para hindi siya magalit kung hindi muna kami magkikita pansamantala. “Bakit sobrang tahimik mo yata?” naguguluhang tanong niya sa akin. “Drew, baka ito na muna ang huli nating pagkikita,” “B-Bakit?” “Gusto ko sanang mag focus sa aking pag aaral,” lakas na loob kong sabi sa kanya. Kahit hindi naman talaga iyon ang tunay na dahilan ko. “Anna sabagal na ba ako sayo hindi naman tayo palaging magkikita at saka bakit ngayon pa ehh matagal na tayo pwede mo namang pagsabayin ito,” “Oo kaya ko pero Drew nahihirapan na ako lalong lalo pa na galit si Inay sa relasyon natin,” “Paano na tayo kung ganon Ann?” “Hindi muna tayo magkikita Drew, tayo parin naman sana maintindihan mo,” “Hindi ko talaga maintindihan puwede mo namang pagsabayin diba bakit ngayon pa matagal na tayo akala ko ba mahal mo ako?” “Alam muna ang sagot niyan Drew mahal na mahal kita pero kailangan natin gawin ito,” ani ko. Bigla na lamang ako iniwan ni Andrew sa daan kung saan kami nag uusap nagalit siya sa naging dahilan ko. Tinawag ko pa talaga siya ng maraming beses pero ni isa hindi niya ako nilingon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa kabilang daan kung saan siya dadaan patungo sa palengke. Iniwan niya ako ng walang paalan naintindihan ko naman na nagalit siya pero karapat dapat ba na iwanan na lang ako bigla ng walang pasabi.  Akala ko maiintindihan niya ako yun pala hindi pumara na lang ako ng sasakyang jeep papuntang paaralan dahil baka mahuli pa ako sa klase.                        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook