Chapter 44: Mga pinamili Nagpahinga kami saglit ni Sky bago niya binayaran ang aming pagkain at saka lumabas na ng restaurant. Naglibot kami sa mall at hindi ko alam kong saan kami pupunta kasi may hinahanap atang shop si Sky rito kanina pa kami lakad ng lakad at tingin ng tingin si Sky sa mga nadadaanan namin. “Ano ba kasing hinahanap mo diyan yung kinain natin halos natunaw na sa tiyan ko sa kalakad lakad natin.” “Mas mabuti nga iyon Summer at ng kakain naman tayo,” nakangiting wika nito. “Nahihibang kana ba Sky?” “Hahaha hindi hah sayang naman yung ganda ko pag ganun baka si Jake yung mamomoblema haha,” ani nito. “Haha kawawa naman si sir Jake pala pag ganun Sky kaya dapat normal ka latalag haha,” biro kong sabi nito. “May maleta ka ba Summer?” biglang pag iiba ng usapan nito.

