Chapter 96: Pinasabay Naiinis siyang makikita na aliw na aliw ang babae sa mga ito kinontrol niya lang ang nararamdaman dahil baka magkagulo sila ni Jacob at ng mga kaibigan nito siya pa ang dahilan magiging highlight pa sila bukas kaya huwag na lang. Lumabas siya saglit mayamaya ng matapos maibigay ni Summer ang inutos niyang mga folder na permahan. Nakita niya ang babae na natulog na nakatuyo sa lamesa nito hindi niya alam kong natutulog ba iti o nakapikit lang ang nga mata kaya lumapit siya nito. “Summer,” tawag niya. Pero hindi siya nito sinagot. “Natutulog nga,” ani niya. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito kaya hindi niya masisisi sila Jacob at mga kaibigan nito na mapahanga sa babae dahil talagang maganda ito kahit siya ay nagagandahan sa babae kakaiba ang ganda kasi nito

