Ianah's POV
"Maupo muna kayo." sabi ni lola na kinaupo namin.
Hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa loob ng bahay niya. Napakalawak at sobrang ganda ng loob.
"Sino siya Water?" tanong ko kay Water habang nililibot parin ang tingin ko sa loob.
Maganda ang mga desenyong nakadikit sa pader na aakalain mong totoo ngunit isa lang itong pangkaraniwan na gawa.
Ganito ba talaga ang nagagawa ng mahika? Nakakamangha.
"Siya si Ms.Verna ang may kayang basahin ang hinaharap ng isang tao, hayop o ano man. May kakayahan din siyang malaman ang pagkatao ng tao kaya hindi na ako nabigla na agad ka niyang nakilala sa pamamagitan ng isang bagay na meron ka." sagot niya.
Ang galing naman ng kapangyarihan niya pero kilala na nga ba niya ako?
Napahawak ako sa pulseras na suot ko. Ano nga ba ang koneksyon ng pulseras na meron ako kaya napunta ako dito? Panigurado ang pulseras na sout ko ang bagay na tinutukoy ni Water na nagbigay daan kay Ms.Verna para matukoy kung sino ako.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa pulseras na suot ko. Binili ko lang ito kay Lolo kaninang umaga tapos ay kung ano-ano na ang nangyari sa akin. Ang alam ko lang ay nagpapasalamat ako sa bagay na ito kung sakali mang ito nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sa pagdating ko sa mundong ito. Dahil dito ay natuklasan ko ang mundong ito.
"Pasensya na kung natagalan ako." nakangiting sabi ni Ms.Verna habang may dalang trey na pinaglalagyan ng kakaibang inumin.
Hindi naman ganon katanda si Ms.Verna para tawagin kong lola e. Hindi ko naman kasi alam ang itatawag sa kanya kanina nong hindi ko alam ang pangalan niya kaya Lola nalang.
"Nag-abala pa kayo Ms.Verna." sabi ni Water.
"Ang bisita natin ay dapat paghandaan." sabi naman niya kay Water dahilan kung bakit nagtaka ito mapati ako ay nagtaka nadin. Eh?
"Ms.Verna, Olipse juice ang iyong hinandang inumin. Bakit?" takang tanong ni Water habang nakatingin sa juice.
Ngumiti lang saamin si Ms.Verna.
Anong meron sa juice kaya ganito nalang nabigla si Water?
"Karapat dapat na ito ang ihanda ko." sagot niya habang nakangiti saakin.
Napatingin naman saakin si Water habang nanlalaki ang mga mata niya. Okay?? May mali ba sa mukha ko? May nasabi ba ako? Pero kanina pa ako nananahimik dito at sila lang ang nag-uusap hah?
"Wag niyong sabihin na isa siyang-"
"Hindi pa ako sigurado" putol ni Ms.Verna sa sasabihin ni Water.
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong naman ni Water.
"Earth" bigkas ni Ms.Verna sa pangalan ng planeta kung saan ako galing.
Anong meron sa planetang Earth?
Pababalikin na ba nila ako?
"D-Don't tell me..."
"Isa siyang earth controller." seryosong sabi ni Ms.Verna dahilan kung bakit napanganga si Water.
Sumobra naman yata ang reaksyon niya.
Ano ba ang meron sa earth? Oo galing ako sa earth pero parang hindi naman ang planeta ang tinutukoy nila.
"Hindi ako sigurado kung siya ang Behr o ang.." pabitin na sabi ni Ms.Verna.
Behr? Ano yon?
Sila lang yata ang nagkakaintindihan kaya bakit nandito pa ako?
Kung gusto nila akong pabalikin ay gagawin ko naman e.
"Bakit niyo po nasabi?" tanong ni Water habang may gulat parin sa kanyang mukha.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang umiinom ng juice kahit na wala naman talaga akong maintindihan sa pinag-uusapan nila.
"Hindi ko masyadong masabi dahil may humaharang sa kanyang mahika para hindi ko mabasa ang buong pagkatao niya. Isa pa... dalawa ang nakikita ko. Ewan basta nakakalito pero nakakasiguro ako na Earth ang kanyang kakayahan." sagot ni Ms.Verna.
"Kung ganon ay kailangan itong malaman ng nakakataas!" sabi ni Water at tumayo.
Nakakataas? Yung mga Heads? Ipapakulong na ba nila ako pero bakittt?
"Halika Ianah! Sumama ka saakin." sabi niya at mabilis na tumayo.
Nataranta naman akong tumayo at sumunod sa kanya palabas. Nagbigay muna ako kay Ms.Verna ng tango na kinangiti naman niya bago ako tuluyang lumabas.
Saan kami pupunta?
Sa mga heads ba? Ipapakulong ba niya ako?
Ano ba kasi yung earth controller at Behr?
"Ano yung kailangang malaman ng nakakataas Water? May mali ba saakin? Ibabalik na ba ninyo ako sa mundong pinanggalingan ko o ano?" kabang mga tanong ko kay Water.
Umiling saakin si Water sabay nagpakawala ng malawak na ngiti."Masaya akong nakita kana namin." napahinga naman ako ng maluwag. Buti naman kung ganon. Akala ko ano na pero anong meron saakin?
Napatingin ako sa paligid at nabigla ako nang makitang nag-iiba ang hugis ng mga halaman na nadadaanan namin.
Mas lalong gumaganda at kumikinang ang mga ito!
Mahika nga naman.
Habang palayo kami ng palayo sa paglalakad ay dahan-dahan kong natatanaw ang malaking gusali sa harapan hanggang sa nakalapit na kami ng tuluyan.
"Nandito na tayo" mahinang sabi ni Water.
Isang palasyo! Oo palasyo ang nasa harapan namin!
Bahay ba to ng Hari at Reyna?
Hindi na ako nagtaka kung bakit may palasyo dito dahil sa simula palang ay kagulat gulat na ang mga natutuklasan ko sa mundong ito. Simula sa mahika hanggang dito sa palasyo at alam kong maraming pang bagay na magpapamangha saakin.
"Let's go." aniya at sinubukan niyang buksan ang pinto o mas tawaging napakalaking gate!
"Welcome to Godderna's Kingdom! Ang palasyo kung saan ay dito nakatira ang mga Gods at Goddesses noon" ngiting sabi ni Water pagkabukas ng gate.
Tuluyang nahulog ang panga ko nang makita ang loob. Lahat kumikinang na para bang yari sa gold ang palasyong to!
Biglang lumiit ang tingin ko sa sarili ko habang nasa loob ng palasyo.
Karapat dapat bang nandito ang katulad ko?
"Ano yung sinabi mo na dito nakatira ang mga Gods at Goddesses noon?" tanong ko sa kanya nang mapagtanto ang huling sinabi niya.
May mga gods at goddesses din pala dito. Pareho din kaya sa mundong pinanggalingan ko ang mga tinutukoy niyang mga Diyos?
Nagsimula muli siya sa paglalakad na sinusundan ko naman.
"Ang mundong ito ay tinatawag na Klieross Uno. Hindi nage-exist ang mundong ito sa mundo niyo pero ang mundo niyo ay nag e-exist saamin. Wag ka sanang malito" sabi niya na kinatango ko.
"Ang mundong Klieross Uno ay iba sa lahat ng mundo. Napapalibutan ito ng mga mahika tulad ng mga nasaksihan mo. Ang lugar namin na kung saan ay tinawag na Godderna ay dito unang nanirhan ang mga gods at goddesses bago sa kalangitan.
Kasamang naninirhan dito ng mga diyos ang unang pinuno ng Kingdom na ito na si Erna. Kaya tinawag itong Godderna. Ngunit simula nang mamatay ang Hari ay sa kalangitan na namamalagi ang mga diyos at hindi kailan man sila tumapak muli dito."
"Bakit?"
"Sapagkat doon naman talaga ang tirahan nila at hindi dito" sabagay.
"Hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung totoo ba ang mga natutuklasan ko ngayon dahil hindi kailan man ako nakakita ng mahika isama pa na may mga diyos din palang nanirhan dito samantalang sa palabas ko lamang nalaman ang mga tungkol dito na pinaniniwalaan naming hindi makatotohanan" sabi ko sa kanya habang nililibot parin ang tingin ko sa loob.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Water dahil patuloy lang siya sa paglalakad na sinusundan ko naman.
"Naiintindihan kita. Kung ako din ang nasa sitwasyon mo ay talagang magtataka ako. Ang tungkol naman sa mga napanood mo ay wala namang pinagkaiba dito ngunit sumobra lang ng kunti." napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Paano mo nalaman ang tungkol dito? Nakapunta kana sa mundo namin?" takang tanong ko sa kanya.
"Yeah haha. Minsan ay nakakapunta ako don dahil sa misyon." ngiting sagot niya.
Misyon? Anong klasing misyon?
"Maganda din doon diba? Ngunit mas maganda parin sa mundong ito dahil na din sa mahika haha. Mukhang malayang mong nagagawa dito ang mga gusto mong gawin, samantala sa mundo ko ay maraming humahadlang, isa na dito ang salapi" mapait kong sabi.
Kahit kailan ay hindi naging maganda ang takbo ng buhay ko dahil narin sa kakulangan ng pera. Hindi kailan man kami nakaranas ng kuryente. Kandila at ang tubig galing sa ilog ang inaasahan namin. Ang pagkain naman namin ay umaasa kami sa mga pananim naming maliit na palayan at mga gulay.
Ganon pa man ay nagawa akong pag-aralin ni Lola dahil sa ipon niya pero natigil din ako nang pumanaw na siya kaya hindi ko na alam kung ano ang magiging takbo ng buhay ko sa mundong yon.
I want to live here. Gusto kong takasan ang naghihintay saakin sa mundong iyon.
"Kung ganon. Ngayong nasa mundo ka namin ay magagawa muna ang mga gusto mong gawin dahil ang tinutukoy mong salapi ay madaling makuha dito at gusto kong sabihin sayo na sobrang liit ng bagay na iyan dito dahil tulad ng sabi mo ay malayang nagagawa ng tao ang kagustuhan nila basta mabubuting bagay lamang. Libreng pag-aaral o ano pa ay mararanasan mo dito" Nakangiti parin niyang sabi na kinangiti ko din pabalik.
"What are you doing here?" napatigil kami ni Water nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nakaharap kasi saakin ngayon si Water.
Bigla akong kinilabutan nang maramdaman ang presensya niya. Sobrang lakas ng dala niya.
Dahan-dahan kong binaling ang tingin sa kanya at muntik na akong mapatalon nang makita ang masama niyang tingin pero agad niyang iniwas ang mga mata niya nang muntik ng magtama ang mga mata namin. Weird.
Tulad nina Water at ni Air ay iba din ang kulay ng buhok niya at mga mata. Kulay pula.
"G-God of Fire!" malakas na tawag sa kanya ni Water na kinalaki ng mga mata ko.
God?
God ang lalaking to?!