Ianah's POV "Ianah gising!" napamulat ako ng mga mata nang marinig ang tawag ni Water. "Gising na ako." mahina kong sabi sabay napahikab. Kinuha ko ang tali sa tabi ng kama ko sabay tinali paitaas ang buhok ko. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. "Tada!" napatigil ako sa paglakad palabas ng banyo dahil sa biglang pagpasok ni Water habang may dala siyang damit na kulay berde. "A-Ano to?" takang tanong ko at kinuha ang damit na inabot niya saakin. 3/4 ang sleeves ng pang-itaas na kulay berde, v-neck, at may mga disensyo na kulay kayumanggi. May kasamang palda din na kulay berde. Tiningnan ko ang sa ilalim nito at nakitang may short sa loob na kulay brown. "Bagong disenyo ni Binibining Pasenyo. Don't worry libre yan. " ngiti niyang sabi na kinakamot ko sa ulo. Libre? pangalawang b

