TPT - 17

3047 Words
M A R K Napabuntong-hininga ako matapos kong ikwento kay Jherome ang nangyari kagabi. Hindi ko man detalyadong nasabi pero alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Ito ang pangalawang beses kong magkuwento ng tungkol sa amin ni Tale kay Jherome. Siya lang kasi ang naiisip kong pwede kong paglabasan ng sakit ng loob. Hindi ko ata kakayanin na kapag patuloy ko lang ikikimkim ito sa sarili ko.  Patuloy pa ring naglalaro sa isipan ko ang mga katanungan na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Sino si Veronica? Siya ba yung babaeng kasama niya noon sa mall? Iisa lang ba ang babae na nasa isip ko ngayon? Veronica ba ang pangalan ng babaeng kasama niya noon sa mall? Sino siya sa buhay ni Tale? "Mark, pasensya na pero hindi ko masasagot ang tamong mong yan." sumimsim ako sa aking iniinom na fruit shake dito sa loob ng isang cafè. Tinawagan ko si Jherome kanina upang makipagkita sa kanya at ipagtapat sa kanya ang nangyari kagabi. Biglaan ang naging desisyon kong umalis muna sa bahay ni Tale kaya naman hindi ko nagawang makapagpaalam sa kanya. Muli akong napabuntong-hininga nang maubos ko ang fruit shake na aking iniinom. "Si Tale lang ang makakasagot ng tanong mo, Mark." malungkot na dugtong pa ni Jherome. Nagdadalawang-isip ako kung tatanungin ko ba si Tale tungkol sa bagay na yun. Pinanghihinaan ako ng loob. Hindi ko alam ang pwedeng maging resulta sa oras na itanong ko ang bagay na yun sa kanya. Baka mawala siya sa akin? Baka lumayo siya sa akin at mas piliin na lang ang babaeng yun? Natatakot ako. Natatakot akong mawala sa buhay ko si Tale. Masyado nang napalapit ang loob ko kay Tale. Hanggang maaari ay magtitiis ako para lang ingatan ang relasyon na meron kami ngayon. "Bakit hindi mo siya tangungin? Kung sino ba ang Veronica na yun?" pilit kong pinaglalaruan ang daliri ko sa ilalim ng mesa. Masyadong magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Wala akong ideya kung ano ba ang tamang gawin. "N-natatakot ako..." halos pabulong na ang aking boses dahil sa nagbabadya nang luha sa aking mga mata. Pilit kong iniyuko ang aking ulo upang hindi niya mapansin ang nanunubig ko nang mga mata. "You don't have to be scared, Mark. Ano? Ililihim mo na lang ba ito sa kanya? Confront him! Ask him! Karapatan mo yun bilang boyfriend niya." nagtatanong ang aking mga mata na napatingin sa kanya. Boyfriend? Boyfriend nga ba ang turing sa akin ni Tale? Ganun ba ang relasyon na meron kami? Mag-boyfriend? Mariin kong naikagat ang aking labi nang tuluyan nang bumagsak ang aking luha pababa sa aking namumulang pisngi. "Don't tell me..." hindi na niya natapos ang sasabihin at hindi makapaniwalang napatitig sa akin. "Hindi mo pa rin alam kung anong meron kayo? Ganun ba?" saglit siyang natahimik. Mariin siyang napapikit habang kinakalma ang sarili. Tahimik lang akong umiiyak nang makita ko ang kamay niya sa aking harapan na may hawak na table napkin. Kinuha ko ito sa kanyang kamay at sinubukang punasan ang nga luha kong nag-uunahan pa rin sa aking pisngi. "I can't believe you. It's been years pero hindi mo pa rin alam kung may kayo ba talaga? Kung ako sayo, matagal ko na siyang kinompronta tungkol sa bagay na yan. Can't you imagine yourself right now? You've  been stuck in that situation for too long now. You don't even know what's your relationship with him. Baka kung nilo---" mariin niyang isinara ang kanyang bibig dahilan hindi niya matapos ang kanyang sasabihin. Pero kahit hindi niya man natapos yun ay alam ko naman ang kasunod no'n. Niloloko lang ba ako ni Tale? Pinaglalaruan lang ba ako ni Tale? Isa lang bang laro ang meron kami ni Tale? Napailing-iling ako sa mga katanungan na yun. Hindi yun totoo. Hindi magagawa sa akin yun ni Tale. Imposibleng... Sa mahigit isang taon naming magkakilala ni Tale, hindi ko man lang nagawang kilalanin siya ng lubos. Kung anong klaseng tao nga ba siya? Hindi ko lubos akalain na darating ako sa punto na tatanungin ang sarili ko kung kilala ko nga ba si Tale? Kung sino nga ba siya talaga? "I don't want to hurt you even more, Mark. You must two settle this. Ayokong nakikita kang nasasaktan dahil lang sa lalaking yun. Don't hurt yourself over and over again, Mark." Pareho kaming natahimik na dalawa makalipas ang ilang minuto. Naaagaw ang atensyon ko ng ginagawang paglalaro ng mga daliri ni Jherome sa mesa habang problemado akong tinitingnan. Patuloy ko pa ring kinakalma ang sarili ko at iwasang huwag mag-isip ng mga bagay na makakasakit lang sa damdamin ko. Napabaling ang tingin ko sa cellphone kong nasa ibabaw ng mesa nang mag-vibrate ito. Kinuha ko ito at nasilayan ang pangalan ni Tale sa screen. Saglit akong tumingin kay Jherome na kasalukuyan ring nakatingin sa hawak kong cellphone. "Mukhang hinahanap ka na ng boyfriend mo." binigyan niyang diin ang salitang 'boyfriend'. Sumimsim siya sa iniinom niyang milktea bago nagpatuloy sa sasabihin.  "Sige na. Dumidilim na rin. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho..." tinanguan ko lamang siya. Nakasakay na ako sa taxi habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ni Tale. Patuloy na nag-iisip kung tatanungin ko ba si Tale kung sino nga ba si Veronica? Tama lang ba na tanungin ko siya? Hindi ba siya magagalit sa akin? Paano na lang kung mangyari ang kinakatakutan ko?  Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon. Hindi ko pa rin ito magawang sagutin. Ayokong mahalata niya ang basag kong boses dahil sa kaiiyak. Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil sa kanya. Nakarating ako sa tapat ng bahay ni Tale. Hirap akong humakbang papalapit dito na parang may pumipigil sa akin sa paghakbang. Parang anumang oras ay lumulubog ang paa ko sa lupa sa tuwing ihahakbang ko ito. Huminga muna ako ng malalim. Tiningnan ang sarili. Siniguradong hindi niya mahahalata na umiyak ako. "Where have you been?" isang malagong na boses ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Napakagat ako sa aking labi at nakayukong hinarap siya. "Why are you not answering my calls, Mark?" tila naging maamo akong tupa na napipilan dahil sa maotoridad niyang tanong. Ito ang unang pagkakataon na marinig ko siya na ganito. Ramdam ko ang pagpipigil niya sa kanyang galit. Hindi ko magawang makatingin sa kanya dahil natatakot akong makita ang galit niyang tingin sa akin. Tanging malalalim na paghinga lang ang aking nagawa. Nalunok ko na ata ang dila ko dahil hindi ko magawang masagot ang tanong niya. Para siyang nagbabagang bulkan na anumang oras ay bigla na lang ito sasabog sa harapan ko.  "I'm asking you, Mark. Where have you been? Lumabas ka ng hindi nagpapaalam sa akin? Really? Am I nothing to you para hindi mo sabihin sa'kin kung saan ka pupunta? You made me f*****g worried here and thinking na may nangyari nang masama sayo." nanunuot sa aking sistema ang bawat salitang sinasambit niya. May halong pagpipigil. May halong galit. Nakakatakot. "L-lumabas lang ako saglit." pinilit kong kalmahin ang aking sarili. Pilit na pinipigilan ang muling pagtakas ng aking luha sa aking mga mata. Mabuti na lang ay nakayuko ako at hindi niya napapansin yun. "For what?" agaran niyang tanong.  Dama ko ang malaking bulto niya sa harap ko. Pakiramdam ko ay balot na balot ng maitim na awra ang buong katawan ni Tale ngayon. "Nakipagkita lang ako kay... J-Jherome..." nagdadalawang-isip ako kung tama ba na sinabi kong nakipagkita ako kay Jherome. "Jherome? May relasyon ba kayo ng lalaking yun para makipagkita sa kanya?" tuluyan akong napaangat ng aking ulo. Mabilis na nahuli ng aking paningin ang nagbabagang paningin ni Tale. Kung alam niya lang kung anong dahilan ko kung bakit ako nakipagkita sa tao. Hindi ako makapaniwala na ganun ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko. Bakit? Magkarelasyon lang ba ang pwedeng magkita? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang kami ni Jherome. Masyado siyang nag-aassume ng kung ano-anong mga bagay. Tuluyang naglaho ang kaninang takot ko sa kanya at napalitan ito ng matinding galit sa agaran niyang panghuhusga sa akin. Ano bang tingin niya sa akin? Tulad niya? Tulad niyang walang alam kundi ang maglaro lang. Paglaruan ang nararamdaman ko para sa kanya. "Kaibigan ko lang si Jherome." mariin kong pag-amin sa kanya. "Then why didn't you say na makikipagkita ka sa lalaking yun? Huh?" isang sampal ang namutaw sa akin nang tuluyan nang tumaas ang kanyang boses.  "Bakit? Kailangan ko ba dapat sabihin sayo lahat ng gagawin ko? Hindi mo ako sunod-sunuran, Tale para diktahan ako. You don't even own me. Hindi mo ako pag-aari para sumunod sa lahat ng gusto mo." Sige! Gusto niya ng ganito? Pwes! Pagbibigyan ko siya. Gusto kong isampal lahat sa kanya. Gusto ko siyang sumbatan sa lahat. Siguro, ito na rin ang tamang panahon para klaruhin sa kanya ang lahat. Na kung ano bang meron kami? Na kung sino ba talaga ako sa kanya? "Are you kidding me, Mark?" tanging nasabi niya matapos ng lahat ng sinabi ko. Totoo naman, diba? Hindi niya ako pag-aari para diktahan sa lahat ng dapat kong gawin. Sino ba siya para batuhin ako ng maaanghang na mga salita? Sino ba siya para saktan ako ng ganito? Sino ba siya para paiyakin ako ng ganito? "Tale... Gusto kong klaruhin ang lahat sa pagitan nating dalawa. Isang taon na pero hindi pa rin malinaw sa akin kung ano bang meron tayo." pagak akong napatawa. "Hindi ko nga alam kung may tayo eh. Parausan mo lang ba ako? Pinaglalaruan mo lang ba ako? Na itatapon mo na lang ba ako sa isang tabi matapos mong pagsawaan?" tuluyan nang nag-unahan sa pagdaloy ang aking luha. Dahil sa sakit at galit ay hindi ko na napigilang ibuhos ang emosyon ko. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit na tanungin sa kanya ang mga yun? Bakit parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko? Ang tanungin sa kanya ang lahat ng yun ay nakakaubos ng hangin sa katawan. Pakiramdam ako ay bigla akong nasakal ng kung ano. "Mark?" unti-unting naglaho ang galit sa kanyang mukha hanggang sa nagtataka na siya ngayong napatitig sa akin. Sinubukan niya sanang abutin ako ngunit naging maagap ang paglayo ko sa kanya. "Hindi  ganun ang tingin ko sayo. Why do you think that way of yourself?" nalalasahan ko na ang dugo sa aking labi dahil sa diin ng aking pagkakakagat dito. Halos hindi ko na maaninag ang mukha niya dahil sa panlalabo ng aking paningin sa kaiiyak. "Then, sino si Veronica? Sino yung babaeng kasama mo sa mall?" nakakabinging katahimikan ang sumunod. Ang sakit-sakit. Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng 'to? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Hindi ko aakalain na magkakaganito ako. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay eh! Pero bakit ganito? Simula nang dumating siya sa buhay ko, naging magulo na ang lahat. Naging napakasakit na ng lahat. Hindi ko na siya hinintay na sagutin ako. Mabilis ko siyang tinalikuran at tinahak ang hagdan pataas sa aking kwarto. Nadinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko bago ko nai-lock ang pinto. Nagtalukbong ako ng kumot. Sa loob nito, doon ko nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Dinig na dinig ko ang sunod-sunod na katok ni Tale mula sa labas ng aking kwarto. "Mark! Please, talk to me. Mark? I'm sorry... Open this goddamn door."  Hinayaan ko lang siya sa pagtawag sa akin hanggang sa hindi ko na siya nadinig. Buong magdamag ako na umiyak at hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog. Magtatanghali na nang magising ako. Namumugto ang aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Sinubukan kong maghilamos para kahit papaano ay maibsan ang hapdi ng aking mga mata. Namumula rin ang pareho kong pisngi dahil sa kaiiyak kagabi. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Saktong paglabas ko sa kwarto ay nadinig ko na ang ingay na nagmumula sa sala. Maingat akong humakbang pababa sa hagdan. Doon ko natanaw si Tale na nakaupo sa sofa habang abala sa panunuod ng isang football game. Nakatalikod siya sa akin kaya naman hindi niya makita ang presensya ko. Balak ko na lang sana siyang lampasan at dumiretso na lang sa kusina nang madinig ko siyang magsalita. "Mark? Gising ka na pala." saglit akong natigilan. Ramdam ko ang paghakbang niya papalapit sa akin. "Gutom ka na ba? Nagluto ako ng almusal natin." agad kong iniwas ang tingin ko nang pumwesto siya sa harap ko. Tanging sando at boxer lang ang suot niya. Medyo magulo rin ang buhok niya. Hindi na nagawang makasagot nang hawakan niya ang kamay ko ngunit naging maagap ako at aga na binawi ang kamay ko sa kanya. "Kaya kong maglakad." walang emosyon kong sagot. Sinadya kong maging malamig ang pakikitungo sa kanya para malaman niya na galit ako sa kanya. Iniwan ko siya sa kanyang pwesto at nauna na sa dining area. May mga nakahanda nang pagkain na nakalagay sa mesa. Mukhang lumamig na ito dahil sa kanina niya pa ata niluto ang mga ito. "Medyo lumamig na yung pagkain. I'll heat it for you, if  you don't mind." naging mabilis ang kanyang kilos. Mabilis niyang kinuha ang pagkain sa ibabaw ng mesa at dinala ito sa kusina. Pinili ko na lang na maupo habang naghihintay sa kanya. Napahilot ako sa aking sentido nang maramdaman ko ang medyo pagkirot nito. Dahil siguro sa kakulangan ko ng tulog kaya nananakit ang ulo ko ngayon. "Are you alright? Masakit ba ang ulo mo?" napatigil ako sa aking ginagawa at binaling ang tingin kay Tale. Nagawi ang tingin ko sa tumangis na braso ni Tale dahil sa ginawa niyang paglapag ng plato sa mesa. Mabilis kong iwinaksi ang tingin doon at itinuon ang tingin sa kanyang hinanda. Hanggang maaari ay ayoko muna siyang kausapin at baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya. Kukuha na sana ako ng pagkain nang matigilan ako nang siya mismo ang nagsandok ng pagkain sa aking plato. Nagtataka akong napatingin sa ginagawa niya. "Anong ginagawa mo?" imbes na sagutin ako ay nginitian niya lang ako. Pinagpatuloy niya lang ang pagsalin ng pagkain sa plato ko hanggang sa matapos siya. "Let's eat?" Hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto niyang pinapakita sa akin ngayon. Parang kagabi lang ay galit na galit siya sa akin dahil sa hindi ko pagpapaalam sa kanya. Nagawa niya pa akong paglutuan ng pagkain na dapat ay ako ang gumagawa dahil yun ang trabaho ko. Ayokong isipin na ginawa niya yun dahil sa nagalit siya sa akin kagabi. Kaya siguro siya ang nagluto ng almusal ngayon ay dahil sa tinanghali na ako ng gising. Ngunit, bakit hindi pa siya kumain kanina at hinintay niya pa talaga akong magising? "I'm sorry about last night." napatigil ako sa pagkain nang magsalita siya. Diretso na siyang nakatingin sa akin. Nangungusap ang mga mata na nakatuon sa akin. "I was just worried about you, Mark. Natakot ako na baka mawala ka sa akin." nanghihina kong nabitawan ang kutsara dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya sinasabi sa akin ngayon ito? Natatakot siyang mawala ako sa kanya?  Bakit? Sa anong dahilan? Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ito sa kanyang kamay. Saglit akong napabaling doon bago muling ibalik ang tingin sa mga mata niya. Nangingislap ang kulay abo niyang mga mata kaya naman ay malinaw kong naaaninag ang repleksyon ko roon. "I'm really sorry..." mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Gusto ko siyang muling tanungin kung sino si Veronica? Mababaliw na ata ako kakaisip kung sino ang babaeng yun sa buhay niya. Hindi naman sana ako magkakaganito kung hindi dahil sa babaeng yun eh. Sa kabilang banda ay natatakot ako sa maaari niyang isagot sa akin kapag nagkataon. Hindi ako handa sa magiging sagot niya. Paano kung girlfriend niya ang taong yun? o kaya fiancee? Ano na lang ang gagawin ko? "About Veronica..." napalunok ako nang siya na mismo ang nagbukas ng kasalukuyang nagpapagulo sa isip ko. Saglit siyang tumigil at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay. Tila hinahanda ako sa magiging sagot niya. "How did you know her?" hindi ko siya sinagot. Wala na akong lakas ng loob para sagutin siya. Ang sabihin niya pa lang ang pangalan ng babaeng yun ay nakakaguho na ng mundo. "Okay. I understand..." tuluyan siyang bumitaw sa pagtitig sa akin at napiling iyuko na lamang ang kanyang tingin. Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Halata sa akto niya na nahihirapan siya sa sasabihin niya. Pansin ko na parang hirap siyang sabihin sa akin kung sino nga ba ang babaeng yun.  Bukod sa taong yun, may isang bagay pang gumugulo sa isip ko. Gusto ko na sa kanyang linawin ang lahat. Gusto ko siya muling tanungin tungkol sa bagay na 'to. "She's my ex-girlfriend. I loved her more than my own life. Nangako ako sa sarili ko na sigurado na ako na siya na ang babaeng papakasalan ko at makakasama ko habang buhay. I thought that was the happiest part of my life but I was wrong. Inakala ko na mahal niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Inakala ko na ganun din ang nararamdaman niya sa akin. She played with my feelings. She cheated on me several times but I always give her second, third, and fourth chances because I don't want to lose her. Because I love her. But she still chose to leave me kahit ilang beses ko siyang pinatawad sa ginawa niya. I was too dumb to fall inlove with that woman. I was blinded of too much love and didn't see my own worth." Bumalik ang tingin niya sa akin. Muling nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit hindi ko magawang matukoy ang mga yun.  Hindi ko alam na pinagdaanan niya ang masalamuot na pangyayaring yun. Hindi ko akalain na nagawa siyang saktan ng babaeng yun. Kung tutuusin ay maswerte na siya kay Tale. Sobrang swerte ng babaeng yun na minahal siya ng isang tulad ni Tale. "Mark?" "Hmm?" tanging nasabi ko. "I don't want to lose the person I love anymore. I don't want to lose you, Mark. Natatakot akong baka iwan mo rin ako tulad niya. I don't want to suffer from heartache anymore. I'm begging you...  Please love me the way I love you..." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD