bc

Godderna's Kingdom

book_age12+
1.2K
FOLLOW
3.4K
READ
sweet
bxg
mage
magical world
another world
superpower
special ability
school
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Matagal ng hinahanap ni Ianah ang kanyang mga magulang. Wala siyang ideya kung saan sila hahanapin dahil hindi nito sila kilala. Ngunit, kahit ganon parin ay hindi siya sumuko hanggang sa bigla siyang napunta sa kakaibang mundo. Mundong napapalibutan ng mahika at ang mga tao dito ay hindi ordinaryo.

Ano ang ginagawa niya sa mundong ito?

Bakit siya napunta dito?

Sinadya ba ang pagdating niya o ano?

Kung gusto niyong malaman ay basahin na ang Godderna's Kingdom! :>

Written by: black_whiskers

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Gusto mo bang maalala ang iyong nawawalang memorya?" napatingin ako sa matanda na lagi akong kinakausap tuwing napapadaan ako sa lugar na ito kung saan ay nagbebenta siya dito ng kung ano-anong mga paninda. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa nawawalang memorya ko. Siguro ay hindi ko na namamalayan na nabanggit ko ang tungkol dito tuwing kinakausap niya ako. "Opo." sagot ko habang pinagmamasdan ang pulseras na isa sa mga paninda niya. "Mamayang gabi ay may bulalakaw at pumunta ka kung saan ito babagsak." sabi niya bago ko inabot ang bayad ng binili kong pulseras. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo na may bulalakaw o pinagt-tripan lang ako. Kung sakali mang totoo ay hindi ako pupunta kung saan ito babagsak. Ano ba naman kasi ang koneksyon nito sa kagustuhan kong maalala ang memorya ko ng kabataan ko? Umuwi na lang ako sa bahay. Pagdating ko ay nilibot ko ang maliit kong tahanan. Ang bahay na ito ay pagmamay-ari ni Lola na pumanaw na. Siya ang kumupkop sa akin. Lumaki akong hindi kilala kung sino ang mga magulang ko. Kaya gusto kong maalala ang memorya ko dahil baka ay mahanap ko sila. + Napadungaw ako sa maliit kong bintana at tinanaw ang kalangitan. Maya-maya ay nagsawa din ako. Ang mas mabuti pa ay matulog na lang ako. Isasara ko na sana ang bintana nang matanaw ko ang bulalakaw na biglang dumaan at bumagsak malapit lang dito. Hindi ko alam kung bakit ako lumabas ng bahay at pumunta kung saan ito bumagsak. Totoo nga ang sinabi ni Lola na may dadaang bulalakaw ngayong gabi. Paano niya nalaman? Narinig niya sa balita? Wala naman kasi akong T.V. Gusto kong tumigil sa paghakbang papunta sa dereksyon ng binagsakan ng bulalakaw dahil hindi ko alam ang aabutin ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Paano kong may mangyaring masama sa akin pagdating ko? Pero sabi ni Lola ay lumapit ako kung saan ito babagsak. Bahala na nga! Pagdating ko ay sumalubong sa akin ang malaking abo dahilan kung bakit ako naubo. "Ano ba naman ito!" reklamo ko at tinakpan ang ilong ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay nawala din ang abo. Ang bilis. Lumapit na ako ng tuluyan sa bulalakaw. Nagulat ako nang makitang isa itong malaking bato na kulay pula. What the.. Sobrang laki ng bato at wala ako makitang sira dito. Wala man lang biyak o kunting gasgas. Bumagsak ba talaga ito? Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang tinaas ang kamay ko kung saan ay suot ko dito ang pulseras na binili ko kay Lola kanina. Anong me'ron? Umilaw ang pulseras ng kulay berde dahilan kung bakit napapikit ako ng mga mata at sa aking pagmulat ay laking gulat ko nang makita ang paligid. "A-Anong klasing lugar ito?" ~~~ This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. P L A G I A R I S M is a crime! DATE STARTED: 02-25-2017 DATE ENDED: 06-06-2020 Follow me and my stories!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.1K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook