KABANATA I
I grew up with a lot of black paint that has been poured on me making me blind and couldn’t see what they have been telling me how beautiful it is to look on the brighter side of your life because ever since it happened,
I feel like I have never been exposed to the light and I don’t even know what are the things they considered bright.
Pero nagbago ang lahat ng iyon simula nung nakilala ko siya. She gave me the way to the brighter side of my world.
She let me feel how it is to be cared and to be loved. To me, Joana is my sunshine.
I stare at a beautiful sunset habang ang mga ibon ay lumilipad na nagdadagdag ng kagandahan sa karagatan.
I always love the sunset because it always reminds me of how short life is.
Sa paglubog ng araw ay sumisimbolo sa oras kung saan dadating ang panahon na hindi na tayo makikita ng mga tao at mahahalubilo dito sa mundo.
The cold breeze makes me shiver slightly as I close my eyes.
Hindi ko inaasahan na sa kabila ng nangyari sa aking buhay ay may rason padin ako upang mag pursigi at mabuhay. Tinignan ko ang babaeng naglalakad sa aking harapan.
I never really thought na ibibigay sa akin ng Bathala ang babaeng minamahal ko. She looked at me and waved.
"Adrian halika na kasi! ambagal mo talaga!" sigaw sabay takbo ni Joana habang ako ay naglalakad sa gilid ng buhangin at tinatanaw siya.
She's very Beautiful. She has always been the Angel that was sent straight down from Heaven to meet me and be with me.
I looked at the sea, the blue sky and the girl I am inlove with. I really wished i Could stare and spend the rest of my days with her.
I was once a demon who hides himself in the darkness and the heart is being eaten with evilness until I met her. My Dearest Sunshine.
The sound of my mother every morning is like music to my ears. Yes, mother’s nagging may annoy us most of the times but their nags and yells are the reason why the house feels lively at talagang masasabi mong may nakatira sa bahay.
Speaking of my mom—
“Hoy Adrian anak tanghali na’t bat nakatunganga kapa dyan! Alam mo namang mangingisda pa kayo ng tatay mo mamaya!” rinig kong singhal ni nanay habang nanonood ako ng tv.
Mag aalas 2 na ng hapon at dadako kami ni Itay sa dagat ng alas 4 upang mangisda. Bata pa lamang ako ay ito na ang palagi kong ginagawa.
Tumayo na ako at inilagay ang baso sa lababo sabay pagpag ng aking damit para mamaya.
“Oo napo inay at heto napo oh nakahanda napo ako para mangisda mamaya” sabay ngiting pilyo kong sabi kay inay.
Simula kasi sampung taong gulang na ako ay na aksidente si tatay dahilan kung bakit hindi na siya gaanong nakakalakad at kailangan niya ng mag aakay sa kaniya.
“puntahan ko lang po si Itay nay!”
“O siya sige at baka kailangan ka na niya dun! Huwag mong kalimutang bumalik at ihahanda ko ang makakain ninyo mamaya”.
Nagpaalam na ako at dumako na sa Bangka kung nasaan ang aking ama na nag hahanda na para sa pangingisda mamaya.
Sa tuwing nasa gitna kami ng dagat ay hindi ko maiwasang tumingin sa mga mayayamang nakasakay sa mga malalaking barko at nagkakatuwaan.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit at inggit dahil alam kong kahit ayoko sa mga mayayaman ay mayroon parin silang mga bagay na wala kaming mga mahihirap.
Isa ang mga mayayamang tao nayan kung bakit na aksidente ang aking Itay.
“Tay! Meron po ba kayong ipapagawa sa akin at ako napo ang gagawa” nakangiti kong sabi ni itay.
Hindi na ako naka aral ng kolehiyo at tinapos ko nalang muna ang highschool dahil sa kakulangan ng pantustos ng pangangailangan sa pangmatrikula at sa gastusin nadin sa bahay at dahil sa tumatanda na nga si itay ay mas lalong nangangailangan na ito ng gagabay at aakay sa kanya.
“Naku anak hindi naman na kailangan sana hinintay mo nalang akong tawagin ka sa pag alis na natin.”
“ayos lang po itay tsaka ang kulit kasi ni nanay eh haha”
“naku itong nanay mo talaga. O siya sige at sa tingin ko’y malaki na ang dagat at pwede na tayong maghanda at dadako na tayo.”
“sige po itay! Balik lang po ako at kukunin ko na ang makakain po natin para mamaya.” Nakangiti kong sabi kay itay habang tumakbo ako ng kaunti pabalik sa bahay para kuhanin ang pagkaing inihanda ni inay para mamaya.
Hindi gaanong malayo ang dagat sa bahay namin kaya konting lakad lang ay makikita mo na ang bahay.
Ngunit ang inaasahan kong maingay na pag sesermon sa akin ng aking ina sa agarang pagbalik ay hindi ko narinig sapagka’t sobrang tahimik ng bahay na lubos kong ipinagtataka.
Pero sa isip ko ay baka may ginagawa lang si inay sa labas kaya ang tahimik ng bahay.
Dumiretso ako sa kusina at dun ko nakita na nakahandusay ang aking ina at nakatulala.
Agad akong nakaramdam ng takot at agarang ginising ang ina, nag babaka sakaling magising ito ngunit hindi man lang ito natinag sa lakas ng yugyog na aking ginawa kaya humingi ako ng tulong sa aming kapitbahay at pinuntahan ang ama.
“tay! Si nanay po! Taay!---“
hindi pa ako natapos sa aking sasabihin ay agarang sinubukan ni itay na tumayo at maglakad ng mabilis kahit na pa ika-ika at muntik ng natumba ay binilisan parin ni itay ang lakad na ngayon ay dinaluhan ko na at inakay paloob ng bahay kung saan nakahiga si inay.
“Kristin! Ano bang ginagawa mo! Tumayo ka dyan at ipag hahanda mo pa kami ng makakain netong anak mo para mamaya diba?.”
Kalmadong sabi ni itay ngunit unti unting lumapit kay inay at napaluhod.
“k-kristin… anong nangyari? Bakit ayaw mong bumangon? Nagbibiro kalang diba? Mahal?!. Bumangon ka na kahit kami nalang ng anak mo ang maghahanda ng aming makakain mamaya. Utang na loob Kristin! Bumangon ka! Huwag mo akong iwan mahal ko!”
hagulhol na sabi ni itay habang pilit na ginigising si inay na nagbabakasakaling baka nga nagbibiro lamang ito at muling gumising at bumangon.
Pag dating ko ng bahay ay wala ng ni isang t***k ng puso ang aking naramdaman kanina kaya hindi na nadala si inay sa hospital.
“Tay tama na ho, hindi na po gigising si inay” naiiyak kong sabi habang hinahawakan ko ang balikat ni itay para siya ay itayo ngunit isang malakas na suntok ang aking naramdaman sa aking kaliwang psingi.
“bakit mo naman kasi iniwan ang inay mo Adrian! Kung sana hindi mo siya sinunod kanina ay hindi sana ito mangyayari…kung sana……kung sana”
hindi na natuloy ang sasabihin ni itay dahil sa pagkurot ng kaniyang puso ng hawakan nya ito at parang hindi na makahinga kaya humingi ako ng tulong at sa mabuting palad ay nadala si itay sa hospital.
Makalipas ang ilang oras ay nandoon padin si itay sa loob ng emergency room at ako’y nakaupo sa labas na nag-aalalang naghihintay at maiging nagdarasal.
Panginoon, alam ko pong hindi man ako nagging mabuting anak ng mga magulang ko po ay sana po huwag niyo po munang kunin ang aking Itay,….
Wala na po si Inay Diyos ko.. Hindi ko po alam kung saan ako lalapit at kung paano ako babangon kung wala na ang aking mga minamahal na mga magulang.
Gagawin ko po ang lahat.
Humagulhol akong nagdarasal.
Hindi ko pa ma pasok sa aking isipan ang agarang pagkawala ni Inay.. at ngayon ang aking Itay ay nag-aagaw buhay.
Bakit kailangang mangyari ito sa akin?
Anong kasalanan ko para maranasan ko ang mga bagay na ito?
Isa lang naman ang lagi kong inaasam sa araw-araw at iyon ay ang mai-ahon ko ang mga magulang ko sa kahirapan.
Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay bumukas ang pintuan ng emergency room at nang lumabas na ang doktor ay tumayo na ako agad.
“Ikaw ba ang anak ni Mr. Torralbes?”
“Opo dok, ano na po ang kalagayan ng aking Itay? Okay na po ba siya? Pwede ko napo ba siyang bisitahin?”
naluluhang tanong ko sa doktor. Malungkot na umiling ang doktor at hinawakan ang aking balikat.
“patawad iho, ginawa na namin ang lahat ngunit ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na wala na ang pasyente.”
Agad kong hinawi ang kamay ng doktor sa aking balikat at nagpupumilit na pumasok sa loob ng emergency room.
“Hindi totoo yan! Buhay pa ang Itay ko! Maawa po kayo sa akin, iligtas niyo po ang ama ko…..—“
bigo akong makapasok sa loob ng room dahil hinarang ako ng mga body guards ng hospital at dinala sa labas.
Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ng aking buhay ay mawawala na ang mga taong pinaka importante at pinakamamahal ko.
There’s no reason to be alive in this world if the people that you want to spend the rest of your lives with are already gone.
Feeling lost and empty, my feet brought me to the cliff where I used to spend time kapag gusto kong mapag-isai
Tulala akong nakatingin sa kapaligiran. Rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon, napakaganda ng lugar na ito.
Tumingin ako sa kaliwang bahagi at nakikita ko ang “tree house” na itinayo ko para sana kina Inay at Itay kapag dadalhin ko na sila rito ngunit hinding hindi ko na iyon magagawa pa dahil wala na sila.
Isa-isa kong tinanggal ang aking tsinelas at unti-unting lumapit sa dulo ng pang-pang at sa paglapit ko ay agad akong kinabahan, ngunit buo na ang aking desisyon.
I have no reason to stay alive if my parent’s are already gone.
Sabihin man ng iba na ang babaw ng aking rason para tapusin ang aking buhay ay wala akong pakialam!
Buhay ng mga minamahal ko ang nawala!
Kung wala sila ay para narin akong nawlan ng utak at puso, hindi ako makahinga at makaisip ng maayos. Wala ng silbi pa.
I took a deep breath as I ready myself to jump on the cliff,
but before I could jump I could feel someone’s embrace from behind na ikinagulat ko kaya napa atras ako.