M A R K
Mabilisan kong sinipat ang suot kong formal suit bago napagdesisyunang lumabas na sa aking kwarto. Hindi ako sanay na magsuot na ganito karangyang damit pero sadyang mapilit ang kumag na ito ang suotin ko dahil isang espesyal na okasyon ang dadaluhan naming dalawa. Hindi ko inaasahan na isasama niya ako sa kasal ng pinsan niyang si Samantha. Ilang beses pa akong tumanggi na hindi ko naman kailangan dumalo doon.
"But I need you there..." ilang beses akong napakurap-kurap sa sinabi niya.
Sadyang mapilit ang loko at hindi ako tinigilan hanggang sa mapasuko na lang ako. Ano pa bang magagawa ko, mukhang consistent sa pamimilit sa akin na sumama. Ano pa bang magagawa ko? Ginamitan niya na ako ng mahika kaya naman napa-oo na lang ako.
Dumating ang araw ng kasal ng kanyang pinsan. Mukhang prepared na prepared na ang kumag dahil pati susuotin ko ay nakahanda na. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Bakit pa kasi gusto akong isama ng lalaking 'to?
"Kailangan ba talagang kasama mo ako?" pinal kong tanong nang makapasok na sa kanyang kotse.
Imbes na sagutin niya ako ay napabuntong-hininga siyang napatingin sa akin. Mukhang naririndi na ata siya sa palagian kong pagtatanong sa kanya. Malay ko, baka magbago pa ang isip niya na huwag na lang ako isama. Feeling ko kasi ay baka ma-outcast ako sa lugar na yun dahil bukod kay Tale at Samantha, ay wala na akong kilala doon. Mamaya, iwan lang ako ng kumag na 'to at makipagusap sa iba.
Wala na akong nagawa kundi ang i-lock ang aking seatbelt nang buhayin niya na ang makina ng kanyang kotse. Pinagmasdan ko ang hitsura niya sa suot niya. Sadyang hinubog ng kanyang suot na formal coat at trousers ang kanyang kakisigan na nagsusumigaw na ngayon ang kanyang kagwapuhan.
"Stop staring me like that." diretso lang ang tingin niya sa daan na sambit. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansin niya ang matagal kong pagkakatitig sa kanya.
"Pinagsasabi mo..." humalukipkip ako sa tabi niya upang hindi niya mapansin ang biglaang pang-iinit ng aking mukha. Hindi ko naman kasi akalain na mapapansin niya ang pagtitig ko sa kanya.
Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan ni Tale sa harap ng isang simbahan. Sa labas pa lang ng lugar ay tanaw ko na ang mararangyang disenyo na malalaman mo nang may kasal na igaganap. Mula sa mga rosas na puti sa na nadikit sa paligid ng pintuan at ang red carpet mula doon.
"Pwede bang dito na lang ako sa kotse?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Nagawa ko pang ngitian siya ngunit halata ang pagkailang ko doon. Kinakabahan ako na tipong ako yung ikakasal.
"Oh! Come on, Mark. We're already here..."
May mangilan-ngilang mga tao na akong nakita nang makababa kami ni Tale. Naramdaman ko ang paghawak ni Tale sa kamay ko nang maglakad na kami papalapit sa simbahan.
"Glad, you made it hijo." saglit na bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Tale upang makipagkamay sa babaeng sumalubong sa kanya. Medyo may edad na ang babae pero hindi yun naging hadlang para mangibabaw pa din ang kagandahan nito.
"Nice to be here po, tita." nakangiting tugon naman ni Tale sa matanda. Napansin ko ang pagbaling ng tingin nito sa akin. Medyo nagulat ito nang masilayan ang isang tulad ko dito.
"Oh! Mind, if I ask your name?" magalang na tono ng ginang. Hindi ko mabakasan ng emosyon ang boses niya ngayong sa akin na siya nakatuon. Kahit naiilang ay nagawa ko pa rin itong ngitian. Nagtataka na siguro si Tale kung bakit ang tagal kong makasagot, eh pangalan ko lang naman ang tinatanong.
"Mark po. Mark Hope." nanatili ang ngiti ko hanggang sa i-beso ako ng ginang.
"Nice meeting you, Mark. I am Ofelia Ramirez, Samantha's mom." may kakaiba sa ngiti niya na hindi ko magawang matukoy. Normal lang naman siguro yun, sadyang binibigyan ko lang ata ng kakaibang kahulugan. Knowing na malaman na siya pala ang mama ni Samantha ay mukhang mabait na tao siya.
Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ang seremonya. Isa-isa nang nagsipasukan ang mga dumalo sa gaganaping kasal ng kanyang pinsan na si Samantha. Kumikinang ang puting gown nito habang dahan-dahang tinatahak ang red carpet patungo sa altar kung saan ngayon naghihintay ang lalaking halos hindi na mapawi ang ngiti sa labi. Maganda at gwapo. Parehong mayaman. Wala kang mapipintas na anuman kung tutuusin.
Saglit akong napalingon sa katabi kong lalaki nang hawakan niya ang kamay ko. Diretso lang itong nakatingin sa harap habang seryosong nagsasalita ang pari sa unahan. Lalong lumapad ang aking ngiti na malaman na magkahawak-kamay kami sa pampublikong lugar. Ibayong tuwa ang namutawi sa aking sistema. Iniisip na walang tao sa aming paligid kundi kami lang.
Magsimulang magpalitan ng wedding vows ang dalawa. Mangiyak-ngiyak pa ang kanyang pinsan at hirap na ibigkas ang mga salitang gusto niyang sabihin. Napaisip ako? Napalingon kay Tale na nasa unahan pa rin ang atensyon. Darating din kaya kami sa ganyang punto? Ang magpapalitan kami ng wedding vows sa harap ng maraming tao? Minsan kayang sumagi sa isip niya ang ganung bagay? Na ikasal sa isang tulad ko?
Nakikita niya kaya na ako ang makakasama niya sa kanyang buhay? Kasi ako, oo. Masyado niya nang inukopa ang puso ko. Kahit ilang beses niya man akong saktan, siguro handa pa rin akong patawarin at tanggapin siya. Ayokong mawala siya sa piling ko.
"You may now kiss the bride..." pinal na anunsyo ng pari. Masigabong nagpalakpakan ang lahat nang magpalitan na sila ng halik sa isa't-isa. Hindi masukat ang tuwa sa kanilang mukha dahil sa pinakaespesyal na okasyon na ito sa kanilang buhay.
Kung madami ang tao sa simbahan ay masasabi kong mas maraming tao dito sa reception. Nagkalat ang mga magagarang tao sa paligid. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa pinakalikod na round table, katabi si Tale. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng paligid. Tanaw ko din sa hindi kalayuan ang mahabang mesa na may mga iba't-ibang pagkain. Bigla tuloy akong nagutom.
Nagsimula ang reception program nang magsalita ang emcee sa unahan. Marami ang nawiwili dahil sa mga biro nito tungkol sa bride and groom. Kalaunan ay nagkwento ang newly-couple kung paano nga ba sila nagkakilala. May isang video presentation pa ang nag-play sa unahan kung saan pinapakita dito ang kanilang mga pren-up wedding photos. Mas natuon ang atensyon ko sa slideshow ng mga larawan na yun.
Masyado akong nawili hanggang sa matapos ang mismong program at magsimula na ang kainan. Hindi naman pala masama na sumama ako kay Tale. Kahit papaano ay natutuwa ako sa mga nangyayari. Masyado lang talaga ako nag-overthink tungkol sa mga bagay-bagay.
"Are you hungry? Do you want to eat anything?" bahagyang linapit ni Tale ang kanyang bibig sa aking tenga upang bumulong. Sakto namang paglingon ko ay napagtanto kong sobrang lapit ko na pala sa kanya. Ako na ang kusang lumayo sa pagitan naming dalawa.
"Kahit ano na lang..." simple kong sagot ngunit mukhang iba ang naging dating sa kanya ng sinabi ko nang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. May nasabi ba akong mali?
"You can eat me, too." pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha dahil sa kanya. Posibleng nay makarinig sa kanya dahil hindi lang kaming dalawa ang naririto sa mesa. Kahit pabulong yung sinabi niya ay baka may makarinig pa rin sa kanya.
"Loko ka talaga. Ako na nga lang..."
"Ikaw na lang ang kakainin ko?" muling pambabara niya sa akin. Nakakahiya ang mga sinasabi ng kunag na 'to. Wala ba siyang pinipiling lugar at dito pa niya talaga naisipang magloko?
"Baliw ka talaga."
Napairap na lang ako at hindi na lang pinatulan ang pang-aasar niya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Tumayo ako at pumunta sa mahabang mesa ng mga pagkain. Kumuha ako ng plato sa tabi at nakisalo na rin sa mga taong abala na sa pagpili ng kanilang makakain.
Saglit akong napalingon sa mesa namin ni Tale ngunit wala na siya doon. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid at doon ko nakita siyang may kausap na matandang lalaki. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila dahil sa ekspresyon ni Tale. Kaya pala hindi sumunod sa akin ang kumag. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa pagkuha nang pagkain.
Sa kalagitnaan nang aking ginagawa ay aksidente kong natabig ang isang babae.
"OMG!" gulat nitong sigaw. Muntikan ko pang matapon ang hawak niyang wine glass. Nakataas ang kilay nitong binalingan ako ng tingin mula baba, pataas sa aking mukha.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya."
"You're with Alfred Tale, right?" napakunot ako ng noo nang bigla niya akong tanungin. Paano niya nalaman na kasama ko si Tale. Ganun na ba kami kaagaw-eksena sa mata ng babaeng 'to para mapansin kami sa gitna ng maraming tao?
Natigilan ako nang saglit kong sinipatan ng tingin ang babaeng nasa harap ko ngayon. Unang napansin ko ang kulay pulang nail polish niya na bumagay sa kanyang white long dress. Hubog-hubog ang sexy na katawan nito dahil sa suot niya. Maganda siya lalo na ang bagsak niyang itim na itim na mahabang buhok.
"Oo. Bakit?" pinilit kong ikalma ang sarili ko. Hindi maganda ang kutob ko sa babaeng ito. Base palang sa tingin niya sa akin ay masasabi kong mataray ito.
"I just wonder how are you related with him."
Ano bang pakialam ng babaeng 'to kung kasama ko nga si Tale? Tapos ngayon naman tatanungin niya ako kung ano ko si Tale. Sino ba ang babaeng 'to?
"Kaibigan ko si Tale." napalunok ako nang mas lalong tumaas ang isang kilay ng babae sa naging sagot ko. Hindi ko masasabing boyfriend ko si Tale pero alam kong mas higit pa kami sa pagiging magkaibigan. Nakakatuwa lang sabihin na, ni minsan ay hindi ko naging kaibigan si Tale.
"Oh really? So how can you explain him holding your hand earlier?" mas lalong nangunot na ang aking noo sa direktahan niya nang tanong sa akin. May problema ba siya sa akin? Bakit parang ang init naman ata ng dugo ng babaeng 'to sa akin?
"Teka... Sino ka ba?" nakukuryoso na ako kung sino ba ang babaeng 'to? Bakit ang dami niyang tanong tungkol sa amin ni Tale? Tsaka, ano bang pakialam niya kung magkahawak-kamay kami ni Tale kanina sa simbahan? Naiinggit ba 'to?
"I'm Natalie." inilipat niya sa kabilang kamay ang hawak niyang wine glass. Nilahad niya ang kanyang kamay upang makipagkamay sana sa akin. Tinitigan ko lamang ito. Wala akong gana na makipagkilala siya. Ang ibig kong sabihin sa tanong ko kung sino siya sa buhay ni Tale?
"I was his toy. So, are you, too?" lumipat ang tingin ko mula sa kanyang kamay papunta sa kanyang mukha. Takang-taka na ako sa mga sinasabi ng babaeng 'to sa akin ngayon. Anong sabi niya?Toy? Nahihibang na ba ang babaeng 'to?
"H-hindi kita maintindihan..." mahina kong sabi sa sarili ko. Mukhang narinig niya naman yun nang ngisian niya ako. Saglit siyang sumimsim sa hawak niyang wine glass bago magsalita.
"I pity you, girl." mahina siyang humagikhik. Nagawa niya pang marahan na pumalo sa hangin.
"I didn't know his into boys now." tuluyan na akong natulala sa kawalan sa huli niyang sinabi. Hindi pa sana ako mababalik mula sa pagkakatulala nang may makasagi sa akin. Napakurap-kurap ako at nalaman na wala na ang babaeng kausap ko kanina. Lumingon-lingon ako sa paligid habang nagbabasakaling makita siya ulit. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi yun? Toy? Nino? Ni Tale? Laruan siya ni Tale noon? Sa anong paraan?
Napapabuntong-hininga na lang ako habang kumukuha ng pagkain. Hindi ko na alam kung ano-anong pagkain na ang nilagay ko sa plato ko. Tulala na lang akong napaupo sa mesa na kinauupuan namin ni Tale. Hindi pa rin nakakabalik si Tale. Muling hinanap siya ng mga mata ko ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
Tahimik ko na lamang na sinimulan ang pagkain ko. Bigla tuloy akong nawalan ng gana dahil sa sinabi ng babaeng yun. Sino ba siya sa buhay ni Tale? Bakit niya nasabi yun? Una si Veronica, tapos itong Natalie naman? Si Veronica na minahal niya pero pinili siyang iwan. Tapos si Natalie, dating laruan ni Tale? Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan ni Tale ng laruan na isang tulad ni Natalie.
"Hey! I've been looking for you." natigil ako sa pagkain nang magsalita si Tale sa tabi ko. Napalingon ako sa kanya. Agad na naagaw ang atensyon ko sa bahagyang naka-loose na necktie niya. Agad ko na lang winaksi ang tanawin na yun at itinuon na lang ang atensyon sa aking pagkain.
Gusto ko na lang maubos itong pagkain ko at makauwi na. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng sinabi ng babaeng yun - si Natalie. Bakit niya nasabi ang lahat ng yun? Anong nga ba talaga ang nagong relasyon niya kay Tale?
"Hey! Did something happened?" hinawakan niya ang balikat ko ngunit hindi ko siya nagawang lingunin.
Ito na naman ba kami? Magiging paranoid na naman ba ako ulit dahil sa mga nangyayari? Malakas ang kutob ko na may namagitan sa babaeng yun at kay Tale noon. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sinabi nitong 'toy' siya ni Tale?
Nanatili akong tahimik hanggang sa makauwi kami ni Tale. Hindi na rin ako tinanong ni Tale kung anong meron. Sa madaling salita, hindi niya muna ako kinausap.
Lumipas ang ilang araw, hindi pa rin nawawala sa isip ang sinabi sa akin ng babaeng yun. Gustong-gusto kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na pwedeng makalimot sa akin sa bagay na yun. Nagagawa kong kalimutan ngunit matapos ay babalik na naman yun sa isip ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing may nalalaman ako tungkol sa nakaraan ni Tale, lalo na ang mga dumaang babae sa buhay niya ay hindi ko mapigilang mag-isip ng sobra. Natatakot ako na baka yun ang maging dahilan para mawala sa akin si Tale. Kaya mas pinipili ko na lamang na huwag sabihin sa kanya ang mga bagay na yun. Patuloy na pinipilit ang sarili na kalimutan na lang ang mga bagay na pwedeng makasakit sa akin at ituon na lang ang atensyon ko kay Tale.
Mabuti na lang ay nagawa ko pang mag-grocery sa kabila ng mga iniisip ko. Sinadya ko talagang mamili ngayon dahil paubos na rin ang stack niya sa bahay kaya minabuti ko na lang rin ang mag-grocery.
Napairap ako sa hangin nang muling tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Minabuti ko na lang ulit na huwag yun pansinin. Nagpatuloy ako sa pagtutulak ng cart patungo sa kabilang parte nitong supermarket. Sa gitna ng aking pamimili ay muling tumunog ang cellphone ko.
Shocks! Nakakainis ang lalaking 'to. Kanina pa siya tawag ng tawag sa akin kahit alam niya naman na naggo-grocery ako.
Wala akong nagawa kundi ang kunin ang cellphone ko at sagutin ang tawag niya.
"Why are you taking so long to answer my call?" bungad niya agad sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa inaakto niya eh. Hindi ko naman nakalimutan na magpaalam sa kanya.
"Baka naggo-grocery ako?" pamimilosopo ko sa kanya. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Matagal ka pa ba dyan?" muli akong napairap sa hangin. Napatingin ako sa relo ko. Parang twenty minutes pa lang ako nang umalis, tapos tatanungin niya ako kung matagal pa ba ako. Nakakaloka siya ah.
"Matatagalan talaga ako kapag tawag ka pa ng tawag dyan." nagpatuloy ako sa pagpili ng mga delata sa cart habang kausap pa rin siya.
"Okay. Okay. Just hurry back pagkatapos mo diyan."
"Oo na po. Wala ka bang gustong ipabili?" wala naman talaga sana akong balak na tanungin siya ng ganun. Sadyang wala lang talaga akong maisip na sabihin.
Minsan talaga may pagkaisip-bata ang kumag na 'to.
"Nothing."
Matapos ng maikling pag-uusap naming dalawa ay nagmadali na lang akong mamili. Baka tawagan na naman ako ng kumag na yun at tuluyan na akong hindi natapos sa ginagawa.
Napamasid ako sa paligid ng supermarket habang hinihintay na matapos ang taong nasa unahan ng pila nang hindi sinasadyang nahagip ng tingin ko ang isang lalaki mula sa malayo. Napakurap-kurap pa ako nang hindi makapaniwala sa nakita. Biglang nang-init ang buong sistema ko dahil sa galit. Isang taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang binalak niya sa akin noon.
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?
Kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa lalaking yun. Kusang umangat ang aking palad at malakas na sinampal siya.
"Hayop ka!" punong-puno ng hinanakit ang aking boses. Makita siya ngayon dahil sa ginawa niya sa akin ay isang bagay na hindi ko makakalimutan.
"What the fu--" gulat itong napalingon sa akin. Hindi niya na nagawang matapos ang sinasabi nang mapagtanto niya ang taong nasa harap niya ngayon. Napansin ko ang pagbakat ng palad ko sa pisngi niya. Masyado atang napalakas ang sampal ko. Imbes na makaramdam ng awa ay ibayong pagkakuntento ang naramdaman ko.
"Anong nangyayari?" natuod ako sa aking pwesto nang isang pamilyar na boses ng babae ang nadinig ko mula sa aking likuran. Kahit hirap ay nagawa kong harapin ang taong yun.
"Mark? Anong ginagawa mo dito?" rumihestro ang pagkagulat sa mukha ni tita Emma nang makita ako.
"Tita Emma?"
Anong ginagawa ni tita Emma dito?
"Jackal, bakit ka sinampal ni Mark?" bumaling ang tingin ko pabalik sa lalaking nasa likuran ko at muling bumaling kay tita na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya.
T-teka... Kilala niya ang lalaking 'to?
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ