M A R K “Mark…” Natigagal ako sa aking pwesto nang madinig ko ang isang pamilyar na boses. Tumingala ako. Hindi inaasahan na makikita siya sa ganitong lugar at pagkakataon. Hindi na siya ang kilala kong Tale noon. Parang kinurot ang puso ko nang mapansin ang balbas-sarado niyang mukha at ang pangingitim ng ilalim ng kanyang mga mata. Agad kong winaksi ang awang naramdaman sa kanya. Nagawa kong maikuyom ang aking kamay nang muling manariwa sa aking isipan ang kababuyang ginawa niya sa akin. “Mark. Can we talk?” Mababang tono niyang pagkausap sa akin. Balak niya sana akong hawakan at mabuti na lang ay mabilis kong nailayo ang sarili ko mula sa kanya. “Wala tayong dapat pag-usapan. Umalis ka na.” Pilit kong pinipigilan ang galit na namumuo sa aking sistema. Gusto ko na siyang kalimutan

