M A R K
Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko ngayong kaharap ko ang lalaking muntikan nang gumahasa sa akin noon. Kailangang hindi malaman ni tita Emma ang trahedyang yun sa akin noon. Ayoko siyang magalala sa akin lalong mukhang magkakilala sila ni tita at ng lalaking ito. Sa anong paraan?
Naririto kami sa loob ng isang coffee shop sa loob nitong mall. Gusto ko na sanang maglaho na parang bula nang makita ko si tita Emma sa ganung sitwasyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ang koneksyon na meron si tita sa lalaking ito.
Naiwan kaming dalawa ng lalaking ito dito sa mesa. Tahimik. Walang ni isa sa aming nagsasalita hanggang sa dumating si tita Emma na may dalang tray ng cappuccino.
"Mukhang ang seryoso niyo naman atang dalawa?" pambungad ni tita at isa-isang nilapag ang mga tasa sa aming harapan. Umupo si tita sa tabi ko samantalang kaharap naman namin ang lalaking nagpapainit ng dugo ko. Saglit akong napasulyap sa kanya dahilan oara maikuyom ko ng mariin ang aking kamay sa ilalim nitong mesa.
"Mark." nabaling ang atensyon ko kay tita nang tawagin niya ako. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina, bakit mo sinampal itong si Jackal? May kasalanan ba siya sayo?" kung alam lang ni tita ang ugali ng lalaking 'to ay siya rin mismo ay maiinis. Matagal ako bago nakasagot. Pinipilit ang sarili na makaisip ng magandang dahilan.
"Ahmm... Tita?" napataas ang aking kilay sa pagtawag ng atensyon nito kay tita. Napa-tsk na lang ako sa isip ko sa pagtawag niya ng 'tita' kay tita Emma. Anong karapatan niya?
"Jackal. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na mama na lang ang itawag mo sa akin." napanganga ako sa sunod na sinabi ni tita sa lalaki. Hindi ako makapaniwala na yun ang susunod na mangyayari. Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko. T-teka? Mama? Ano bang relasyon ni tita sa Jackal na 'to?
"Pasensya na po." napakamot sa ulo ang Jackal dahil sa sinabi ni tita. Hindi ko na napigilan ang aking kuryosidad sa mga nangyayari. Mukhang wala akong kaide-ideya sa lahat.
"Tita?" pagtawag ko. Maingat niyang binaba ang tasa ng cappuccino sa ibabaw ng mesa bago ako lingunin. Wala naman sigurong mali kapag nagtanong ako, diba?
"Bakit po kailangang mama ang itawag niya sayo?" napansin ko ang pagguhit ng isang ngisi sa labi ni Jackal samantalang kay tita naman ay bakas sa mukha ang pagtataka.
Wala ako sa sarili nang makauwi sa bahay ni Tale. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang Jackal na yun ay anak ng lalaking ka-date ni tita. Argh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko na hindi ko sinabi kay tita ang ginawa sa akin noon ng kumag na yun. Akala mo kung sinong anghel kanina habang magkakaharap kami. Tapos tita pa ang tawag kay tita Emma. Aba't, ito namang si tita gusto pa siyang tawagin na mama. Nakakapang-init lang ng ulo. Sa oras na malaman din 'to ni Otep ay paniguradong parehas lang kami ng marararamdaman.
"Parang namumula ka ata?" bungad sa akin ni Tale nang tuluyan akong makapasok sa loob ng kanyang bahay. Saglit akong natulala sa pawis niyang katawan bago makasagot sa kanya.
"Ah! W-wala. Mainit kasi sa labas." kusa niyang kinuha sa akin ang mga dala-dala kong plastic tsaka dumiretso sa kusina.
Tahimik lang akong sumunod sa kanya habang matiim na pinagmamasdan ang malapad niyang likod. Balak ba ako akitin ng lalaking 'to at kailangan nakahubad lang siya sa harap ko? Hindi ko lubos maisip na mapagmamasdan ko ang malabato niyang katawan ngayon. Kahit papa'no ay humupa ang init ng ulo ko kanina sa nakikita ko ngayon.
"Hey! Mark? Are you alright?" nabalik ako mula sa pagtitig sa katawan ni Tale nang bahagya niyang haplusin ang pisngi at noo ko.
"Wala ka namang sakit." komento niya matapos damhin ang ibang parte ng mukha ko. Marahan kong napalo ang kamay niya na medyo ikinatawa niya lang. "What? I'm just worried about you!" kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng oras na asarin ako.
"Kailan ka pa naging concern sa'kin?"
"I'm always concern about you, Mark."
Nangingut na lamang akong tumungo sa kusina at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga pinamili ko. Minsan napapatigil na lang ako sa aking ginagawa dahil sa tutok na tutok ang atensyon ni Tale sa bawat kilos ko. Kitang-kita ko ang mala-abo niyang mata na sumusunod sa bawat galaw ko habang prenteng nakaupo sa stoolbar nitong island counter. Napapailing na lang ako sa kalokohan niya.
"Magsuot ka nga ng tshirt do'n. Hindi ka ba nilalamig?" hindi na maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa simpleng bagay na nangyayari sa aming dalawa ngayon.
"Ayoko nga. Ikaw na rin ang nagsabi na mainit. Look oh! I'm sweating." gumuhit ang isang malapad na ngisi sa kanyang labi habang nakaturo sa maumbok niyang dibdib na hindi na mababakas ang pawis hindi tulad kanina. Kahit kailan talaga...
"Bakit? Nasa labas ba tayo ngayon?"
"No..." akala ko ay hindi na siya magsasalita dahil sa matagal niyang pagtigil. "Why Mark? Are you really that distracted to my body?" gusto ko siyang sapakin ngayon para naman mabawasan ang pamboboska niya sa akin ngayon. Ano kaya ang nakain ng lalaking 'to at naisipan na naman akong asarin?
"Ang kapal ah! Sino kaya ang patay na patay sa ating dalawa?" napapitlag ako sa aking kinatatayuan ng bigla na lamang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Umiba ang ekspresyon sa kanyang mga mata maging ang kanyang ngisi ay mas lumapad pa.
Hindi ko inaasahan ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin samantalang ako ay parang aso na naghihintay sa pagdating sa kanyang amo. Ultimo mga daliri ko sa kamay ay hindi ko magawang maigalaw.
"D-dyan ka lang. Binabalaan kita Tale. Kapag lumapit ka dito---" hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
Dama ko ang malakas na pintig ng aking puso dahil sa labis na kaba. Ang kaninang init ay nanumbalik sa aking sistema. Kitang-kita ko sa malapitan ang bawat guhit na humuhulma sa mala-adonis niyang katawan dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Para akong nauubusan ng hangin sa nasisilayan ko ngayon.
"Or else what Mark?" nabaling ang tingin ko sa mga mata niyang kanina pa sa akin nakatitig. Nakakahipnostismo ang kanyang tingin na sa puntong hindi ko na magawa ialis ang aking tingin sa kulay abo niyang mga mata.
Kusang gumalaw ang aking kamay papatong sa kanyang maumbok na dibdib. Damang-dama ko mula sa aking kamay ang malakas rin na pintig ng kanyang puso. Parehas kaming natahimik nang maging siya ay pinatong rin ang kamay sa aking dibdib at damhin ang t***k ng puso ko.
"Wish you have bigger boobs." sambit niya mula sa kawalan. Muli, nabalik ako sa aking sarili at mabilis na kinaltukan ang kanyang noo.
"Aw! f**k!" malakas niyang daing sa ginawa ko. Tila nagmukha siyang bata na hinahaplos ang kanyang noo.
"Kahit kailan talaga napakaloko mo!" napakagat ako sa aking labi dahil sa inis sa kanya. Akala ko pa naman seryoso na siya kanina kaso hindi mo pala talaga maaalis ang kalokohan sa sistema niya.
Napapangiti na lang ako habang ipinagpagpatuloy ang pagsalansan ng mga pinamili ko. Natigil lang ako saglit nang madinig ko ang ringtone ng kanyang cellphone. Nabaling ang atensyon ko sa kanya nang sagutin niya ang sagot habang naglalakad papalayo sa pwesto ko.
Hindi ko na yun pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.
"Samatha's going to visit..." anunsyo niya nang makabalik siya sa kusina. Tumango lamang ako at pinagpatuloy ang paghihiwa ng mga rekados na aking lulutuin para ngayong dinner.
"Ngayon daw?"
"Yeah." tinungkod niya ang kanyang parehong braso sa gilid ng island counter dahilan para bumakat ang mga ugat niya sa parteng yun. Nakatambad rin ang mabato niyang tiyan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagi ata sa isip niya ang magsuot ng t-shirt. Balak niya ba talaga akong akitin?
"She will be eating dinner with us."
"Okay." hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil sa pagkailang. Inaamin ko na ilang beses nang may nangyari sa amin ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa presensya niya.
"Are you really alright?" naramdaman ko ang mainit niyang kamay nang hawakan niya ang baba ko at iangat ito. Hindi ko na nagawang umiwas sa nagtataka niyang titig sa akin nang mabilis niyang hulihin ang aking mata.
Napalunok ako muli. Hanggang kailan ba ako maiilang habang ginagawa niya ang bagay na 'to sa akin? Sobrang pinapabaliw niya ang buong sistema ko.
"Diba sinabi ko naman sayo kanina na ayos lang ako." mahina kong tinulak ang kanyang kamay papalayo sa akin.
"I'll just take a quick shower and will help you here. Okay?" lubusang nagulantang ang aking pagkatao nang marahan niya akong kabigin papalapit sa kanya at halikan ako sa aking noo. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng hindi inaasahan.
Sandali akong natulala at dahan-dahang prinoseso sa aking isip ang bagay na yun. Naikuyom ko ang aking kamay dahil sa nagsisimulang kilig sa aking sistema.
Hindi nga nagtagal si Tale at makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw ko na siyang pababa ng hagdan. Hindi ko na masyadong itinuon ang tingin sa kanya dahil baka mawala na naman ako sa sarili ko at muling matulala. Mabuti na nga lang kanina ay agad akong nakabawi at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.
Aksidenteng nabaling muli ang tingin ko sa kanya at saktong pagtingin ko ay yun din ang isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. Tumungo siya kung saan nakapwesto ang mga cabinet dito sa kitchen at nay kinuha. Sumaglit din siya sa ref at may kinuha doon. Pasimple ko lamang siyang pinagmamasdan kung anong ginagawa niya nang aksidente kong nahiwa ang aking daliri.
"Ahh!" daing ko. Napansin ko ang paglingon niya sa akin na kalaunan ay lumapit na sa akin.
"What happened?" mabilis niyang kinuha ang kamay kong nasugatan. "Shit."
Maingat niya akong hinila patungo sa tapat ng faucet. Sandali niyang hinugasan ang daliri ko. Napadaing pa ako nang bigla itong humapdi.
"Does it hurt?" umiling lang ako bilang pagsalungat.
Matapos ay dinala niya ako sa sala at pinaupo dito.
"Wait for me here. Kukunin ko lang yung first aid kit."
Hindi rin nagtagal ay bumalik siya habang may bitbit na maliit na box. Umupo siya sa katabi ko. Kinuha niya muli ang kamay ko matapos niyang maglagay ng betadine sa bulak.
"Does it hurt?" maingat niyang tinaptap ang hiwa sa aking daliri at minsanan itong hinihipan. Muli akong umiling sa tanong niya.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa seryoso niyang mukha habang abala sa paggamot sa sugat ko. Sa kabilang banda ay mamangha sa kanya. Ngayon ko lang nakita si Tale na ganito. Ang ibig kong sabihin, kitang-kita sa kanya ang labis na pagaalala sa akin na hindi ko alam na meron din pala siyang parte na ganito.
"Sa susunod mag-iingat ka na. Paano kung maputol na yang daliri mo sa susunod? Be focused next time, okay?" muling nagsalubong ang mata naming dalawa matapos niyang lagyan ng band-aid ang sugat ko. Nagsilbing tango na lang ang naging sagot ko.
"Ako na ang maghahanda ng dinner natin. You can't cook with your situation now. Baka mapa'no ka pa." napaangat ako ng tingin nang tumayo na siya at ligpitin ang first-aid na kanyang ginamit.
"Pero?" aangal pa sana ako ngunit matatalim na tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya.
"No buts Mark. Huwag nang makulit." hindi na ako nakaangal pa nang tumahak na siya papunta sa kusina. Napabuntong-hininga na lang ako at sinisi siya sa isip.
Bakit kasi kailangang nakakailang palagi ang presensya niya? Kung tutuusin, kasalanan niya kung bakit ako nasugatan eh.
Imbes na sisihin siya at magisip ng kung ano-ano ay nanuod na lang ako ng mga palabas sa tv. Minsan ay napapatanaw ako sa kusina kapag naamoy ko ang kanyang niluluto. Mag-iisang oras na siyang abala sa kusina pero mukhang hindi pa rin siya tapos. Madilim na rin sa labas at baka paparating na yung pinsan niya.
Lumipas pa ang ilang minuto ay natanaw ko na si Tale na may bitbit na malaking mangko papunta sa dining area. Awtomatikong napatayo ako sa aking kinauupuan at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng mga plato at kubyertos. Saktong pagbaling ko upang ihatid ito sa kainan ay nakatayo na sa harap ko si Tale. Matatalim ang pinupukol na mga tingin nito sa'kin.
"What are you doing?" pagtatanong niya.
"Tumutulong sa paghahanda. Baka kasi paparating na yung pinsan mo."
Humakbang siyang papalapit sa akin at kinuha ang hawak ko.
"I don't need any help." tuluyan niya na akong tinalikuran pero ako naman itong makulit na ang gusto lang naman ay tulungan siya ay sinundan siya. Hindi ko pa rin maiiwas na siya ang amo dito, hindi ako.
"Gusto ko lang naman tumulong. Kaya ko naman eh." narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga bago pagod na humarap sa akin.
"If you really wanna help, I want you to sit on the sala and wait for me to finish." isinalansan niya na ang mga plato sa ibabaw ng mesa.
Wala na akong nagawa kundi ang maghintay sa sala na tawagin niya. Muli ko na lang inabala ang sarili ko sa panunuod ng telebisyon ngunit wala ata ang utak ko sa aking pinapanuod dahil maya't-maya lang ang sulyap ko kay Tale sa tuwing dumadaan siya pabalik sa kusina at dining area. Muntikan niya pa akong nahuli na nakatingin sa kanya at mabuti na lang ay nakaiwas ako agad.
"Gusto ko lang naman tumulong eh. Parang nawalan naman ako ng daliri at ayaw niya na akong patulungin." bulong ko sa sarili ko ngunit natigil rin ako sa pagsasalita kalaunan nang mapapitlag ako dahil sa biglaang pagtabi sa akin ni Tale. Napaigik pa ako nang walang pasabi niya akong hilahin papalapit sa kanya bago ako ikulong sa matitigas niyang bisig. Naramdaman ko din ang pagpatong ng kanyang ulo sa likuran ko. Sinubukan kong lingunin siya ngunit tanging batok niya lang ang nakikita ko.
"Just a minute... I just wanna feel you just for a minute." bulong niya habang ganun pa rin ang aming pwesto. Hindi na ako umangal pa tulad kanina.
Wala ako sa sariling hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko at marahan itong hinaplos.
Tsk! 'Yan tuloy. Ayaw pa kasi akong patulungin. Mukhang napagod ata ang kumag.
Napadilat ako ng aking mata nang marinig ko ang pag-doorbell ng maindoor. Marahan kong tinapik si Tale na mukhang nakaidlip na ata sa kanyang pwesto.
"Tale! Andyan na ata yung pinsan mo..." agad din naman siyang umayos ng pagkakaupo habang papungas-pungas ang matang napatingin sa akin. Nakatulog nga ang loko!
"Ako na ang magbubukas sa kanya." hindi ko na siya hinintay na sumagot at agad nang tinungo ang maindoor.
"Ow! Hi! Mark, right?" nakangiting pagbati nito na nasundan ng pagtatanong. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. "Can I go inside? Where's Tale by the way?" hindi pa man ako nakasagot ay naglakad na siya papasok.
"Nando'n siya sa loob."
Isasara ko na sana ang pinto nang bigla niya akong pigilan.
"Wait! I'm with someone. She's just parking the car..." kahit nagtataka ay sinunod ko na lang siya sa kanyang sinabi. Wala naman kasing nasabi si Tale na may kasama itong pinsan niya.
Naglakad na ito matapos at marahil pupuntahan na nito si Tale. Ako naman ay nanatili muna saglit dito at hinintay ang kasama ng pinsan ni Tale. Ba't kasi hindi pa nito hinintay yung kasama niya para hindi na ako naghihintay dito.
"Hi!" napalingon ako sa labas nang may nagsalita ngunit agad ring natigilan nang mamukhaan ito.
Humakbang ito papasok at huminto sa harapan ko. Para akong tinamaan ng malakas na kidlat nang mapagtanto kung sino ang kasama ng pinsan ni Tale.
"Still remember me?" hindi ako nakasagot at nanatili lamang tulalang nakatingin sa kanya.
"It seems that you don't remember me already. If that's the case, I'm Natalie." inilahad nito ang kamay niya sa aking harapan. Hindi ko magawang tumugon dito dahil baka anumang oras ay manghina na lang ako.
Hindi ko lubos maisip na magtatagpo muli ang landas naming dalawa. Kaya ba nando'n siya sa kasal ni Samantha ay dahil magkakilala silang dalawa?
Pero anong ginagawa niya dito?
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ