CHAPTER 2

1132 Words
Chapter 2: Ang Paghahanap ng Trabaho Naalimpungatan ako dahil nanaginip akong nasa bahay pa ng aking tiyahin napabuntong hininga na lamang ako ng pagdilat ko na sa isang silid pala ako na siyang aking tinutuluyan. Maaga pa naman subalit nakasanayan ko ng gumising sa mga oras na ito dahil ganitong oras ako gumigising noong na sa bahay pa ako ng aking tiyahin. Ako kasi ang maghahanda ng pagkain sa kanila at naglilinis na rin ng bahay kasi magagalit si tiya kapag hindi ako gumising ng maaga. “Wala pa akong maluluto bibili na lang ako mamaya uunahin ko muna ang maglinis dito sa kwarto.” Bulong ko asa aking sarili. Pagkatapos kung maglinis ay naligo na agad ako dahil gutom na ako at mag alas 10 na ng umaga maghahanap pa ako ng pwedeng pagbilhan ng ulam at saka kanin. Pagbukas ko ng pinto ay siya din namang pagdating ni nanay Nena. “Magandang umaga ineng.” pagbati nito. “Magandang umaga din po nanay Nena,” balik kong pagbati din nito. “Kukunin ko na sana ang upa mo ineng sa buwang ito para wala kanang alalahanin kung hindi sa susunod na buwan na rin ang proproblemahin mo.” “Sige po nanay Nena heto po ho, at saka salamat po talaga.” balik kong pagpapasalamat nito. “Ano ka ba ineng, walang anuman .” “Nanay Nena may alam ka po bang nagtitinda ng pagkain dito kasi bibili sana ako ng pagkain kasi mamaya pa po ako mamalengke para makatipid sana.” tanong ko kay nanay Nena. “Oo ineng andiyan lang sa tapat may nagtitinda diyan at masarap ang kanilang luto.” sagot naman nito. “Sige po nanay Nena doon po ako bibili, salamat po.” pagpapaalam ko dito. Pumunta agad ako doon sa karenderya at bumili na agad pagkatapos ay bumali rin ako sa aking tinutuluyan upang makakain na dahil gutom na ako at mamalengke pa pagkatapos. Kumain ako ng mabilis at pagkatapos nagbihis upang pupunta ng palengke. “Hindi ko pala natanong kay nanay Nena kung saan dako ang palengke dito.” bulong ko sa sarili. “Di bale na lang magtatanong na lang ako sa labas kung saan dadaan” Lumabas na ako at nagsimulang maglakad may nakita akong isang dalagita kaya tinanong ko ito. “Miss puwede po ba magtanong?” “Opo, ano po iyon?” ani nito. “Saan ba dadaan patungo sa palengke saan po dito ang alam ko sentro ito kaya mukhang malapit lang dito ang palengke?” “Liliko lang po diyan ate sa may eskinita pa kaliwa ka lang po makikita mo na ang palengke pagkatapos.” sagot nito. “Sige maraming salamat ineng.” ani ko. Pumunta agad ako doon at namili ng kakailangan sa isang linggo. Inuna ko ang mga gulay sa paghahanap nang nakita ang gulayan ay namili na ako ng gusto kong gulay. “Ilang kilo po ng ampalaya ineng?” tanong ng tindera. “Magkano po ang kilo manang?” tanong ko naman pabalik. “45 lang ang kilo niyan ineng,” sagot nito. “Sige isang kilo lang po sa akin manang.” asik ko. “At saka po isang kilo narin po ng talong at heto po mga lamas na rin.” Dagdag kong togon nito. “Heto lang ba ineng?” “Opo manang, magkano po lahat?” “125 lang lahat ineng.” “Heto po ang bayad manang.” togon ko nito. “Ngayon lang kita nakita dito ineng bago ka lang ba dito hindi kasi kita namumukhaan na minsa nang bumili dito?” dagdag nitong tanong. “Opo manang bago lang po ako dito kahapon pa po.” sagot ko. “Ahh kaya pala ineng ang gandang bata mo iha.” “Maraming salamat po.” pagpapasalamat ko na lng dito. Pagkatapos bumili ay nagpara na agad ako ng sasakyang jeep dahil hirap ako sa pagbitbit ng mga pinamili at hindi ko kayang maglakad kahit na nagtitipid ako. Bumaba ako ng jeep ng na sa tapat na ako ng aking inuupahan. “Pakiabot po ng bayad, salamat.” Sabi ko sa manong na katabi ko saka bumaba. Pumasok agad ako sa aking room at pinagligpit ang mga pinamili pagkatapos ay nagsain narin ng tanghalian. Kumain ako ng tanghalian ng mapayapa dahil nag iisa lang akong kumain kaya matagal akong natapos dahil natulala ako paminsan minsan. “Dapat na talaga akong makahanap agad ng trabaho dahil ang perang naiwan na lang sakin ay hindi na aabot sa susunod na buwan.” bulong ko sa sarili. Kaya napagpasyahan ko na maghanap na ng trabaho pagkatapos kumain. Nagligpit ako ng aking pinagkainan at hinugasan ito ng natapos ay saka na ako naligo at nagbihis ng pantalon at isang formal na damit. Naglalakad ako at naghahanap ng pwedeng mapasukang trabaho subalit wala pa akong nakitang may bakante at naghahanap ng mga empleyado, ang hirap pa lang maghanap ng trabaho sa panahong ito lalong lalo na hindi ako nakapagcollege at high school lang ang natapos ko. Sa tuwing papasok ako sa malalaking companya dito sa Eskaya lage akong napupuna sa guard at laging tinanong. “Ano pong sadya natin?” tanong ng guard. Lage ko namang sinasagot na mag aaply sana ako ng trabaho kahit jannitress lang okay na sa akin iyon kasi sanay naman ako sa mga gawain kahit mahirap kasi lumaki akong maraming gawain ang alam. Kaso titingnan lang ako ng guard ng mula sa paa hanggang ulo na para bang sinusuri niya ako kung papasa ba ako sa kanya o hindi ehh hindi naman siya yung may ari akala mo namang may karapatan siyang tingnan ako ng ganun. “Ay ma’am wala pa pong bakante dito sa iba ka na lang po,” yan yung laging sagot ng mga guard na aking nakaharap sa mga kompanyang pinuntahan ko. Gusto ko mang sagutin na bakit wala ang laki nitong kompanya hindi talaga kapani paniwala pero hindi ko na lang pinilit ang aking sarili baka rin kasi may standards talaga sila na tinitingnan. Naiinis na talaga ako sa palaging naririnig paulit ulit akong sinabihan na high school level lng daw ang natapos ko tapos sa malaking kompanya ako nag apply ng trabaho binaliwala ko na lang kasi totoo naman nagbabakasakali lang din naman ako na makapasok. Gumabi na lang wala parin akong nahanap na pwedeng pagtrabahoan kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi dahil sobrang pagod na talaga ako at kanina pa ako naglalakad kaya masakit rin ang aking mga paa. “Bukas ko na lang ipagpapatuloy ang paghahanap ng trabaho di ko na talaga kaya.” bulong ko sa sarili. Nang nakauwi na ako dumiritso na ako sa aking kama humiga at saka hindi ko na lang namalayan na nakatolog na pala ako dahil sa sobrang pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD