Thalia's POV Nandito na kami sa condo namin. Ang saya saya ng first day ko! Ung kay Annie, Hindi ata eh. Bwinisit kasi siya ng Chael na yon. Tsk. Nakiki-chael ka na rin ngayon ha. Pinuntahan ko sa room ung kaibigan ko. Nakaupo siya sa kama at nakatulala. Malapitan nga. I want to make kwento to her about kanina. "Pretty Bes?" sabi ko sa kanya. Humiga siya at bumuntong hininga. Mukhang ang lalim ng iniisip ha. "Huy! Bangon ka na please. Kwentuhan tayo." Wala pa rin. Ano ba kasi iniisip neto? Hmmmm. Alam ko na! "Annie! May daga sa kama!" sigaw ko sa kanya at bigla bigla siyang napatayo na nanlalaki ang mata. "Nasan? Nasan ang daga?! Wahhh! Ayoko sa daga!" Laughtrip ang mukha niya! Tawa lang ako ng tawa dito. Napansin niyang wala namang daga kaya sinamaan niya ako ng tingin. Nag-peace sig

