TPT - 11

2900 Words
M A R K "Don't be scared. I'm a friend." matamis akong nginitian ng batang lalaki. Kahit nagaalangan ay napangiti na lang ako. Mukha naman kasi siyang mabait at wala naman sigurong balak na saktan ako. Biglang naglaho na parang bula ang lalaki sa aking harapan. Nagtaka ako sa nangyari. Sa gitna ng aking pagtataka ay napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses niya. "I think this belongs to you." nakalahad ang maliit niyang kamay sa harap ko. Napatingin ako doon. Nasilayan ko ang kwintas na bigay pa sa akin ni mama. Napangiti ako at mabilis na kinuha yun sa kanyang kamay. Dahil sa labis na galak ay wala ako sa sariling niyakap siya ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit sa kanya ay parang bula na naman siyang nawala. Mabilis na naglaho ang aking ngiti nang dumilim ang buong paligid. Takot akong nagpalinga-linga sa paligid. Doon ko lang nalaman na hindi na ako nakakulong sa kwarto kundi nasa labas na ako. Punong-puno ng matataas na damo ang aking paligid. Nilukob ng matinding takot ang aking katawan nang makarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na putok ng baril. Takot akong napaluhod at mariing tinakpan ang aking tenga. Naipikit ko din ang aking mga mata. Nanginginig ang buo kong katawan nang maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa aking balikat. Agad kong nilayo ang aking sarili dahil sa takot. Malakas na sana akong sisigaw nang maagap niyang natakpan ang aking bibig. Doon ko lang napagsino kung sino ito. "Don't be afraid. I'll help you get out from here." muli kong nasilayan ang matamis niyang ngiti na nagpakalma sa akin kahit kaunti. Tanging-tango lang ang aking natugon. Sa punto na aking naikurap ang aking mga mata ay namalayan ko na lamang na mabilis na akong tumatakbo. Habol-habol ang aking hininga na napalingon sa aking likuran. "Run, Mark!" nadinig kong sigaw nung bata. Mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo nang mapag-alaman na hinahabol ako ng mga lalaking armado. Kahit hirap na hirap na sa sobrang pagod ay mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo. Basag ang aking boses na napasigaw nang aksidente akong natalisod at huli ko nang namalayan na nagpagulong-gulong na pala ako pababa sa isang bangin. Habol ang aking hininga na napabangon sa aking kama nang muli kong napanaginipan ang aksidenteng nangyari sa akin noong bata ako. Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pagdaloy ng luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi. Malalim akong bumuntong-hininga upang kalmahin ang aking sarili. Muli ko na sanang ipipikit ang aking mata nang biglang sumagi sa aking isip ang nasaksihan ko kanina sa mall.  Si Tale na may kasamang babae.  Hanggang ngayon ay parang may punyal sa puso ko sa tuwing naaalala ko ang paghalik sa kanya ng babae kanina. Maging ang pagngingitian nila sa isa't-isa. Maging ang mahinang pagkabig ng kanyang braso sa katawan ng babae. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa aking isip ang lahat. Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito. Wala akong karapatan na maramdaman ito. Ngunit hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwasang masaktan. Sino ang kasama niyang babae kanina? Bakit siya hinalikan nito? Isang konklusyon ang pumasok sa aking isipan na mas lalong nagpabigat ng aking damdamin.  Hindi kaya kasintahan niya ang babaeng yun?  Ano nga ba ako sa kanya?  Ano nga bang meron sa aming dalawa ni Tale?  Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na tanungin  si Tale kung anong namamagitan sa aming dalawa. Hindi ko na kailangan siyang tanungin dahil ang importante sa akin noon ay masaya kami sa piling ng isa't-isa. Masaya rin ba siya kapag magkasama kaming dalawa?  Ako lang kaya ang masaya kapag magkasama kaming dalawa? Ngayong unti-unting nagsisink-in sa aking isip ang lahat ay hindi ko na mapigilang mapaiyak. Nasasaktan ako sa mga sunod-sunod na katanungan na sumasagi sa aking isip. Parang isa itong malakas na bomba na sumabog sa aking harapan para mawasak ako. Para magising ako sa isang reyalisasyon. Ano na nga bang namamagitan sa aming dalawa? Napatingin ako sa tabi ko at malayang nasilayan si Tale na mahimbing na natutulog sa aking tabi ngunit para lamang siyang hangin na bigla na lamang nawala sa aking tabi. Mariin kong naipikit ang aking mga mata para muling dumaloy ang sariwang luha mula dito. Ano na kaya ang ginagawa niya? Kasama niya pa rin ba hanggang ngayon ang babaeng yun? Ginagawa nila rin ba ang ginagawa namin ni Tale? Hindi! Hindi ganun tao si Tale, Mark. Malayong-malayo na gawin niya yun sa ibang tao. Kahit hindi man nangako sayo si Tale, nararamdaman kong hindi niya kayang gawin yun sa iba. Sa akin niya lang dapat pinapadama ang mga halik niyang yun. Sa akin niya lang dapat pinapadama ang mga kanyang haplos. Wala sa sarili kong kinuha ang aking cellphone sa bedside table at hinanap ang pangalan ni Tale sa aking contacts. Mapait akong napangiti nang makita ko ang kanyang pangalan. Hindi ko alam kung bakit kusa na lamang na pinindot ng aking daliri ang dial button nito. Ilang beses itong nari-ring lamang. Walang sumasagot. Sinubukan ko muli siyang tawagan. Tulad kanina, ring lamang ito ng ring. Nakailang dial sa kanyang numero ngunit bigo pa rin ako sa hindi niya pagsagot sa tawag ko. Siguro tulog na siya, Mark. Hindi naman ito ang unang beses na hindi siya pumunta dito, diba? Wala kang dapat ipagalala. Siguro pagod yung tao kaya hindi siya nakapunta ngayon dito. Siguro napagod na siya sayo, Mark? Pinili ko na lamang na matulog at iwinaksi sa aking isipan si Tale. Walang patutunguhan ang mga negatibong pag-iisip mo, Mark. Mas mabuting magpahinga ka na lang dahil maaga ka pang gigising bukas. Huwag mong masyadong sasaktan ang sarili mo, Mark. Hindi ka ganyan. Napadaing ako sa sakit nang aksidente kong nahiwa ang aking daliri. Mabilis kong binitawan ang hawak kong kutsilyo at tumungo sa faucet upang linisan ang sugat ko. Mahina na lamang akong napapailing dahil sa muli ko na namang pagkakatulala. "You woke up late, Mark. Is there something bothering you?" nadinig ko mula sa aking likuran ang boses ni sir Ryuu. Gulat akong napabaling sa kanya dahil sa bigla niyang pagsulpot sa kusina. Nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Sorry po sir kung nalate po ako ng gising. Hindi na po mauulit..." bahagya akong yumuko upang ipakita ang sinseridad ko sa paghingi ng tawad sa kanya. "What happened to your forefinger. It's bleeding..." napansin ko ang pagtitig niya sa aking hintuturo na muling dumudugo na naman. Muli akong tumalikod sa kanya at tinapat ito sa nakabukas pa ring gripo.. "Ahmm... Aksidente ko pong nahiwa sir. Medyo inaantok pa po kasi ako." pahdadahilan ko na lamang. Mabuti na lang ay nakatalikod ako sa kanya at hindi niya mahahalata ang pagpipigil ko na hindi maiyak nang muling sumagi sa isip ko si Tale na may kasamang babae. Narinig ko ang pagtikhim niya. "If there's something wrong, Mark, don't hesitate to tell me, okay? I am always here to listen." napangiti ako sa mga sinabi niya. Kahit papaano ay nabawasan anv bigat sa aking dibdib ngayon sa nalaman na naririto si sir Ryuu upang damayan ako. Pero hindi ito ang tamang oras at bagay upang ikuwento sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ni Tale. Mas mabuting isarili ko na lamang ang problema kong ito. "I think you have to take a rest, Mark." napatigil ako sa pagsalin ng aking niluto sa isang plato nang muli siyang magsalita matapos ang mahabang katahimikan. Nagtatanong akong napatingin sa aking amo na seryosong nakatingin sa akin. "Po?" "Why don't you take a leave for a while? Visit your tita Emma. I think she would be happy to see you after a long time." Siguro nga tama si sir Ryuu. Mas makabubuting mag-leave muna ako sa trabaho at bisitahin si tita Emma. Matagal-tagal na rin kasing hindi ko nakikita ang tita ko. Isa pa, mabuti na rin 'tong oras para makalimutan ko saglit si Tale. Masyado na kasing natutuon ang atensyon ko kay Tale. Sa kabilang banda, nami-miss ko na din kasi si tita. "Pero po... Paano po kayo?" "Don't worry about me, Mark. I can manage."  Simpleng tango na lamang ang aking nasagot bilang pagtugon sa suhestiyon niya. I think I need break. "Hoy! Tulala ka diyan?" gulat akong napabaling kay Jherome na nasa aking tabi na pala. Hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin dahil sa labis na pagkakatulala. Buong araw ay nakatulala lang ako at walang ibang inisip kundi ang tagpong aking nasaksihan kahapon. Unti-unti nitong nilalamon ang buo kong katinuan. Ni hindi ko nga namalayan na nakauwi na pala ang mga kaklase ko at tanging kami na lang ni Jherome ang naiwan dito sa loob. "Jherome... May gusto sana akong ipagtapat sayo." gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha sa biglaan kong pagbubukas. "Eh gago pala ang lalaking yun eh!" galit niyang sigaw nang ikuwento ko kung ano ang nangyayari sa aming dalawa ni Tale hanggang sa makita ko siyang may kasamang babae. Gigil pa siyang napapukpok sa mesa nitong coffee shop na pinuntahan namin upang dito ko ilabas ang bigat ng loob sa akin. Naagaw niya ang atensyon ng ibang customer malapit sa aming kinauupuan. Sa ngayon, kailangan ko ng tao na mapagkakatiwalaan at kayang intindihin ang pinagdadaanan ko ngayon. "Here's your cappuccinos, sirs." nakangiting pag-abot sa amin ng waiter sa amin. Saglit akong natigil sa pagkukwento nang humigop muna ako sa aking inumin. "So... Hindi mo alam kung anong meron sa inyo ng lalaking yun? In other words, wala kayong label." tumango lang ako at patuloy pa ring iniinom ang aking cappuccino. "Bakit hindi mo na lang siya tanungin? In that way, atleast, malaman mo kung ano nga bang meron sa inyong dalawa." saglit akong natigilan sa suhestiyon niya. Ni minsan ay hindi naging big deal sa akin kung anong label ng relasyon naming dalawa. Ngayon lang nag-sink in sa isip ko ang lahat na darating pala ako sa punto na kukuwestyunin ko ang namamagitan sa amin ni Tale. Ngayon, wala na akong tyansa na matanong pa sa kanya ito. Baka hindi na siya nagpakita pa ulit sa akin? Sa isiping yun, biglang kumirot ang dibdib ko at mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Para akong binagsakan ng langit at lupa ng sabay. Napatingin ako sa kamay ni Jherome nang hawakan niya ang nanginginig ko na palang kamay sa ibabaw ng mesa. "Don't let your own feelings put you down, Mark. Ikaw lang din mismo ang makakasagot ng mga tanong sa isip mo. Pero palagi mong tatandaan na palagi kang may kaibigan na handa kang pakinggan. I will always be here to comfort you." kahit papaano ay napangiti ako. Mabilis kong pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Nakakahiya na dito ko pa nagawang umiyak. Sa harap pa talaga ni Jherome. Hindi ka na nahiya, Mark. Hindi pa kami nagtagal doon sa cafè at agad ding nagpaalam sa isa't-isa. Mabuti na lang may Jherome akong handa akong pakinggan at damayan sa pinagdadaanan ko ngayon. Hindi ko alam kung kanino pa ako lalapit kung wala siya sa tabi ko. "Dito na po tayo sir." sabi ng taxi driver dahilan para mabalik ako mula sa pagkakatulala. Tumango lang ako at inabot ang bayad sa kanya bago ako bumaba.  Saglit akong napatingala sa gusali na aking tinutuluyan. Bukas ay uuwi muna ako sa tinitirihan namin ni tita Emma upang mag-leave muna sa aking trabaho. Sapat ba rin yung dahilan upang magpakalayo-layo muna kay Tale. Kung sakaling hanapin niya man ako ay hindi niya malalaman kung saan ako pupuntahan.  Matagal ako bago nakarating sa aking unit. Hindi ko naman na kailangang magmadali dahil tinawagan na ako ni sir Ryuu kaninang tanghali na hindi siya magdi-dinner dito. Kaya naman nang makalabas sa elevator ay sa mismong unit na akong dumiretso. Naikagat ko ang aking dila nang hirap kong naipasok ang card sa scanner dahilan para mainis ako sa sarili ko. Buong araw na lang ata nanginginig ang kamay ko. Padabog pa akong napapadyak nang mabitawan ko ang aking access card. Bwesit naman na buhay 'to oh! Dahil sa wala akong gana na kumain ay tanging cup noodles na lamang ang aking kinain bilang dinner. Hindi ko pa man nauubos ito ay agad na akong nagtungo sa cr upang maglinis ng katawan. Napatingala ako sa ilalim ng shower at payapang dinama sa aking mukha ang malamig na daloy ng tubig. Inabot ako ng mahigit tatlumpung minuto sa shower bago ko naisipang lumaba na doon. Tanging malaking tee shirt at maiksing boxer short ang aking sinuot bago sinimulang sikupin ang mga ibang damit ko sa aking closet upang ilagay ito sa aking travelling bag. Tahimik lamang ako sa aking ginagawa hanggang sa namalayan ko na lang ang pamamasa ng aking pisngi. Doon ko lang namalayan na umiiyak na naman pala ako. Pagak akong napatawa dahil sa aking sarili. Bakit nga ba akong umiiyak? Bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Ilang ulit ko nang inamin sa sarili ko na nagseselos ako sa babaeng yun kaya ako nagkakaganito. Inaamin ko nang ayaw kong nakikita si Tale na maya kasamang babae o kahit na sino pa man. Gusto ko siyang ipagdamot sa iba, pero hindi ko alam kung paano. Paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko ako lang? Eh hindi ko nga alam kung anong relasyon naming dalawa, diba? Na kung ano nga ba talaga ako sa kanya? Nanghihina akong napaupo sa aking kama at sinapo ng aking nanginginig na nga kamay ang aking mukha. Gusto kong huminga. Kahit ang huminga ng maayos ay hirap akong gawin dahil sa labis na kirot sa aking dibdib. Hindi maalis-alis sa aking isip ang mga pwedeng gawin ni Tale kasama ang babaeng yun. Hindi ko maiwasang isipin na baka ginagawa rin nila ang ginagawa namin ni Tale. Napaangat ako ng aking ulo nang makarinig ako ng sunod-sunod na pag-doorbell mula sa labas ng aking unit. Gusto kong hilingin na si Tale sana ang taong yan ngunit pilit ring tumataliwas ang aking isip na mas makabubuti na huwag ko muna siyang makita ngayon. Mas lalo lang akong masasaktan kapag nagpakita pa siya sa akin dahil baka maalala ko lang ang nakita ko kahapon. Pagod kong tinungo ang pintuan nang hindi pa rin tumitigil sa kakadoorbell ang taong yun. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang aking katawan na pagbuksan ang taong yun. Tulad ng inaasahan, hindi nga ako nagkamali ng hinala. Nakatayo si Tale sa harapan ko. Hindi tulad noon, masaya akong naririto si Tale pero iba ang sitwasyon ngayon. "What took you---" hindi niya na natapos ang kanyang sinasabi nang awtomatikong gumalaw ang aking katawan at pinagsarahan siya ng pinto. Ngunit naging mas mabilis siya sa pagkilos nang napigilan ng kanyang makisig na braso ang pagsara ko sana ng pinto. Wala akong nagawa nang walang hirap niyang nabuksan ito. Napaatras na lang ako nang masilayan ang nakadikit niyang kilay dahil sa pagtataka.  "f**k! What's wrong with you, Mark?!" galit ang ekspresyon ng kanyang mukha.  Tuluyan siyang nakalapit sa akin at nahawakan ako sa pareho kong braso. Kusa akong napatingala upang masilayan ang unti-unti nang umaamo niyang mukha. "Hey! Is there something wrong? You're crying." para akong hinihele sa lambing ng kanyang boses. Napapikit ako ng aking mata nang maramdaman ang mainit niyang kamay na pinalis ang luha ko sa aking pisngi. Bahagyang gumaan ang aking pakiramdam nang halikan niya ako sa aking pisngi. Kalaunan ay lumipat ang kanyang braso paikot sa aking katawan upang yakapin ako. Naihilig ko ang aking ulo sa kanyang kaliwang dibdib. Nakatapat ang aking tenga sa tapat ng kanyang puso dahilan para madinig ko ang bawat pagpintig nito. "I'm sorry if I didn't answer your calls last night." kumalas siya sa pagkakayakap at nagaalalang tinitigan ako. Dumako ang malaki niyang kamay sa aking pisngi at  marahang hinaplos ng kanyang daliri ang aking pisngi. " I was worried about you when I saw your missed calls this afternoon. I'm sorry kung hindi ako agad nakapunta." mapait ang aking ngiti na iginawad sa kanya.  "What's wrong, Mark? Why are crying? Pinagalitan ka ba ng amo mo? Tinanggal ka ba niya sa trabaho?" tanging mabibilis lamang na iling ang aking sinagot sa kanya. Sana nga ganun lang ang dahilan ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon? Gusto ko siyang tanungin tungkol sa nakita ko. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang babaeng kasama niya kahapon? Gustong-gusto kong aminin sa kanya na kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya. Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat. "Then what is it?" Bago pa man ako makasagot sa tanong niya ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa labi ko. Napapikit ako at pilit na dinadama ang paggalaw ng kanyang labi sa akin ngunit tila naupos na ata ang apoy sa aking katawan nang hindi ko magawang lasapin ang halik niyang yun. Yung dati kong nararamdaman na saya at sarap ay parang apoy na biglang naupos na lang. Hindi ko magawang tumugon sa halik niya yun kaya naman ay pinili ko na lamang na ilayo sa kanya ang aking katawan. Nagtataka siyang muli na napatitig sa akin. "Itigil na natin 'to." Parang may bigik na bumara sa aking lalamunan matapos kong sambitin ang mga katagang yun.  "W-what do you mean?" "Itigil na natin kung anong namamagitan sa ating dalawa. Itong ginagawa natin." Nadinig ko ang pagak niyang pagtawa. Nasulyapan ko rin ang pagtangis ng kanyang panga nang saglit niyang ibaling ang kanyang ulo patagilid sa akin. "Wala tayong dapat tapusin, Mark." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD