M A R K Nagising ako kinabukasan na masakit ang buong katawan. Nakapikit akong dinama ang lalaking katabi ko buong gabi ngunit tanging ako na lamang ang naririto sa kama. Kahit ayoko pa mang bumangon ay kailangan ko pang magluto ng almusal. Ngayong nagkaayos na kami ni Tale ay kailangan ko nang gampanan ang trabaho ko bilang personal chef niya. Nakatulala lang ako sa kawalan nang bigla kong maalala ang nangyari sa amin ni Tale. Napahawak ako sa magkabila kong pisngi nang maramdaman ko ang pang-iinit nito. Napakagat ako sa labi. Malinaw na malinaw pa sa akin ang bawat detalye ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin sa akin ang maingat niyang mga haplos at at ang mga uhaw niyang halik. Maging ang kanya sa loob ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa laki ng kanya

