Chapter 100: May Nangyari Na Sinimulan ko na ang gagawin kasi mamaya ay magsisimula na ang selebrasyon hanggang sa humapon na at natapos na rin naman ako at saka maingay na sa baba. Alam kong marami ng tao sa baba kaya kiankabahan na ako kasi ako pa naman ang kapartner ni sir Van. Nang may biglang kumatok sa pintuan kaya tumayo ako agad saka binuksan iyon. “Ano pong atin?” tanong ko. “Magandang hapon po ma’am nagdeliver po ako ng damit jay sir Morillo,” sabi nito. “Ay sige kunin ko na lang ako na magbigay,” ani ko. “Sige po ma’am heto ho,” wika nito sabay bigay sa akin nun. Tinanggap ko naman iyon saka nagpasalamat. “Salamat,” ani ko sa lalaki. “Salamat din po ma’am,” sagot naman nito saka ko na isinarado ang pintuan nun. Lumakad na ako sa papuntang opisina ni sir Van saka kumatok

