Chapter 105: Desisyon Nakatulog na lang ako sa kakaisip kasi inaantok na rin naman ako kanina pa kinabukasan ay nagising ako dahil sa nararamdaman kong pagsusuka kaya dali dali akong bumangon saka nagtungo sa banyo. Halos maiyak ako sa pagsusuka kahit wala naman akong masyadong maisuka. “Ganito ba talaga to,” nanghihinang sabi ko sa sarili habang nakaluhod paharap ng bowl. Tumayo ako ng dahan dahan para ma eflush ang bowl saka punasan ang bibig masama na naman yung pakiramdam ko nanghihina akong bumalik sa kama saka nakatulog ulit maaga pa naman kasi nagising lang ako dahil dun. At ng magising ulit ay medyo okay na ang pakiramdam ko kaya kumuha na ako ng tuwalya saka nagtungo na naman ulit sa banyo para maligo na ng makapasok ay naghubad ako lahat saka pinagmasdan ko ang aking katawan

