Chapter 7: Meeting Chael's Friends

1657 Words
Annie's POV Nandito na ako sa bahay. Nakapagpalit na rin ako ng bagong uniform. 30 minutes na akong late sa class. Baka hindi na ako makaabot ng first class. Sa 2nd class na lang ako papasok. Ngayon nagtaxi na lang ako pabalik ng school kaysa naman magpahatid ulit ako sa driver ni Thalia. After 20 minutes, Nasa school na ulit ako. Tumakbo na ako papunta sa section 1 room nang madapa ako o ang ibig kong sabihin ay tinisod ako. Ugh. Sino ba tong mga epal na to?! Tumayo ako at pinagpag ko ang uniform ko. Buti hindi ako nagkasugat. Tsk. Hinarap ko ang apat na babae na tawa lang ng tawa. Sino ba tong mga to?! Ano problema nila sa akin?! Ung isa brown ung hair, tapos ung isa black short hair tapos ung isa ay pink ung buhok at nakafull bangs, tapos ung isa full bangs at mahaba ung buhok. "Aww. Does it hurt? ha? Bwahahaha!" sabi nung parang leader nila. Ung brown ung hair. Masakit?! Ay hindi hindi! Ang sarap nga eh! Ulitin mo nga! Bilis! Tsk. Nakakabwisit sila! "Sino ba kayo ha? Bakit niyo ako tinisod?!" sigaw ko sa kanila. Napa "Oww" sila. Lumapit sa akin ung parang leader nila. "Oww. You don't know who we are? Tss." sabi niya sa akin at inirapan ako. Dukutin ko yang mata mo eh. "Tatanungin ko ba kung hindi." masungit kong sagot. "What?! Are you trying to piss us off? Ha? You b***h!" What? Hinahamon pala ako neto eh. "Don't ever call me b***h! Oh really? You're pissed off? haha!" I faked a laugh. Mga pikon pala to eh.  "Be careful on what you're saying b***h! You don't know what we can do to you. And I'm warning you. Don't ever mess with us and don't ever talk or touch again Silent Voices because they're ours! You understand? You idiot?!" Idiot mo mukha mo! Tch. Silent Voices? Sino sila? Whatever. Ede angkinin nila. Parang may pakielam naman ako eh. Nako naman! Late na ako sa class ko eh. Mga bruhildang to!  "Tch. I'm wasting my time here. Whatever. Do whatever you want, I'm not scared. Tsk." tumalikod na ako and nung maka 3 steps na ako, May humila sa napakaganda kong hair. Arghh. "Don't ever turn your back to me you b***h---"  Naputol ang sasabihin niya nang mag-ring ang school bell. Naglabasan na nga mga estudyante and binitiwan niya na buhok ko. Buti naman dahil kung hindi, Masisipa ko to! "Be thankful it's already time. Tsk. We're not yet done Miss Chase!" at umalis na sila. Wow! Kilala niya pala ako. "Pretty bes! Anong nangyari sayo ha?! Bakit hindi ka naka-attend ng class? Lonely tuloy ako don." Salubong ni Thalia sakin nag nasa pinto na ako ng room namin. May mga natira pang estudyante, ung iba kumain siguro sa canteen. "Sorry naman. May mga bruhilda lang akong nakasagupaan sa daan ko kanina kaya na late ako." sagot ko sa kanya. "Ha? Ano ginawa nila sayo?! Sinaktan ka ba nila? Nasan sila? Suntukin ko na ba? Sipain na natin?!" sabi ni pretty bes na may pasuntok suntok pa. Natatawa tuloy ako. "Wala. Mga pikon naman sila eh. Tara na nga, Nagugutom na ako. Libre mo ako ha!" Kuripot alert! "Tsk. Pasalamat ka talaga bestfriend kita eh. Hay. Let's go!" hinila na naman niya ako sa canteen. Nandito na kami sa canteen. Nakapila kami para bumili ng snacks. Isang burger sa akin and apple juice. Egg sandwich kay pretty bes and orange juice. Binayaran na niya. hehehe. Ang daming tao. Puno na ata ung mga tables eh. Tsk. Hanap hanap ng table baka meron pa. Ayon! Walang nakaupo. 10 vacant seats ung upuan don. Bakit kaya walang nauupo don? Pumunta kami ni Pretty Bes doon. Malapit na kami sa table nang may sumigaw ng  "Nandyan na ang Silent Trickers! Wahhhh!" sigaw ng isang blonde hair na babae. Nagtilian naman ung mga babae. Ang ingay naman nila. Sino ba tong Silent Trickers na to? Naupo na ako sa table. Wait?! Nasaan ung kasama ko? Hanap hanap. Ayun! Nakatayo at nakatulala na naman. Tsk. Lagi na lang nakatulala to. Nilapitan ko siya. "Oy. Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nakatulala ha? May multo ba?" sabi ko sa kanya. Hindi na naman sumagot. Hinila ko na lang siya sa table at inupo. Tulala pa din? Problema neto? "Hoy Thalia!" sigaw ko sa tenga niya. Nagulat siya at muntik ng mahulog ung pagkain niya. "Ano ba? Bakit ka nanggugulat?" "Eh paano naman kasi nakatulala ka noh! Tsk" sabi ko sa kanya at mas lumakas ang tilian ng girls. Bumukas ung pintuan ng canteen at pumasok ang 4 na gwapo at 3 anghel at isang mayabang, panira ng araw at malaking epal! "Ang gwapo mo talaga Michael!"  "Ang hot hot mo Luke! Wahh!"  "Ang coooool mo Leooooo!"  "You're so cute Jasonnnn! Ahhh!"  "Wahh! Akin ka na lang Will!"  Grabe lang! Ang ingay nila! Nakakabingi kaya! Tinignan ko si Pretty Bes, Aba nakatulala na naman kay... sa lalaking nangamusta sa amin kanina?! Sabi na nga ba eh! Kanina pa tong umaga nakatulala sa kanya eh. Bahala nga muna siya! Kakain muna ako. "Ehem!" Eh? Sino yung umubo? Wag na muna pansinin. Baka ibang tao lang yon! "Hoy SG!" nagulat at nabulunan ako. Ininom ko agad ung juice ko. Putek oh! Sino na naman ba to? Tumayo ako and nakita ko ang 4 na gwapo, 3 anghel at tong AJ na to! Ano ba ginagawa neto dito? "Ano bang problema mo ha?" sigaw ko sa kanya. Napansin ko na tumahimik ung lahat ng students sa canteen. Tumayo akoat  pati si Thalia ay tumayo na din. May narinig kami na mga bulungan. Tsk. "Tsk. May atraso ka pa sa akin! Tignan mo ang ginawa mo sa gwapo kong mukha. Sinira mo lang! At bakit ka nandito ha?!" turo niya sa mukha niya na may pasa and may cut ung labi niya ng maliit. Buti nga sayo yan noh!  "Anong atraso ha? Gumanti lang ako noh. Aish!" sabi ko sa kanya. "Nako! Tama na nga yan. Kumain nga muna tayo" sabi ni Khione. Inirapan ko siya at uupo na dapat ako pero tinulak niya ako ng mahina at umupo siya sa upuan ko. Argh. Upuan ko yan! "Hoy! Upuan ko yan! Alis!" sigaw ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "Anong alis? Table namin to. Kami lang ang may karapatan umupo dito kaya ikaw dapat ang umalis!" Ano? Ako nauna dito! Bulungan naman ng mga students ang narinig ko. Aish. Nakakainis na sila! "Kami kaya ang nauna noh! Bakit? May pangalan niyo ba ung table? ha? ha?!" sigaw ko sa kanya. Tumayo siya and lumapit sa akin. Bakit parang kinabahan ako bigla? Hindi pwede! Hindi ako natatakot sa kanya. "Just leave. You're pissing me off!" Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napansin niya na hindi ako kumikilos kaya binaba niya ung mukha niya sa mukha ko. WTH?!  May kumalabog sa dibdib ko. Ano yon?! Waaah! "Narinig mo ba---" AJ "Umupo ka na nga Chael. Ah, Annie and Thalia, Dito na lang kayo umupo sa 2 vacant seats." Buti naman sumingit na ung lalaking tinititigan ni Thalia kanina. Umupo si Pretty Bes sa tabi nung tinititigan niya kanina. Ako naman, Umikot pa ng table para makaupo. At sa kasamaang palad, Nasa harap ko si AJ. Nag tsk lang siya at kumain ulit. "Tignan mo oh! Kasabay nila ang Silent Trickers kumain. Nakakainggit naman," rinig kong bulong sa paligid. "Kaya nga! Ang lalandi talaga! Psh!" hindi ko na lang pinansin to. Madami pang bulungan ang naririnig ko. Tsk. Pabayaan mo na nga. "Uhm, Thank you... Ah." sabi ko sa lalaki kanina. Nakita kong nagpoker face lang si AJ. Teka nga, hindi ko pa pala sila kilala. "Luke Ethan Castellan. Luke na lang. You're welcome," sabi niya. Mas cute siya at gwapo kapag ngumiti. Napansin ko na tahimik lang ung kaibigan ko sa tabi niya. Nako, Sure akong kinikilig yan! "Leo Solace here. Leo na lang. The most handsome and most--" sabi nung blonde. "Tsk. Yabang mo babe!" singit ni Khione. Kinuha ko ung kamay at nakipagshake hands.  "Jason Stoll. Call me Jason. Wag kayong maniwala dyan kay Leo. Ako ang pinakagwapo dito. hahahha" sabi niya. Palatawa siguro to. Binatukan ni Leo si Jason.  "I'm Will Yew. Will na lang." serious type siguro to. Pero gwapo din! "Nice to meet you din. I'm Annabeth Rachel Chase. Annie for short." sabi ko sa kanila ng nakangiti. "Hindi naman namin tinatanong. Tsk." bulong ni AJ. Siya ba kausap ko? Inirapan ko lang siya. Tumingin naman sila kay Thalia na tahimik lang. Napansin niya na nakatingin sila sa kanya.  "Bakit? A-ako pala si Na-nathalia Grace Mason. Th-alia na lang. Ni-ce to meet you." Bakit nauutal to? Nakakatawa ung expression ng mukha niya. Mukha siyang kinakabahan.  "Nice to meet you again Annie and Thalia! hehehe." sabi ni Dianna. Kilala na namin ung 3 girls.  "Pwede magtanong? Ano yung Silent Trickers?" halatang nagulat sila sa tanong ko. Pati si AJ pero bumalik ulit sa expression niya dati. Naka-earphones eh. Tch. Pake ko sa kanya. Buti pa ung mga kaibigan niya, Mababait! "Di mo kami kilala? Awww." nagpout si Jason. Nakakatuwa siya! "Kami yun. Kaming mga lalaki, Silent Voices name ng group and silang tatlong babae, Eye Trickers. Kapag pinagsama, Silent Trickers tawag sa amin." paliwanag ni Leo. "Aah. Ganun?" Kaso nacucurious ako kung bakit ganun ung name ng group nila. Parang ano. Weird? Baka naman kasi sabihin masyado akong pakielamera. Eh hindi. Tanong ko na lang. Bahala na nga. "Pero bakit parang, Parang ang weird? ng name niyo? He-he-he. Sorry kung pakielamera. Kahit wag niyo na sagutin. Nevermind." Ang g**o ko. Curiousity kills talaga. "Okay lang. hehehe. Actually, Marami kaming ganun dito sa school eh. Ga--" naputol ung sasabihin ni Iris nang biglang nag-ring ung bell. "Uhm, Sige Annie and Thalia, Time na pala. Bye! See you next time!" sabi ni Khione. Kumaway sa amin ni Pretty Bes ung pito sa kanila pwera kay AJ. Psh. Narinig ko pa kanina na bumulong siya na "Next time ka dyan? Tsk. Wag na sana". Napaka talaga! Pero wait! Nabitin ako sa sasabihin ni Iris! Epal na ring yan eh! Ga lang ung narinig ko. Ano yon? Tiningnan ko si Thalia. Laki na naman ng ngiti oh. Tsk. Pag-uwi ko na nga kakausapin 'to. Wala pa sa tamang wisyo eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD