M A R K Malalim akong napabuntong-hininga habang tinititigan ang ang kabuuan ko sa harap ng vanity mirror. Tanging tapis lamang na puti ang suot ko. Katatapos ko pa lamang maligo dahilan para pumatak ang iilang tubig mula sa buhok ko. Napahawak ako sa suot kong kwintas at mariin na ipinikit ang aking mata. Hindi ko kasi maiwasang kabahan dahil ngayon na ang gabi na gaganapin ang engagement party nina tito Romeo at tita Emma. Paniguradong karamihan sa dadalo ay mga taong may matataas na posisyon sa buhay. Bukod pa doon ay siguradong dadalo lahat ng Crosagne sa okasyon. Hindi ko lang maiwasangg isipin na mataas ang tyansa na pupunta rin si Tale. Hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kaming dalawa doon. Iwinaksi ko na lamang ang posibili

