Chapter 1

2254 Words
Ianah's POV Nilibot ko ang tingin ko nang mapansin na nagbago bigla ang paligid ko. Nasaan ako? Bakit ako napunta dito? Malalaking puno lang ang nakikita ko. Para akong nasa gubat ngayon. Madilim ang paligid dahil gabi na. Buti na lang ay maliwanag ang buwan. Ang natatandaan ko kanina ay lumabas ako ng bahay pagkatapos ay may bulalakaw.. Napatingin ako sa pulseras na binili ko kanina kay Lola. Biglang umilaw ang pulseras nung lumapit ako sa bulalakaw pagkatapos ay napunta ako sa lugar na ito. Paano nangyari ‘yon? Nananaginip ba ako? Pero bakit parang totoo ang nakikita ko at ramdam ko ang init sa katawan ko. Muli kong nilibot ang tingin ko para hanapin ang bulalakaw. Baka hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa bahay. Wala namang katabing gubat ang bahay ko. Kahit malayo ako sa ibang mga bahay ay hindi ko pa nakita ang lugar na ito. Para akong nasa ibang lugar ngayon. Niyakap ko ang mga braso ko nang humihip ang malamig na hangin. Sobrang lamig dito dahil sa malalaking puno. Hindi ko na nga maramdaman ngayon ang init ng katawan ko dahil sa lamig. Kung magtatagal pa ako dito ay baka mamatay ako sa lamig. Kasalanan ko kung bakit ako napunta rito. Kung hindi ko lang sana sinundan ang bulalakaw ay kanina pa ako natutulog ngayon sa bahay. "Anong ginagawa mo dito?" muntik na akong mapatalon nang marinig ang boses na nanggaling sa likuran ko. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Wag sanang adik ang taong to. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kung masamang tao nga siya. "Hey..” hahakbang na sana ako para tumakas nang mabilis niyang hinuli ang kamay ko pagkatapos ay hinarap sa kanya. Bumungad saakin ang hitsura ng lalake na may puting buhok at kulay abong mga mata. May matangos na ilong at malarosas na labi. Biglang nainggit ang kulay ng balat ko nang makita ang kaputian niya. Lalake ba siya? Bakit parang mukha pa siyang babae kaysa sa akin? "Uulitin ko sino ka?" tanong niya sa akin at binitawan ang hawak niyang kamay ko. Hindi naman yata siya babae dahil sa malalim niyang boses. "Ianah." sagot ko na kinakunot niya ng noo. May mali ba sa sinagot ko? Sinagot ko naman ang tanong niya kung sino ako. "Anong ginagawa mo dito? alam mo bang mahigpit na i***********l na huwag lumabas ng Godderna dahil maaaring may mangyaring masama sayo!" galit na sabi niya. Ako naman ang napakunot ng noo. Godderna? Mahigpit? Ehhh?! Bakit bawal lumabas? May curfew na ba sa amin? Bakit hindi ako na inform? Wala naman akong narinig na may ganitong batas ang baranggay namin at kailan pa naging Godderna ang lugar namin? Nasa kabilang baranggay ba ako? Pero wala naman akong narinig na ganitong pangalan na baranggay sa probinsya. "A-Anong ibig mong sabihin? Anong Godderna?" takang tanong ko at umatras palayo sa kanya. Baka ay adik nga siya. Kahit pa na may pagkakoreano ang hitsura niya ay dapat akong mag-ingat. Malay ko ba na uso ngayon ang mga gwapong adik. "Godderna. Ang lugar kung saan ako nakatira. Sa lugar na yon." sagot niya sabay turo sa isang lugar na hindi ko maklaro dahil gabi na at sobrang layo nito. Baka nasa kabilang baranggay talaga kami dahil hindi sa akin pamilyar ang tinuro niya. Ang lawak naman yata ng baranggay na to at unique pa ang pangalan, Godderna haha. Nagawa ko pang tumawa. Natatakot na akooo.. "Huwag mong sabihin na hindi ka galing sa Godderna?" tanong niya at tinitigan ako habang parang inoobserbahan ako. Napalunok ako ng laway. Hindi ba pwedeng tumapak sa baranggay nila? Sacred ba ito? Napatango na lang ako sa kanya dahil naiilang na ako sa tingin niya. Para akong may ginawang kasalanan kung makatingin. Hindi ko naman kasi sinadyang mapunta sa baranggay nila. "Maaari mo bang ikwento kung ano ang ginagawa mo dito sa gubat na ito at kung saan ka galing?" takang tanong niya habang may kunot parin sa noo. Mas mabuting sabihin ko na ang totoo bago pa ako makulong dahil sa ginawa kong trespassing kahit wala akong ideya kung paano ako napunta dito. "Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ang natatandaan ko ay sinundan ko kung saan bumagsak ang bulalakaw. Hindi ko alam kung bakit parang may puwersang humila sa pulseras ko palapit sa batong bumagsak pagkatapos ay biglang umilaw ito at napunta sa lugar na ito. Alam kong mahirap paniwalaan dahil malabo namang mangyari yon hindi ba? Pero nagsasabi ako ng totoo. Mapati ako ay hindi makapaniwala sa nangyari. Parang magic na bigla akong napunta sa baranggay niyo. Kaya wag mo sana akong kasuhan kung bawal na may tumapak sa sacred place niyo pleasee..." pagmamakaawa ko na kinakunot lang niya lalo ng noo. Malamang hindi niya paniniwalaan ang mga sinabi ko. Sino ba naman kasi ang maniniwala na dahil sa batong iyon isama pa ang pulseras ko kaya ako napunta ako sa lugar nila. Bata lang yata ang maniniwala sa kwentong iyan. "Bulalakaw? Pulseras? Baranggay? S-Sacred p-place? Yung totoo, saan ka galing? Ano ang ginagawa mo dito?" kunot-noong mga tanong niya. Hah? Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko? Pati barangay ay hindi niya alam? Bakit parang bago lang sa pandinig niya ang mga salitang binitawan ko? "Baranggay yung tawag sa lugar niyo at galing ako sa kabilang baranggay. Baranggay Lala!" sagot ko. Mukhang alam naman niya yata ang pangalan ng baranggay namin. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo pero may ideya na ako kung saan ka galing. Galing ka sa mundong iyon." seryosong sabi niya na kinataka ko. Mundo? Nasa ibang mundo ba ako? Anong pinagsasabi niya? "Paanong nakapunta ang katulad mo dito? Bulalakaw?" mahinang bulong niya na dinig ko naman. Pati nga ako ay hindi makapaniwala kung paano nga ako napunta dito. Binigyan niya ako ng tingin na para bang hindi ako welcome sa lugar nila. Alam ko naman yon kaya bakit hindi pa siya gumagawa ng paraan para tulungan ako na makabalik! "Tulungan mo nalang ako bumalik sa baranggay namin pleaseeeee.." sabi ko na hindi niya pinansin. Aba ah! "Sumama ka sa akin. kailangan itong malaman ng nakakataas." nakakataas? What? Pulis ba ibig sabihin niya o Kapitan ng barangaay nila? Anong nakakataas? Ikukulong ba niya ako? Nooooo hindi pwede! Ngunit... Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay biglang tumigil nang makita siyang.. "Teka! b-bakit ka lumulutang?!" gulat kong tanong habang nakaturo sa kanya na ngayon ay lumulutang talaga sa ere! What the— Bumuntong hininga siya at nilahad bigla ang kamay niya sa akin. "Hawakan mo ko." Tumingin ako sa kamay niya at sa mga paa niyang lumulutang. Nananaginip ba ako? "Tss" "AHHHHHH!" napasigaw ako nang mabilis niyang hinila ang kamay ko pagkatapos ay lumutang din kasama siya. NANANAGINIP NGA AKO! "Kung iniisip mong nananaginip ka ngayon ay mali ka. Hindi ko alam kung paano ka napunta dito sa pamamagitan ng tinutukoy mong bulalakaw dahil wala naman kaming iniiwan na pintuan sa mundo niyo papunta dito. Maliban lang kung may nagturo sayo at may gamit kang pwedeng magbukas sa pintuan ng Klieross” sabi niya sabay tingin sa pulseras ko. Hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi niya. Ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo itong nangyayari na lumilipad kami? Si Lola ba ang tinutukoy niyang nagturo sa akin? Ngunit wala naman binanggit sa akin si Lola na mapupunta ako sa ibang mundo dahil sa bulalakaw na yon at gamit? Itong pulseras na binili ko kay Lola? Nalilito na ako! "I-Ibig sabihin ay wala ako ngayon sa Earth? Walang baranggay? Paano?" takang mga tanong ko sa kanya. "Kung ano ang sinabi ko ay yon na yon. Wag ka na magtanong. Nakakapagod magpaliwanag sa katulad mong walang alam." masungit niyang sabi na kinairap ko. Aba malamang! Kaya nga ako nagtatanong dahil wala akong alam at kailangan ko ng mahabang paliwanag dahil sasakit ang ulo ko kakaisip! Panaginip lang ang lahat, hindi ba? Kinurot ko ng malakas ang pisngi ko."Aray!" daing ko ng maramdaman ang sakit. Hindi ako nananaginip! "Tss. Alam kong mahirap paniwalaan pero ang mundong ito ay iba sa mundong pinanggalingan mo." biglang sabi niya. Iba sa mundong pinanggalingan ko? Anong klasing mundo ba ito? Biglang kong naalala na lumilipad kami ngayon habang hawak niya ang kaliwang kamay ko. Nakakalipad… “May magic dito?!” gulat kong tanong nang mapagtanto na wala namang nakakalipad na tao maliban lang sa mga palabas na may kinalaman sa magic, magic na gawa-gawa lang. Pero sa mundong ito ay.. “Napapalibutan ng mahika ang mundong ito.” walang buhay niyang sabi. Paano niya nalaman ang nasa isipan ko? Nakakabasa ba siya ng isipan? Mind Reader? “Wala akong kakayahang magbasa ng isipan ng tao. Masyadong halata sa mukha mo kung ano ang tumatakbo sa isipan mo” Ganon na ba talaga ako kahalaga? Pero wait Ianah- MAY MAHIKA NGA DITO! Halaa bat bigla akong na excite?? “Nandito na tayo.” napatigil ako sa iniisip ko nang sabihin niya ito. Namangha naman ako nang makita ang binabaan namin. Malawak na ground habang napapalibutan ng mga nakalutang na parang ilaw. Walang duda. May mahika nga sa mundong ito. Tuloy-tuloy ang mangha ko hanggang sa napatigil ako sa paglibot ng tingin dahil sa babaeng papalapit sa amin ngayon. "Air!" malakas niyang tawag. Tulad ng lalakeng katabi ko ngayon ay kakaiba din ang kulay ng mga mata at buhok ng babaeng ito. Kulay asul. "Magandang gabi" bati niya nang mabaling ang tingin niya sa akin. Hah? “Sino siya?” tanong sa katabi ko. "Kausapin mo siya." muntik ng mahulog ang panga ko nang sabihin ito ng katabi ko pagkatapos ay tinalikuran kaming dalawa. Ehh? Iiwan niya ako pagkatapos niya akong dalhin dito? "Hayaan mo na siya.” ngiting sabi ng babae sabay napakamot sa leeg na para bang hindi din siya makapaniwala sa ginawa ng lalake. Tumango na lang ako sa kanya. Mukhang mabait naman siya kaya ayos na din na siya ang makasama ko kaysa sa masungit na lalakeng yon. Mas matutulungan pa yata niya ako kung paano ako makakabalik sa mundo ko. “Water pala pangalan ko.” pakilala niya sabay lahad ng kamay niya para makipag-kamay. Water? Diba tinawag din niyang Air kanina ang lalakeng yon? Tinanggap ko ang kamay niya kahit na naw-weirdan ako sa mga pangalan nila. "Ianah" “Nice name. So, ano ang ginagawa mo dito Ianah? Bakit iba ang kasuotan mo? Saan ka galing? Bakit magkasama kayo ni Air?” sunod-sunod niyang mga tanong. Napatingin ako sa kasuotan niya na hindi ko alam kung anong klasing fashion ba ito. Ang dami ng disenyo at ang style nito ay kakaiba. Hindi ito katulad sa normal na kasuotan. Hindi naman magara pero ang tela ay parang gawa sa hindi ko matukoy. Ano ba ‘to ang hirap i-describe! Pinaliwanag ko na lang sa kanya ang kaninang sinabi ko kay Air kung paano ako napunta sa mundo nila hanggang sa dinala ako ni Air dito. "Ibig sabihin ay galing ka sa mundo ng mga ordinaryong mga tao!” masayang sabi niya. Ordinaryong mga tao? Yon ba ang tawag nila sa amin? "Ah..eh..Oo?" patanong kong sagot. “Makukulong ba ako sa ginawa kong trespassing sa mundo niyo? O sa lugar niyo?” hindi ko naman kasi alam kung saan sa dalawa ang hindi ko pwedeng puntahan na maaaring matawag akong trespassing. “No. Sinong may sabi sayo niyan?” takang tanong niya na kinahinga ko ng maluwag. Nagsinungaling sa akin ang lalaking yon! “Si Air. Ang sabi niya ay dadalhin pa niya ako sa nakakataas” sagot ko sa tanong niya. “Ahh sa mga Heads. Hindi na kailangang iyon. Kami nalang ang magsasabi sa kanila kung paano ka napunta dito” Heads? Sila ba yung nakakataas? “Then..kailan ako pwedeng bumalik sa mundo ko?” tanong ko sa kanya kahit sa totoo ay may nagtutulak sa akin na wag na munang bumalik sa mundong pinanggalingan ko dahil gusto kong pag aralan ang mundong ito. Sino ba naman ang gustong umuwi nang matuklasan na may ganitong klasing mundo. Mundong napapalibutan ng mahika.. “Bakit ka babalik? Gusto mo bang bumalik?” takang tanong niya. Pwede bang hindi? “You can live here Ianah. Hindi coincidence ang pagdating mo dito at alam kong alam mo yon” seryosong sabi niya habang deretso siyang nakatingin sa akin. Bigla namang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Tumango ako sa kanya.. Yeah, ramdam kong hindi coincidence ang pagdating ko dito. "Halika pumunta na tayo sa taong makakapagsabi kung bakit ka nandito." hinawakan niya ako sa kamay at mabilis siyang naglakad na siyang kinabigla ko dahil nasasabayan ko siya. Ganito ba talaga sila maglakad na parang tumatakbo na? Ibang klase talaga ang nagagawa ng mahika! Tumigil kami sa harapan ng maliit na bahay. Hindi sa nagmamaliit pero sobrang liit ng bahay na parang isang tao lang ang pwedeng magkasya dito. Kumatok na si Water sa pintuan na mabilis namang nabuksan. "Water!" isang matandang babae ang bumungad sa amin. Nabigla ako nang makita ang loob ng bahay nang papasukin kami ng nagbukas sa amin. Kung gaano kaliit ang panlabas na anyo ng bahay na ito ay limampung beses na dami ang lawak ng loob. Mahika nga! "Ano ang ginagawa mo dito? At sino itong kasama mong magandang dalaga?" tanong niya habang may ngiti sa mukha. Naramdaman ko naman na nag-init ang magkabilang pisngi ko sa tinawag niya saakin. Bago pa makasagot si Water ay nagsalita muli si Lola habang nakatingin na sa pulseras na suot ko. "Mukhang alam ko na." sabi niya dahilan kung bakit kami nagkatinginan ni Water.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD