M A R K "Bitawan mo nga ako!" Buong lakas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kanina pa ako pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. Pumindot muna siya sa button ng elevator bago frustrated akong hinarap. "Isn't that enough?" Gigil niyang tanong sa akin. Muling nanumbalik sa isipan ko ang sinabi niya sa harapan ng dad niya na labis na ikinagulat ko. "Hindi pa ba sapat 'yon na dahilan para patunayan ko sayo na hindi kita pinaglalaruan? Huh?" Tila napipe ako at hindi makasagot sa sumbat niya - pakiramdam ko ay sinusumbat niya sa akin ang mga sinabi ko sa kanya. "Sa tingin mo ba, basta-basta na lang kita mapapatawad? Matapos ng lahat ng sakit na pinilit kong ilihim sayo para lang hindi ka mawala sa'kin. Sana noon mo pa 'yon ginawa. Natuwa pa sana ako." Balak ko na sanang b

