Chapter 42: Papayag Nang makarating ako sa bahay ay nagpasalamat ako kay bakla dahil sa pagpasakay niya sa akin palagi sa sasakyan niya. “Maraming salamat bakla.” “Your always welcome baby,” nakangiti nitong sagot. “Good luck sa inyo ni papa Van hah hehe enjoy Summer,” dagdag pa nitong sabi sa akin. “Sana nga bakla sige bakla bye,” ani ko nito sabay labas sa kanyang sasakyan. Isinarado ko na ang pinto at kumaway sa kanya at sinimulan na nito na paandarin ang sasakyan pabalik at pinatonog ito hudyat na aalis na ito. Humarorot ang sasakyan at nawala ito sa aking paningin dahil saa sobrang bilis ng pagmamaneho ni bakla. Kaya pumasok na agad ako sa bahay pagkatapos na makitang wala na ang sasakyan. Nang makarating sa kwarto ay umupo muna ako saglit para tumihaya ng makapagpahinga sanda

