Annie's POV
This is it! This is really it! First day of college. Ang pinakahihintay namin. Nakasakay na kami sa Audi A5 ni Thalia. Ung driver nila ang naghatid sa amin. On our way na kami sa JU. Etong kaibigan ko, ang lapad lapad ng ngiti at excited na excited pumasok.
Ang aga niya ako ginising. 5:00 am. Eh 8:00 am pa pasok namin. Matagal kasi mag-ayos sa sarili to. 1 hour madalas, 1 hour and 30 mins minsan. Eh ako 15 mins ligo, 10mins bihis, 10mins ayos sa buhok at sa sarili, And 10mins kain. So 45 minutes lang.
Time check! 7:30 am. Malapit na kami sa school. Nakikita na namin ung ibang students na pumapasok. Halatang halata sa mga bags, shoes, etc. nila na mayayaman sila. Maraming gwapo at maganda. Lahat sila nagtatawanan. May nakita pa ako na naghalikan pero smack lang. May nakita rin akong naghahalikan sa gilid. Grabe lang. School po ito hindi motel.
Huminto na ung sasakyan and bumaba na kami. Napatigil sila sa tawanan and pag-uusap at tumingin sila samin. Bakit? May problema ba sa mukha namin? Ok naman kami ha. Naglakad na kaming dalawa sa loob. Sinusundan nila kami ng tingin at nagbubulungan.
"Sino naman sila? Tsk. Sure ako na pumasok lang yan dito para lumandi." Pumasok kami dito para mag-aral hindi para lumandi tulad ng mga ginagawa niyo.
"Nako! Madadagdagan na naman ang mga kaagaw natin niyan." Ang sabihin mo madadagdagan na naman ang mga magaganda dito.
"Ang ganda naman nila. Ang cute din." Salamat. Akala ko naman walang mabait eh. " Kaso baka retokada. Hihihi." Langya! Binabawi ko na. Tss.
"Akala mo naman kung sino maganda, sexy at mayaman. Eh mas maganda, sexy at mayaman naman ako noh." Care ko naman?! Wala bang mabait dito sa school na to?!
"Guys! Look! New Students ata. Ang ganda at ang sexy. Ikama ko nga ito. hahha. Sakin ung mas matangkad." Tsk. Hindi mo kami pagmamay-ari! At ikama? Sapak you want?
Arghhh!! Bakit ganto mga students dito?! Mga walang magagandang ugali. Nagmana siguro sa anak ng may-ari ng school na to. Psh. Nasan kaya sila Khione,Dianna and Iris?
Nasa loob na kami ng building at grabe tunaw na ata kami ni Thalia sa mga tingin nila. Ung mga babae, iniirapan kami. Ung mga lalaki naman, Kulang na lang hubaran kami sa mga tingin nila eh! Mga manyak!
May tatlong lalaking humarang sa daan namin. Isa lang ang may itsura sa kanila kaso mukhang manyak eh!
"Hello Miss! May gagawin ba kayo mamaya? Sama kayo sa amin. Iwewelcome lang namin kayo." sabi nung gwapo pero manyak.
"Kaya nga miss. Ano pala name niyo? Bagong students lang kayo dito diba?" sabi nung nasa right side. Panget!
"Taga saan kayo? Sige na, Pumayag na kayo oh." sabi nung left side naman. Panget din!
Hindi namin sila pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglakad. Grabe lang! Nang naka-5 steps na kami, May humatak sa braso namin at nakita na naman namin ung tatlong unggoy. Ang higpit ng pagkakahawak nila samin.
"Hey! Let go of us! Argh." sigaw ko sa kanila.
"Bitawan mo nga ako!" sigaw naman ni Thalia. Walanjo tong panget na to! Bitawan mo siya kung ayaw mong ipakita ko sayo ang natutunan ko sa taekwondo.
Pinagtitinginan na kami ng mga students. At nanunuod lang sila? Hindi man lang nila kami tutulungan? Anong klaseng estudyante sila?!
"You ugly creature! Let go of my bestfriend kung ayaw mong masaktan!" sigaw ko sa panget na hawak hawak si Thalia.
"What If we don't want?! Ano gagawin mo?!" sabi nung nakahawak sa akin na gwapo pero manyak!
"We'll kill you!" napatingin kami sa nagsalita. Salamat kung sino man siyang nagligtas samin.
Binabawi ko na ung sinasabi kong salamat! Bakit naman sa lahat lahat pa ng magliligtas samin eh si AJ pa? Ha? Nakita ko na naman ang pagmumukha ng AJ na to!
Tinignan ko siya, Serious siya. Kasama niya ung apat na gwapong kaibigan niya. Pero hindi nila kasama sila Khione, Dianna and Iris. Tinignan ko rin ung nasa tabi ko, Aba! Ang loka nakatulala. Nangyare dito? May mga nagbulungan rin pero rinig naman.
"Ang swerte naman niya. Niligtas siya ni Michael." Ako? Swerte? Kasi niligtas ako ng AJ na to?! ASA KA!
"Yeah. Sana ako na lang siya. Ang ganda naman ng first day of school niya." HINDE! Sira na first day of school ko kasi nakita ko na naman siya! Arghh.
"Ang landi naman niya. Sure ako na plinano niya to noh." Are you talking to yourself?! Aish!
Nakahawak pa rin samin ni Thalia ung tatlong unggoy na to.
"Michael, Pwede naman natin sila paghatian eh, Kung gusto mo sayo na ung isa. he-he-he" Lintek ka pala eh! Paghatian? Ano kami? Pagkain?! Excuse me! Tao po kami.
"I said let go of them!" natakot ung tatlo kaya binitawan na nila kami at tumakbo paalis. Tsk. Mga duwag naman pala yon eh!!
Nilapitan ko si Thalia na nakatulala pa rin at wala sa sarili. Lumapit sila AJ samin at ngumiti ng malapad 'tong kaibigan ko. Baliw na ba to? Ano meron sa kanya?! Bakit di ko alam?!
"Ayos lang ba kayo?" tanong nung isa sa mga kaibigan niya. Hindi ko pa alam name nila eh pero tanda ko mukha nila. Napansin ko lang na nakatitig si Thalia sa kanya. Mukhang alam ko na kung bakit ganto to kanina.
"Malamang Oo, Hindi naman sila nagalaw o kung ano eh. Tsk." sabi ni AJ. Ikaw ba kausap ha? Kami kaya! Kami!
"Hindi naman siya tinatanong eh bakit siya ung sumagot?" bulong ko.
"What? May sinasabi ka?" masungit na sagot ni AJ.
"Wala! Aish, Makaalis na nga." hinila ko na si Thalia na tulala pa rin. Grabe naman epekto nun dito.
"Hoy SG! Kung iniisip mo na I saved you, You're wrong! Asa ka! Ayoko lang makakita ng makakasira ng araw ko. Psh" Hinding hindi ko iisipin yon at lalong hindi ako hihingi ng tulong sa'yo. Lumingon ako at
"Hoy AJ! Kung iniisip mo na iniisip ko na you saved me. You're wrong! Asa ka! Sira na ang araw ko dahil nakita kita. Psh." At naglakad ulit kami. Mga bulungan nga naman oh. Tsk.
"Grabe siya! Hindi ba niya kilala si Michael? Wala siyang karapatan sigawan siya!" Wala kayong pakielam! Manahimik kayo!
"Siya na nga ung niligtas eh, Ang arte naman niya" Care mo teh?! Bwisit!
"Nako. Pakipot lang yan. Lalandain niya rin yan. Tsk." Ako? pakipot? Gusto mo po ng sapak?! Hindi ako malandi at lalong hindi sa AJ na yon!
Naririnig ko ung tawanan nung 4 na kaibigan niya. Habang naglalakad kami ni Thalia, hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari, na ganito ka-immature ung AJ na 'yon.
Chael's POV
"Hoy AJ! Kung iniisip mo na iniisip ko na you saved me. You're wrong! Asa ka! Sira na ang araw ko dahil nakita kita. Psh." Ganun? Whahaha. Sisirain ko pa yan.
Tumalikod na siya at naglakad na ulit kasama ung bestfriend niya. Nakatulala na naman yun kay Luke. Halata ko naman na may gusto siya kay Luke eh. Tsk. Eto namang apat kong kasama, Tawa na naman ng tawa. Ang bagal naman maglakad ng SG na to. Ayan na.
Pagkabilang ko nang lima, nahulog na ang balde na puno nang tubig sa kanya. Sakto!
"WHAHAHAHAHA!" tawanan ng mga estudyante pati ako. Nagulat ung 4 kong kasama pero hindi sila natawa. Ang g**o nila, Kung kailan naman may nakakatawa saka sila hindi tumatawa. Psh.
Humarap si SG sa akin na basang basa ng tubig at magkasalubong ang kilay. Nakakatawa talaga ung mukha niya!
Lumapit siya sakin at di ko inaasahan ang ginawa niya.
Sinipa niya ako ng paikot. Napahawak ako sa mukha ko. Ang lakas ng pagkakasipa niya sakin.
"Ubos na ang pasensya ko sayo AJ ka! Kung ayaw mong masipa ulit, tigilan mo ko!" sigaw niya sakin at tumakbo na. Sumunod sa kanya ung bestfriend niya.
"F*ck! Ang lakas ng pagkasipa niya. Aish! Naisahan ako ng isang yon ha." Dumugo ung labi ko. Psh.
"Grabe ka chael, Ikaw may gawa non?" tanong sakin ni Will. Nakatingin rin sakin ung tatlo na naghihintay ng sagot ko.
"Oo. Ako nga. Bakit?" sagot ko sa kanila.
"Eh dapat nga lang yan sayo. hahaha." sabi ni Jason na natatawa.
"Kaya nga. Babae pa rin yon Chael. Grabe ka." Sabi ni Khione. Nandito na pala ung Eye Trickers. Hindi ko man lang napansin.
"Shut Up. Tch." umalis na ako doon at iniwan sila. Kinampihan pa nila ung SG na yon.
Annie's POV
After kong sipain ung AJ na yon, Tumakbo na ako at hinanap ang CR. Nandito na ako sa CR at nakaharap sa salamin. May dalawang students ang nandito rin.
"Hayy. Ang bilis mo tumakbo. Annie, okay ka lang ba? Sorry kung hindi kita napagtanggol kanina ha. Nagulat kasi--" nakita ko si Thalia na hinihingal. Pinutol ko na ung sasabihin niya.
"Ayos lang ako. Wala kang kasalanan kaya huwag ka magsorry sa akin." sabi ko sa kanya.
"Kasalanan naman niya kaya nangyari sa kanya yun eh. hahaha." bulong nung isang babae sa kasama niya.
"Hoy kayo! Kung ayaw niyo masaktan eh tumahimik kayo dyan!" sigaw ni Thalia sa kanila at umalis na sila.
"Annie, Uwi na tayo. Magbihis ka. Baka magkasakit ka niyan eh."
Sasagot sana ako nang biglang narinig namin ang pag-ring ng bell.
"Mauna ka na sa klase. Baka malate ka pa. Ako nang bahala sa sarili ko." sabi ko sa kanya.
"Eh paano ka? Ayaw kitang iwan dito."
"Ayos lang ako. Nabasa lang ako ng tubig. hehehe. Sige na, Mauna ka na. Susunod naman ako." tinulak ko siya palabas ng CR. Yung mahinang tulak lang.
"Sure ka ha? Susunod ka ha? Okay? Nako, Kapag nakita ko talaga yong lalaking yon, Sisipain ko din yon!"
"Yup. Sige na. Malate ka pa. Tabi tayo sa upuan ha."
"Sige. Sumunod ka ha." Umalis na siya. Ako na lang naiwan dito mag-isa. Uuwi na lang ako sandali para magbihis. Kainis talaga! Uuwi pa ako ng hindi oras neto eh!