M A R K Ilang oras na ata akong umiiyak dahil sa nangyari kanina. Pakiramdam ko ay mugtong-mugto na ang pareho kong mata dahil nagsisimula na ring manghapdi ito. Minsanan akong napapapukpok sa aking dibdib dahil sa kirot nito sa tuwing naaalala ko ang tinging ipinukol sa akin ni Tale kanina. "What did you do, Mark?" Muli akong napahagulgol nang manariwa sa aking isip ang sinabing yun ni Tale. Punong-puno ng poot ang ekspresyon ng kanyang mga mata habang sa akin nakatingin. Ayaw kong paniwalaan ang kutob kong yun. Gusto kong isipin na nagaalala rin siya sa akin kahit papa'no. Gusto kong isawalang-bahala ang mga isiping yun. Ngunit ang maalala ang huli niyang sinabi bago sila umalis ay parang isang punyal na tumarak sa dibdib ko. "Wait me here. We need to talk." Umayos ako ng pagkakau

