M A R K
Kinabukasan, bibit ang aking travel bag ay pansamantala kong nilisan ang unit ko. Mapait akong napangiti habang tinititigan ang pinto ng aking unit. Malalim akong napabuntong-hininga bago tuluyang tinahak ang tahimik na hallway nitong gusali. Ilang saglit lang ay nakasakay na rin ako sa naghihintay na taxi sa harap nitong gusali. Tahimik lamang akong nakatanaw sa mga sasakyang aming nalalampasan habang inaalala ang naging paguusap namin ni Tale bago niya ako iwan.
"Wala tayong dapat tapusin, Mark."
Natahimik ako sa tinuran niya. Muli akong napayuko dahil sa muling pagkirot ng aking dibdib. Anong ibig niyang sabihin na wala kaming dapat na tapusin? Ibig ba niyang sabihin ay wala naman talaga kaming sinimulan? Na wala lang sa kanya ang lahat?
Gustong-gusto ko siyang sampalin ng mga oras na yun ngunit nilukob na ata ng matinding panghihina ang buo kong katawan at ang iangat ang sarili kong kamay ay hindi ko magawa.
Wala siyang sabing naglakad papalabas ng unit kong yun. Gusto ko siyang pigilan. Gustong-gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ako sa kanya. Gusto kong isumbat sa kanya ang sakit ng dibdib ko. Gusto kong ipamukha sa kanya na siya ang dahilan ng lahat ng pag-iyak ko.
Sa kabilang banda, gusto kong sumbatan ang sarili ko dahil sa pagkahulog sa taong tulad niya. Ang tanga-tanga ko na magkagusto sa kumag at gago na katulad niya.
Sex lang ba ang habol niya sa akin? Parausan lang ba ang turing niya sa akin? Ano ba ako sa kanya? Sino ba ako sa puso niya? Pagak akong napatawa sa aking isip. Ni wala nga ata akong puwang kahit katiting diyan sa puso niya eh.
Kagabi ay hindi ako nakatulog. Hirap akong ipikit ang aking mga mata dahil sa bigat ng emosyon na nadarama ko. Tila isang bangungot na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang paghalik sa kanya ng babae at ang nginitian nila sa isa't-isa. Sa kabilang banda, parang sirang plaka naman na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang huling sinabi sa akin ni Tale. Mababaliw na ata ako kakaisip sa kanya.
Ano bang meron kay Tale para masaktan ako ng ganito? Ano bang meron siya para mahulog ako sa kanya ng sobra?
Hanggang sa bungad na lamang ako ng aming barangay nagpahatid sa sinakyan kong taxi. Kahit papaano ay napangiti ako nang muling masilayan ang lugar kung saan ako lumaki. Sa gilid ng daan ay abala ang mga driver ng padyak habang naghihintay ng mga sasakay na pasahero. Pasado alas-nuebe na ng umaga kaya naman marami nang tao ang naglalakad sa maliit na daan nitong barangay namin. Matapos kong bumili ng mga prutas bilang pasalubong kay tita Emma ay agad na akong sumakay sa isa sa naghihintay na padyak. Sinabi ko na sa barangay hall ako bababa na tinanguan lang ni manong bago magsimulang mag-pedal sa kanyang sasakyan.
"Bayad po." sinimulan kong tahakin ang daan patungo sa aming bahay. May mga ilang tambay akong nadaanan na napalingon sa akin at isa na doon si Otep na umiinom pa ng coke na nakalagay pa sa plastic. Mabilis itong tumayo at naglakad palapit sa akin.
"Uy! Mark! Musta? Tagal mo nang di nagpakita ah." saglit akong napahinto sa paglalakad upang harapin siya. Nakangiti pa ang gago na lumapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na wala siyang suot na t-shirt. Imbes kasi na suotin yun ay nakasampay lamang ito sa kanyang balikat. Kaya naman nakatambad sa harap ko ang may kakisigan niyang katawan. Siguro kung ibang tao ngayon ang nakatayo sa harapan niya, baka nangisay na ito sa kilig.
"Busy lang sa trabaho." simple kong sagot sa kanya at ngitian siya.
"Akala ko patay ka na eh." napa-tsk na lang ako sa nagsisimulang pang-aasar niya. Basta talaga nakikita ako ng kumag na 'to, pang-aasar lang ang alam. Trip na trip ako ng lalaking 'to eh.
"Ako kasi, patay na patay sayo." napanganga ako sa hindi ko inaasahang banat niyang yun. Nadinig ko ang mapang-asar na sigawan ng kanyang barkada sa likuran niya. Parang tanga na tinaas pa ni Otep ang kanyang parehong braso na parang nanalo ito sa naging banat niya. Tatawa-tawa pa ang loko.
"Yayamanin ka na ah!" bahagya akong nagulat nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Medyo basa ang kamay niya dahil sa hawak niyang softdrink. "Ang puti mo na oh. Di naman ganyan hitsura mo dati ah." parang amaze na amaze ito na makita ang hitsura ko ngayon. Hindi ko din naman kasi siya masisisi. Malaki naman na talaga ang pinagbago ko nang maging personal chef ako ni sir Ryuu. Hindi naman sa pagmamayabang, dati naman na talaga akong maputi dahil never naman talaga akong nangitim. Ang pinagkaiba ko lang talaga ay parang kumintab na ang kutis ko sa puti at kinis.
"Gago! Maputi naman na talaga ako dati pa." ayoko namang magyabang sa harap ni Otep kaya naman nagpaka-humble na lang ako. Ayoko namang mag-isip ang mga kasama niya na mayabang akong tao.
"Tsk! Mas makinis ka na nga sa mga babae dito eh. Mukhang alagang-alaga ka ng amo mo ah." pumorma ang ngisi sa kanyang labi at ang pagtaas ng pareho niyang kilay. Naging makahulugan din ang mga tingin niya sa akin. Hanggang dito ba naman.
"Ewan ko sayo, Otep. Puro ka talaga kalokohan." pinili ko na lamang na talikuran siya at magpatuloy sa paglalakad. Napalingon ako sa aking gilid nang malaman na sumabay sa akin si Otep sa paglalakad.
"Sus, Mark! Siguro nakahanap ka na ng kano doon sa trabaho mo 'no? Baka naman..." marahan niya akong binangga upang mas asarin ako lalo. Inikutan ko lamang siya ng mata at hindi na lamang pinatulan ang kalokohan niya.
"Maiba ako. Tutal nandito ka rin naman, bakit hindi ka na lang sumama sa akin mamaya?" nasa harap na ako ng gate ng aming bahay nang mapatigil ako sa pagbukas nito. Nilingon ko siya.
"Saan?"
Humigop muna siya sa kanina niya pang iniinom na softdrinks hanggang sa maubos bago siya sumagot.
"Birthday kasi nung isa kong kumpare, niyaya ako. May konting handaan lang tapos inuman. Sama ka na, minsan lang naman 'to." tinapon nito ang plastic
Saglit akong napaisip sa pagyaya niya sa akin. Ngayon lang ako niyaya ni Otep na sumama sa kanya sa isang okasyon. Ano kaya ang naisip ng kumag na 'to at bigla akong inimbitahan?
"Pag-iisipan ko." mabilis kong binuksan ang gate upang pumasok na. Hindi ko na hinintay ang pagtugon niya pero nadinig ko pa siyang sumigaw habang tumatalon-talon pa.
"Sumama ka. Susunduin kita dito mamayang 6 ah."
Kinaway ko na lamang ang aking kamay at tinahak ang daan papasok sa aming mumunting bahay.
"Tita Emma?!" paghahanap ko kay tita sa loob ng bahay nang maabutan kong wala siya sa sala. Naririto lang yun dahil hindi yun umaalis ng nakabukas ang bahay. Mahirap na daw at baka manakawan.
Tinawag ko muli ang kanyang pangalan nang makarating ako sa kusina. Doon ay nadinig ko ang pagbuhos ng tubig sa loob ng cr. Kinatok ko ang pinto at nagbabasakali na nasa loob siya.
"Sino yan?" malakas na sigaw ni tita mula sa loob. Napangiti na lang ako dahil nakalimutan ko palang sabihan si tita na uuwi ako ngayon dito. Kumatok akong muli upang tawagin siya.
"Punyeta! Teka lang, naliligo pa ako!" mukhang badtrip na ang boses niya dahil sa hindi ko pagtigil sa pagkatok sa pinto. Kanina pa siya nagtatanong pero hindi lang ako umiimik.
Tanging malakas na kaluskos na lamang ang nadinig ko mula sa loob kaya imbes na kumatok muli ay napili ko na lang na hintayin si tita sa sala. Pagod akong napaupo sa luma naming sofa at inilibot ang paningin sa buong sala namin. Nakakamiss bumalik ulit kung saan ka lumaki. Sadyang nakakatuwa lang.
Sa gitna ng aking paghihintay ay nadinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod ang mga yabag ng paa sa sahig. Hindi pa man ako nakakalingon ay nagulat na ako sa biglang pagalingawngaw ng malakas na sigaw ni tita mula sa likuran ko. Nakangiti akong tumayo at humarap sa kanya. Samantalang siya ay nanlalaki ang mga mata at nakalahad ang mga kamay. Tanging tapis lang ang suot nito at may nabasa nang tshirt na nakapulupot sa kanyang buhok.
"Naku Mark! Namiss kitang sobra..." malambing niyang sabi habang mahigpit na yakap-yakap ako. Naamoy ko pa ang kojic soap na ginamit niyang sabon. Pangiti-ngiti lang ako. Kahit maingay ang tita ko, sobra ko siyang namiss.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at kinulong ng kanyang isang palad ang kabilang pisngi ko.
"Ang gwapo-gwapo na ng pamangkin ko. Bakit hindi mo ako sinabihan na bibisita ka pala? Edi sana nakapaghanda man lang ako." hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking pisngi. Hindi mapawi ang ngiti sa aking labi dahil sa saya na aking nararamdaman ngayon.
"Edi hindi na surprise kapag sinabi ko sa inyo." napahagikhik siya sa tinuran ko tsaka marahan akong pinalo sa aking balikat. Mabagal na naglakad si tita patungong kwarto upang magbihis. Bumalik naman ako sa pagkakaupo habang hinihintay siya.
"Kamusta ka naman sa trabaho mo? Huwag mong sabihin na napapabayaan mo na ang sarili mo. Hahampasin kita nitong plato." kanina pa ako napapangiti dahil sa walang tigil na biro ng tita ko. Halata rin sa kanyang mukha ang tuwa nang malaman na naparito ako. Nagpresenta pa siya kanina na siya ang magluluto ng ulam namin ngayong tanghalian. Masaya naming pinagsasaluhan ito ni tita ngayon.
"Ayos naman po ako tita. Sobrang bait po ni sir Ryuu kaya huwag po kayo magalala. Siya pa nga po ang nagsabi na magleave muna ako at bisitahin ka." sagot ko bago nguyain ang pagkain sa aking bibig. Nakakailang sandok na ako ng kanin. Parang bigla ko kasing namiss ang mga luto ni tita at ngayon ay sarap na sarap ako.
"Mabuti naman kung ganun. Eh bakit hindi mo sinama ang jowa mo?" napatigil ako sa pagsubo ng pagkain sa hindi ko inaasahan na itatanong sa akin ni tita. Mabuti na lang talaga ay agad akong nakabawi at napagtanto na nagbibiro lang ito.
"Tita naman! Wala po akong jowa." napamangot na lang ako sa harap niya.
"Naku Mark! Tumatanda ka na. Galaw-galaw!" mas lalong lumukot ang aking mukha dahil doon. Para tuloy na binubugaw na ako ni tita paalis dito.
"Tita, para namang mauubusan ako ng tao sa mundo. Twenty-one pa lang po ako. Tsaka, ang pag-ibig hindi minamadali. Kailangan marunong tayong maghintay dahil darating ang panahon na darating din sa buhay natin ang tamang tao na masasabing sayo lang talaga." pangiti-ngiti na sana ako dahil sa biglaang pagseseryoso ng tono ko. Maging si tita ay natulala at parang napaisip sa tinuran ko. Napatawa na lang ako sa isip ko.
"Ewan ko sayo! Basta kapag may jowa ka na. Ipakilala mo sa akin ah. Pero gusto ko dapat mayaman."
"Tita talaga..."
Matapos naming kumain ni tita ay saglit muna akong umidlip sa kwarto upang magpahinga. Si tita naman ay inabala ang sarili sa panunuod ng paborito niyang noon time show sa tv. Bigla kasi akong nakaramdam ng antok pagkakain. Masyado atang naparami ang kain ko kanina.
Nagising ako sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat ko. Papungas-pungas ako ng aking mata na mimulat ito.
"Nasa labas si Otep. Hinahanap ka..." mahina ang boses niyang sabi. Medyo nakadukwang palapit sa akin si tita. Kusot-kusot ang aking mata na bumangon sa kama at tinungo ang sala. Naabutan ko ang dalawa na nag-uusap. Mukhang nagtatanong si tita kung saan ang punta namin. Napag-isipan ko kanina na hindi na lang sumama kay Otep sa okasyon na yun. Baka kasi ay ma-out of place lang ako dahil tanging si Otep lang ang kilala ko doon.
"Hindi ako makakasama, Otep." nagtatanong ang mga mata na napatingala sa akin si Otep. Bihis na bihis na ang loko at mukhang pinaligo pa ang pabango sa katawan niya. Pamilyar ang amoy na mukhang aficionado pa nga ata.
"Bakit?" nagtataka si tita na napalingon din sa akin. "Naku Mark! Sumama ka na sa kanya. Baka doon ka na makahanap ng ipapakilala mo sa akin." nadinig ko ang mahinang pagtawa ni Otep. Napakamot ako sa aking batok. Hanggang ngayon ba naman hindi maka-move on si tita sa usapan namin kanina.
"Tita naman." aburido ang aking mukha na binalingan si tita.
"Sumama ka na! Nag-effort yung tao na sunduin ka oh! Tapos di ka lang sasama. Magbihis ka na doon at baka ma-late pa kayo sa pupuntahan niyo." marahan akong tinulak-tulak ni tita pabalik sa kwarto.
Wala na nga akong nagawa sa pamimilit ni tita sa akin at nagbihis na lang ng puting tee shirt na pinaresan ko ng maong na pantalon. Simpleng black sneakers lang ang sinuot ko na suot ko kanina papunta dito.
Naglakad lamang kami ni Otep palabas ng aming barangay. Napapalingon ang ilang tao na aming nadadaanan dahil sa porma naming dalawa na agaw atensyon talaga. Lalong-lalo na itong kasama ko na mukhang pinaghandaan ang okasyon na 'to. Akala ko ba simple lang na handaan ang dadaluhan namin. Bakit kung makaporma siya, parang mayayaman na tao ang dadalo dito.
Agad din naman kaming nakasakay sa isang taxi. Matapos sabihin ni Otep ang address ay agad nang tumalima ang driver.
"Akala ko ba simple lang na handaan ang pupuntahan natin." tanong ko nang makarating kami sa lugar ng okasyon. Pumasok pa kami sa loob ng isang subdivision bago bumaba sa tapat ng malaking bahay. Napanganga pa ako dahil sa sobrang laki nito. Sa labas pa lang ay dinig na dinig na ang malakas na dagundong ng isang musika.
"Konting handaan lang 'to para sa mga mayayaman na tulad nila." nginisian lamang ako ni Otep bago hilahin ako sa palapulsuhan papasok. Bumungad sa amin ang maraming tao na may kanya-kanyang hawak na iba't-ibang klase ng alak. May iilan na nakatayo habang nag-uusap. May nakita rin akong nagkakasiyahan sa swimming pool. Tanging mga bikini ang mga suot ng babae at nakashorts lamang ang mga lalaki kaya naman tambad na tambad ang mga katawan nito. May bumabating iilan kay Otep sa tuwing dumadaan kami sa kanila.
Hindi rin nagtagal ay nakapasok kami sa loob ng bahay. Bumungad sa amin ang napakalawak na sala nitong bahay kung saan may iilang tao ang nakaupo sa nakapaikot na sofa.
"Mga pards!" naagaw namin ang atensyon ng mga taong yun nang makalapit kami sa pwesto nila. Masasayang tumayo ang mga ito at nakipag-fistbump pa kay Otep at ang iilan naman ay niyakap siya. Nagtatanong ang tingin ng lalaking nakatayo na sa harap ko.
"Ipakilala mo naman ako dito sa kasama mo." saglit na lumingon ang lalaki kay Otep bago malagkit muling tumitig sa akin. Bigla akong nailang sa paraan ng kanyang pagtitig na labis na nagbigay ng pangingilabot sa akin katawan. Hindi ko gusto ang paraan ng tingin niya.
"Si Mark nga pala. Mark, si Jackal nga pala. Siya yung tinutukoy ko sayong may birthday." mukhang hindi naman napansin ni Otep ang pagkailang ko sa lalaking kaharap ko. Nakalahad na ang kamay nito. Bigla naman akong naalibadbaran sa ngisi sa kanyang labi.
"Jackal, at your service. Pleasure to meet a guy like you, Mark." kahit naiilang ay pinilit kong makipagkamay dito. Hilaw ko siyang ngitian nagulat pa ako nang sinakop ng pareho niyang kamay ang akin. Nagmukha tuloy palaman ang kamay ko dahil sa napapagitnaan ito ng malapad niyang kamay. Mabuti na lang ay nabawi ko agad ang aking kamay sa hawak niya.
Tumalikod na sa akin ang lalaki at bumalik na sa pagkakaupo. Hindi pa sana ako gagalaw sa aking pwesto nang madinig ko ang pagtawag sa akin ni Otep. Nakaupo na rin pala ito at nagtakaka akong tiningnan. Mabilis akong kumilos palapit sa kanila. Uupo na sana ako sa tabi ni Otep nang madinig ko ang pagsalita ng lalaki kanina.
"You can sit here, Mark." marahang pinalo nito ang espasyo sa katabi niya. Nanunusok ang mga tingin niya na mas lalo ko pang ikinakaba. Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'to. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang ganito ay hindi na lang ako pumayag sa pamimilit ni tita sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang lumapit doon sa lalaki. Wala rin naman akong choice dahil wala na akong mauupuan sa tabi ni Otep. Nang makaupo ako ay agad akong binigyan ng lalaki ng baso na may lamang inumin. Pasimple ko itong inamoy. Napangiwi ako dahil sa tapang ng amoy nito.
"Cheers." inilapit ni Jackal ang hawak niyang baso upang makipagkampay sa akin. Wala akong nagawa kundi ang inumin ito. Napangiwi ako sa pait ng lasa nito maging ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Base pa lang sa amoy nito ay alam ko nang matapang ang lasa nito. Mahinang napatawa ang katabi ko nang masaksihan ang naging ekspresyon ko.
Nakakailang baso na ako ng alak na yun. Medyo nahihilo na rin ako dahil sa epekto ng alak sa aking katawan. Ramdam kong namumungay na rin ang mga mata ko dahil sa pagkalasing.
Mabilis akong umiling nang sinubukan muli ni Jackal na bigyan ako muli ng panibagong inumin sa aking baso.
"Ayoko na." pagtanggi ko sa pag-alok niya.
"Let yourself enjoy the night, Mark." tila nag-echo ang kanyang boses sa utak ko. Napalingon ako sa aking katabi at yun na lamang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Tale sa aking harapan. Napakalapit ng kanyang mukha sa akin. Ramdam ko ang marahang paggapang ng kanyang kamay pataas sa aking hita.
Mabilis kong kinurap-kurap ang aking mata dahil sa pamamalik-mata.
"Are you alright?" tila hinihele ako ng boses na yun. Umiikot na ang buo kong paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay dahil sa pagkahilo. Bumagsak ang aking ulo sa katawan ng aking katabi.
Nadinig ko ang mga boses sa aking paligid ngunit hindi ko yun maintindihan dahil sa sitwasyon ko ngayon. Naramdaman ko ang mga brasong umakay sa akin. Gusto kong imulat ang aking mata upang makita kung sino ang umakay sa akin.
Ramdam ko ang sobrang hilo. Gusto kong sumuka dahil sa hindi kaaya-ayang pakiramdam.
Nadinig ko ang mahinang pagbukas-sara ng pintuan. Nanatiling mabigat ang aking mata para hirap ko yung maimulat. Kalaunan ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran. Tahimik ang buong paligid ko kaya naman dinig na dinig ko ang malalalim na paghinga ng kung sino. Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa aking tabi. Nangilabot ang aking katawan nang may mainit na hangin ang tumama sa aking leeg.
"Mark..." mahinang bulong nito sa aking tenga. Humaplos ang mainit na kamay nito sa aking mukha pababa sa aking leeg. Para akong tinamaan ng malakas na kidlat nang maramdaman ko ang paghalik nito sa aking leeg. Hindi ko magawang maigalaw ang buo kong katawan uoang pigilin ang ginagawa ng taong nakababaw na sa akin. Ginawang tuod ng alak na yun ang aking katawan.
Napalunok ako ng laway nang pumapagang ang malaking palad nito sa loob ng aking tee shirt. Dumako ang daliri nito sa u***g ko. Gusto kong ilayo ang sarili ko sa taong uhaw na hinahalikan ang leeg ko. Gusto ko itong itulak palayo sa akin. Gusto ko siyang sapakin dahil sa mahalay na ginagawa niya sa katawan ko.
Bago pa man maihubad ng taong yun ang suot kong tee shirt ay nadinig ko ang malakas na pagbukas ng isang pintuan.
"Mark?!" mabibigat na yabag ng mga paa ang kasunod kong narinig. Nawala ang bigat sa ibabaw ko at nadinig ko ang malakas na pagkalambog ng isang malaking bagay sa sahig.
"Hayop ka!" huli ko na lamang na natandaan nang tuluyan nang sinakop ng kadiliman ang ulirat ko.
ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ