MA R K Nagpalinga-linga ako sa buong paligid nang malaman kong nakatayo ako sa gitna ng malawak na kadiliman. Tanging sarili ko lamang ang nakikita ko. Wala akong masinag na kahit anong liwanag. Sinubukan kong iangat ang paa ko upang tangkain sanang maglakad nang hindi ko ito magawa. Nagtaka ako. Nangunot ang aking noo sa nangyayari. 'Nasa'n ako?' tanong ko sa aking isip. Sa gitna ng aking pagtataka ay napalingon ako sa boses ng isang bata. "What are we doing here, mister?" nadinig kong sabi nito sa kausap niyang lalaki. Matangkad ito at malaki ang katawan. Hindi ko maaninag ng maayos ang mukha nila dahil pareho silang nakatalikod mula sa akin. "Your parents ars waiting for you here." brusko ang boses ng lalaki. Malalim ang boses nito. Hawak-hawak lamang nito ang kamay ng bata ha

