bc

Tempted Heart (FREE TO READ)

book_age18+
3.8K
FOLLOW
29.4K
READ
billionaire
revenge
possessive
contract marriage
second chance
manipulative
CEO
hollywood
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Braises Ferran is a woman of a suffered past. All her life, she was living with pain and lies. Ang itinuring niyang kanyang mga totoong mga magulang ay isang napakalaking kasinungalingan. She was then lost and scared. In the middle of finding her own reality, he found him, the mighty Achilles Monastaro. He was the most handsome man her eyes laid on but a dangerous one. She got attracted to him but a one accident made her heart turned cold. She left him. She run away from him. When she returned the beast that once was her is now gone wild like a madman. But what if that man was part of her childhood past- her forgotten memory? Will she be able to tame him again or she'll die trying?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 Siniko ako ni Maria kaya napatingin ako sa kanya. I arched my brows at her. Ngumisi lang siya sa akin at may itinuro. Binaba ko ang binabasa kong libro at malamig ko siyang tiningnan bago ibinaling ang aking mga mata sa kanyang itinuro. I was halted when I see a pair of dark cold eyes who were also staring at me. He looks like the great warrior of the movie Troy, Achilles. Malamig siyang nakatitig pabalik sa akin habang may hawak na libro. His stares are so icy for me. I suddenly felt conscious of my appearance. Masiyado siyang lantaran kong tumitig sa akin. Tinapik pa siya ng mga kaibigan niya pero hindi siya nagpatinag at titig na titig pa rin sa akin. Siguro ay nahalatang nakatingin ako ay agad ding napatingin sa akin ang mga kaibigan niya pagkatapos ay bumalik din kaagad ang titig ng mga ito sa kanya. I was shocked when they teased him. Napabalik ang mga mata ko sa mga papel na nasa harap ko. “Someone’s enjoying like a crazy ass hat.” Narinig kong bulong ng isa sa mga kaibigan niya. The one with blue eyes chuckled. "Come on, Achilles. Hindi ka niyan papansinin kung hanggang titig ka lang." Malapit lang ang mesa nila sa amin kaya kahit ungot lang nila ay naririnig ko. “Silence!" Biglang sigaw ng librarian sa amin. "Warning table 19, isa pang ingay ang maririnig ko mula sa inyo ay papalabasin ko na talaga kayo! Hindi ko na alam kong paano idedesiplina ang departamento ninyo!” Ulit nito na ang tinutukoy ay ang table nila. They must be engineering students. Lahat ng mga estudyante dito ay napapatingin sa kanila kabilang na halos mga babae. Himpit itong napapahiyaw kapag nakikita sila pero dahil nakatingin ang isang stuff ay palihim na lang nila itong tinitingnan. He and his friends acted like it was nothing and like they weren’t even afraid of the warnings anyway. Troublemakers! The number on each table is putted purposely because of this kind of situation. Marami ang mga lumalabag sa rules dito lalo na ang mga engineering students katulad namin. Kaya walang nagawa ang head librarian kundi i-implement ito upang ma-monitor kung sino ang mga lumabag para maparusahan. Wala sa sariling hinawakan ko ang panga ni Maria at pilit na pinapaharap sa librong kinuha niya na hindi pa binubuksan. Masiyado siyang busy kakatingin sa table na 'yon na parang batang naglalaway kaya naaasar ako sa mukha niya. Hindi na ako nag-angat pa ng mukha doon dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaya imbis na isipin iyon ay pilit kong winawaksi ito sa aking isipan. “Bree!” Angal niya sa akin. It was a nickname from my real name Braises. Maldita ko siyang tiningnan kaya ngumiti siya kaagad sa akin ng matamis. Tumaas ang kilay niya at sumimangot nang makita ang mukha ko. “Ang kill joy mo naman! Buti ka pa nga tinititigan ni Papa Achilles.” Sundot niya sa akin. Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. “Who’s Achilles?” She rolled her eyes. “Achilles Riley Montanaro, the man who just stared at you earlier.” Nagulat ako. I’ve named him Achilles earlier but I’ve never knew that it is his real name too. Napailing ako, his name was very familiar. “He is also the king of engineers here in our school. Don’t tell me hindi mo alam 'yon?” Gulat akong napabaling sa kanya. “Gulat ka no?” Natawa siya. Tumango ako. “Ngayon mo lang siya nakita?” Maria asked me again. Na parang hindi halos makapaniwala. Actually, naririnig ko na ang pangalan niya noon. He won many national competitions and brought many good credits in our school. I admired him because he is really a brilliant and genius student but I’ve never knew he was this gifted when it comes to physical appearance. Plus, he’s built is different from the other students. He has broad shoulder and his body is largely matured that adds better profiling on his s*x appeal. Hindi na kailangan pang magpapansin dahil kahit sinong babae ay pupunain 'yon mula sa kanya. I bet many are willing. I heard a rumor that he’s popular to girls especially that he is not just handsome and rich but he is also good in romancing a girl. It’s not my intention to know that about him. Si Maria lang kasi ang laging nagsusolsol sa akin ng mga impormasiyon tungkol sa kanya kahit hindi naman ako interesado. Hindi mapirmi ang girlfriend nito dahil hindi daw ito madaling ma-satisfied? Napapailing ako ng malaman 'yon. Well, ano pa nga ba ang aasahan sa mga mayayamang tulad niya? “Eyes on the book, Maria!” I said and continue reading. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. “Hindi ka pa ba tapos? Halos tapos mo na atang nasugatan lahat sa reviewer natin, ah?” Hindi ako tumingin sa kanya. “I’m done. I’m just scanning my notes baka may nakalimutan na naman akong formula. Now, can you please shut up?” Kinuha ko ang ballpen sa tabi ng notebook ko at nagsulat ng mga formulas. “Fine! Ang cold mo!” Natawa ako sa sinabi niya ng kaunti at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naiangat ko ulit ang tingin sa lamesang inuukupahan nila Achilles. Nakaawang ang labi niya habang kanina pa ata ako pinagmamasdan. What's wrong with him? I then shut my mouth. Namula ang tenga niya kaya nagtaka ako. Yumuko siya at kinagat ang kanyang ibabang labi. Pinilig ko ang aking ulo at bumaling kay Maria. “Are you done reviewing?” Humikab siya at tinatamad na tumango siya sa akin. I smirked. “Oh, really? What are the formulas for the notching of beams, huh?” She gasped in surprise. Natatarantang kinuha ang notes niya sa bag. “I thought it was not included, allowable bending stress lang naman yon diba?” Nagtataka niyang saad. “Tatanungin ko ba kung hindi? Our professor announced it at the last minute of our discussion last week.” Agad siyang natahimik at mabilis na nag-scan. Halos matawa ako sa reaksiyon niya kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa aking libro. “Let's get out now. I am bored already.” Sabad ng kaibigan ni Achilles sa mahinang boses pero rinig ko pa rin. “Hindi naman niyan kailangan mag-library, ewan ko ba ngayong sem kung bakit palaging nag-aaya na pumunta dito.” The blue eyed guy again. “Shut up, Miguel.” Malamig niyang sabi sa kanyang kaibigan. "Baka may binabantayan." Tukso naman ng isa sa kanya habang mahinang humahalakhak. What? Bakit parang feel ko, ako yong tinutukoy nila? I felt my cheeks heated thinking about that random idea! Oh my! I can't believe I'm thinking this! Concentrate, Braise! Concentrate! Iniangat ko ang kamay ko at tiningnan ang oras sa relo. “Let’s go now, Maria.” Saad ko sa kanya at iniligpit na ang mga gamit ko dahil malapit na ang quiz namin. Nang matapos ako ay hinintay ko muna siya ng ilang sandali. “What happened? You looked stress?” Tanong ko sa kanya ng hindi na maayos ayos ang mukha niya. She sighed heavily. “Nagtanong ka pa, baka ma-zero ako ngayon..” Nababahala niyang saad. I smiled. “Just trust yourself, everything will go smoothly. Kung hindi ka man makaka-score ngayon, bawi ka nalang next time. Parang hindi ka na nasanay sa course natin.” “Oo nga, no? Pasan pa’t gagraduate na tayo ngayon.” She smiled. Maria and I are now in our fifth year student. Ipinagtataka ko nga kung bakit ngayon ko lang nakikita sila Achilles. Siguro sa kabilang section sila. Hindi naman kasi ako mahilig makibalita sa ibang section dahil masiyadong mga competitive doon. Isinauli muna namin ang libro na hiniram namin sa circular section bago naisipang lumabas nang library. “Let’s go.” It was Achilles who immediately stands up. Halos hindi magkandaugaga din sa pagsunod sa kanya ang mga kaibigan niya. Nauna na silang nagpacheck ng bag nila. Bago kasi kami lalabas dito ay ichecheck muna ang bag namin para malaman kong may dinadala ba kaming libro galing dito. Tinanaw ko ulit ang grupo nila Achilles. Agad akong nagtaka ng hindi pa rin sila lumalabas ng library na para bang may hinihintay pa silang iba kaya kinutuban ako. “Pa-check, Ma’am.” Sabi ni Maria sa incharge. Naglahad din ako ng bag para magpa-check din. Pagkatapos ay hinigit ako ni Maria kaya napatingin ako sa kanya. Wala siyang sinabi nang malampasan namin ang grupo nila at lumabas na. Pero natigil kami ng may tumawag sa amin sa hallway. “Braises?” Napalingon ako sa tumawag. Ang lalaking may bughaw na mata na naman. How did he know my name? Ipinalibot ko ang buong paningin sa hallway at nagpapasalamat nang masigurong walang tao. Kundi chismis ang aabutin ko nito. I don’t want to be involved with them. They are too much for my college life. Lalo na dahil kilala si Achilles sa campus na ito. Huminto kami at lumapit silang tatlo sa amin. Achilles was the one who’s behind them, are also secretly watching us. He really has this cool air in him. “Paano mo nalaman ang pangalan niya?” Tanong ni Maria nang makalapit silang tatlo sa amin. He smiled. “I asked someone from your section. I’m sorry. I’m Miguel by the way.” Naglahad siya ng kamay. Si Maria ang tumanggap. Ang bilis ah! “I’m Maria.” Sagot niya sa maliit na boses. Miguel also smiled widely at her. Kumunot ang noo ko sa akto ng kaibigan ko ngayon. “Pasensiya na pero may hinahabol pa kasi kaming quiz, eh. Mauuna na kami.” Nahihiya kong sabi sa kanila. Pasimple akong tiningnan ni Maria. Nakausap lang crush niya, nakalimutan na kaagad ang quiz namin. Tumingin ako kay Achilles. He's still staring at me! “Iyon sana ang gusto naming tanungin, saan bang room kayo mag-kuquiz?” Tanong ng naka-eyeglass. “Third floor, EB 301.” Sagot ko ng agaran. Ngumiti ito. “Okay. Let’s go.” Saad niya. Kumunot ulit ang noo ko. “Why?” Achilles proceeded in front of me. My heart beat faster. “We three didn’t make it in our quiz last Monday. Kaya sa inyo kami mag-seset in ngayon.” He whispered huskily. I arched my brows but I remained my questions in my mind. Tumango ako. Nauna na akong maglakad at agad naman silang sumunod sa akin. Hanggang sa makaabot kami sa room ay napuno na ito, ang natira nalang ay dalawang bakanteng upuan sa likod at tatlo sa harap. Umupo kaagad doon ang dalawang kaibigan ni Achilles sa harapan. Gusto ko sanang ayain si Maria sa likod pero umupo siya katabi ni Miguel at Leandro. “Sa likod ka na lang, Bree.” Masayang saad niya sabay kindat sa akin. Halos umirap ako. Wala akong nagawa kaya umupo ako sa likod. Inilabas ko ang ballpen at newsprint ko pagkatapos ay mabilis kong hinagilap sa bag ang calculator ko. Ilang kapa pa ang ginawa ko sa bag pero hindi ko pa rin iyon mahanap, kaya kinabahan kaagad ako. In my course, calculator is life. Kaya kung wala ka noon, humanap ka kaagad o manghihiram ka na lang. But in my case, I have no other friend even in the other section. Kahit sa lower years wala rin at kung meyroon man ay hindi ko alam ang schedule o room nila ngayon. Saan ko ba nalagay 'yon? Paano na ito ngayon? Dumating na si Sir pero hindi ko pa rin mahanap ang calcu lator ko. Where did I put it? “Something wrong?” Achilles asked. I stiffened. Hinarap ko siya. “I can’t find my calculator.” Saad ko. Yumuko kaagad siya at inabot ang bag niya. Naglabas siya ng calculator niya tapos ipinalit niya iyon sa una niyang inilabas at inilahad sa akin. Naguguluhan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “Use this.” Malamig niyang turan sa akin. Namiolog ang mata ko. “W--what about you?” Pinakita niya sa akin ang calculator niya na lower version. Walang shift solve iyon at equation solver. “I can use this.” Iniangat niya ang calcu niya na parang sagot sa tanong ko. “But that was a lower version...” “I used this several times already, don’t worry.” He reassured me. At that moment, I forgot my disgust for him. Yes, I admired him but I don’t like his stands when it comes to girls. I don’t like a man like that. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. “Thank you.” Tumango lamang siya sa akin bago tumitig na naman ulit. “You really looked like her.” Saad niya sa mahinang boses kaya hindi ko marinig. "You looked like my long lost Braises..." He trailed again. “W—what?” I asked him, confused. He just smiled at me and turned his attention to the front. He is oddly weird. Pumalakpak si Sir habang nakangiting tumingin sa amin. “So, are you all ready for the quiz?” Sir Ignacio asked us all. Walang sumagot kaya nagtatakang tumingin si Sir sa aming lahat. I wanted to say yes pero ayaw kung lumbas na pabida kaya naghintay ako kung sino ang unang sumagot bago dumugtong. “Ms. O'connel, are you ready for the quiz?” Tanong ni Sir kay Maria. Nahihiyang tumango si Maria sa kanya kaya nagtawanan ang mga boys. In our section, only Maria and I are the girls in here. Ang mga kaklase naman naming mga lalaki ay mga mababait naman sa amin, tinutulungan nila kami kapag may hindi kami masiyadong maintindihan sa lecture. “She’s definitely ready, Sir. Nasa tabi lang ang inspiration niyan!” It was Kuya Limuel. He’s a repeater in our section. Sanay na kami na magkaroon ng mga classmate na katulad niya. Maraming repeater sa section namin, some were already seven years here but again it doesn’t change the fact that they are all the hardworking students who really wants to achieve their dreams. Well, kung pagbabasehan nga lang naman kung ilang taon sila dito ay hindi naman iyon counted. Ano ba naman kung gagraduate kang maaga pero wala ka naman ding masiyadong alam? Natawa na lang ako ng lahat ng classmate namin ay nakikisali na sa pagtukso kay Maria. I wanted to help her but then again, I know she wants it too. Maingay talaga ang section na ito kaya lahat ng babae sa course namin ay doon nag-enrolled sa kabilang section. Bukod pa sa hindi maingay sa kabila ay nandoon naman si Achilles na sa pagkakaalam ko ay pinagpapantasiyahan ng karamihan sa mga ka-batch naming babae. “Sir, oh! Inaaway na naman ako ng matabang dump truck na 'yan!” Sumbong ni Maria kay Sir. Natawa na naman kaming lahat. Kahit ako ay tahimik na tumatawa ay napapatawa na lang ng medyo malakas. “Hoy, Lem! Dump truck ka na pala ngayon!” Sigaw ng nasa unahan. “Akala ko noong una kalahi ni jollibee ka lang!” Tumayo si Kuya Lemuel. “Malusog lang ako pero hindi ako nangpapakyaw, wala nga akong jowa!” Pagtatanggol niya. Anong kinalaman ng pagkakaroon niya ng girlfriend non? Umiling ako ng hindi ko pa rin mapigilan ang tawa ko. “Hanep, pre! Hindi naman namin sinabing gwapo ka, ang sabi lang namin ay mataba ka. Huwag kang mag-aalala hindi ka naman namin ipagpapalit, mahal ka namin kahit nililindol mo kami palagi.” Natatawang saad ni Jemrix. Kahit ganyan na ang asaran nila ay hindi naman pangbabastos 'yon dahil alam naman naming katuwaan lang 'yon. Nanghihingi naman sila ng despensiya kong sa palagay nila ay hindi na tama ang jokes nila. Pati si Sir ay natatawa sa kanila, pero itinaas ni Sir ang kamay niya hudyat para patigilan na sila. “Hay, naku! Sana talaga ng-review kayo.” Tanging nasabi niya. “Oh! Before I forgot we have three students from section A here, since hindi sila nakaquiz noong Monday dahil umattend sila sa orientation kaya dito ko nalang sila pinagpaquiz kasama ninyo. You knew them already. So please, class…ipakita niyo naman na nagreview kayo.” Pabirong saad ni Sir. Nangingiti akong umiling dahil biglang nanahimik ang mga kaklase ko. Nang ibinaling ko ang mukha ko kay Achilles ay natigil ang ngiti ko dahil sa klase nang titig niya sa akin. Hindi man lang siya natinag na nahuli ko siya. Imbis ay dahan dahan siyang ngumiti sa akin bago tuluyang iniiwas ang paningin mula sa akin. Wait, kanina pa ba siya nakatitig sa akin? “Alright, class! Let’s have a rock in roll!” Masayang saad ni Sir at binuksan na ang malaking smart TV sa harap namin hudyat na magsisimula na ang quiz.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.6K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook