Chapter 51: Nagseselos Di lang aminin Isang napakagandang hotel ang bumungad sa akin pagkalabas ko ng sasakyan at isang nang aakit na dagat ang nakita ko sa harap nito. Napakaganda tingnan hindi nakakasawa kahit ilang beses pa siguro akong pupunta rito ay hindi ako magsasawa na balikan ang lugar nato. Baka sakali dito ko gusto manirahan. “Talaga Summer wa ka nga pera ehh bahay pa kaya na matutuluyan rito ewan ko na lang sayo,” sabi ng aking isipan. “Ikaw talaga noh talagang epal ka ri ehh nagmomoment ako rito.” Nang bigla akong tawagin ni Van. “Summer pasok muna tayo sa resort at ng malaman natin kong saang room tayo,” ani ni sir Van. “Sige ho.” Pumasok kami sa isang magarbong hotel at dumiritso kami sa reception kong saan may babae na nakaupo roon. “Good morning sir,” bati nito k

