Chapter 17: Unang Halik Kakabukas ko lang ng pintuan sa opisina ay narinig ko ng may tumatawag sa cellphone bago pa man ako marating sa aking lamesa ay natapos na ito. Dali dali ko itong kinuha at tiningnan baka si sir Van ang tumawag hindi nga ako nagkamali siya nga ang tumawag limang missed calls na ang andito nakalagay sa cellphone nako lagot na naman ako nito. May mensahe pa talaga binuksan ko iyon at binasa. “Hindi ka pa ba nakabalik kanina pa ako tumatawag bakit ayaw mo sagutin?” text nito. “Paano ko naman masasagot sir Van kung hindi ko nadala ang cellphone at nandito ito,” sabi ko sa sarili. Tumunog ulit iyon kaya sinagot ko agad, “Hello sir,” ani ko. “What took you so long to answer your phone?” tanong nito. “Kararating ko lang po dito sa opisina sir kaya di na sagot kanina

