Chapter 3

2049 Words
Ianah's POV Nakatayo lang ako sa gilid habang nasa harapan ko ang dalawa. Hindi ko naman masisisi ang God na kausap ni Water na hindi magalit dahil pinapasok ako ni Water dito. Sino ba naman kasi ako para papasukin dito? Napaka scared ng place na to para lang matapakan ko. "Alam mo naman Water na bawal magpapasok dito ng ibang Berna." sabi niya kay Water habang may galit na tuno. Mukhang mapapagalitan pa si Water dahil saakin. Bakit ba kasi ako dinala ni Water dito kung alam niyang mapapagalitan siya? Mukhang masyado siyang na excite dahil sa pagdating ko sa mundong ito kaya mapati ang sacred place dito ay hindi na niya naiwasang ipakita saakin. "Alam ko God of fire pero hindi lamang siya isang Berna dahil.." putol ni Water sa kanyang sagot. Hmm? Berna? Ano yon? "Dahil ano? Ilang beses ko ng sinabi sayo na huwag mo akong tawaging God of fire. You can call me on my name." sabi niya na medyo kumalma na ang tuno ng boses niya. Napatingin ako kay Water na nanatiling nakayuko na para bang nasa ibaba nito ang kanyang kausap. Kanina ko pa napapansin na iniiwas niya ang tingin niya kay God of fire. Masyado ba siyang natatakot dito kaya hindi niya magawang tumingin ng deretso sa kanya? "Pasensya na Flame." hinging paumanhin ni Water habang nakaiwas parin ng tingin kay Flame. Kung ganon ay Flame ang pangalan niya. Akala ko pa naman ay Fire tulad nina Water at Air. Medyo nagkakaroon na din ako ng ideya sa mga pangalan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay konektado ang mga pangalan nila sa mahikang tinataglay nila. Muli kong binigyan ng sulyap si Water na nakayuko parin dahilan kung bakit mas lalo akong nagtaka. Medyo nawala naman ang galit ni Flame kaya bakit natatakot parin siya? Anong meron sa mga mata ni Flame kaya hindi niya kayang tumingin ng deretso dito? Dahil sa masyadong akong curious na tao ay tiningnan ko ng deretso sa mga mata si Flame. "Aray!" napadaing ako nang biglang napaso ang mga mata ko at uminit ang loob nito. Ang sakit sobra. Parang nasusunog ang mga mata ko. Anong nangyayari? "Ahh!" nataranta na ako nang hindi kuna maimulat ang mga mata ko. Mas lalo lang humahapdi ang mga ito. "s**t! Hindi mo ba sinabi sakanya na hindi niya ako pwedeng tingnan sa mata Water!" dinig kong malakas na sabi ni Flame. A-Anong meron? Kaya ba nagkakaganito ang mga mata ko dahil sa tiningnan ko siya sa mga mata? Hindi ko alam. Wala na akong pakialam dito. Gusto ko lang mawala ang paghahapdi ng mga mata ko. "T-Tulong!" malakas kong sabi ng muli kong maramdaman na nasusunog ang mga ito. Oh God.. Ayaw ko na.. "Ohmy! Sorry Ianah. Anong gagawin natin?" dinig kong sabi ni Water at naramdaman ang kamay niyang humawak saakin. "T-Tulungan mo ako Water. N-Nasusunog ang mga mata ko!" naramdaman kong tumulo ang mga luha ko at sobrang init nito. "Ianah kaya mo bang imulat ang mga mata mo?" alalang tanong sa akin ni Water na dinig ko ang katarantaan ng boses niya. "H-hindi k-ko kaya..Water a-anong nangyayari? Bakit parang n-nasusunog ang mga m-mata ko?" "s**t! s**t! kailangan ko talagang kontrolin ang mga mata ko." dinig kong sabi ni Flame na natataranta na din. Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit hindi nila sabihin saakin at bakit ayaw nila akong tulungan? Hindi ba nila alam kung paano ito mawawala? Paano kong tuluyan akong mabulag? Hindi pwede! "Anong ginagawa mo dito Hero? Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi ka pwedeng pumunta dito!" Dinig kong sabi ni Flame sa bagong dating yata. Wala na. Matutunaw na ang mga mata ko. "Hero!" dinig ko pang tawag ni Flame sa taong pinapagalitan niya dahil sa pagpasok niya dito. Naramdaman kong may lumapit saakin pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang mata ko na nakapikit parin. Anong gagawin niya? "Ash je boshi wariu pelicis." mahinang sabi niya pagkatapos ay inalis niya ang kamay niya dahilan kung bakit napamulat na ako ng mga mata. Wala na akong nararamdamang sakit. Bumalik na sa normal ulit ang mga mata ko. Nakakakita ako ng malinaw. Hindi ako nabulag! "Ohgod Ianah. I'm sorry" naiiyak na sabi saakin ni Water na kinailing ko sa kanya. "Wala kang kasalanan" Napatingin ako sa paligid para hanapin ang taong tumulong saakin pero sina Water at Flame lang ang nakita kong tao dito at wala ng iba. Nasaan na siya? Bakit ang bilis naman yata niyang nawala? Hindi ako nakapagpasalamat. "Sinong hinahanap mo? Si Hero? Wala na siya. Bigla siyang umalis matapos ka niyang tulungan" sabi ni Water na ngayon ay tumigil sa pag-iyak. Wala naman kasi siyang kasalanan para maguilty sa nangyari sa mga mata ko. Kasalanan ko din naman kasi. Buti nalang ay walang nangyaring masama sa paningin ko. Akala ko ay matutunaw na talaga ang mga mata ko. Ayaw ko ng maramdaman ulit ang nangyari. Masyadong nakakatakot. Salamat talaga dahil dumating ang taong yon. Kung hindi dahil sa kanya ay baka kung ano na ang nangyari sa mga mata ko. "Tsk. Kailangan ko ang paliwanag mo ngayon Water dahil kailangan ko pang pagalitan ang isang yon." sabi ni Flame na bumalik na ang galit niya. Hindi manlang niya tinanong kong ayos na ba ang mga mata ko tss. Alam kong kasalanan ko din naman ang nangyari dahil tulad ng narinig ko sa kanila ay hindi makontrol ni Flame ang mga mata niya kaya sa tuwing tumatama ang mata sa kanya ng iba ay nakakaramdam sila ng epekto ng kapangyarihan niya kaya ganon nalang ang naramdaman ko na parang nasusunog ang mga mata ko. Wala naman kasi akong alam na ganon ang mangyayari. Wala akong ideya sa mga mata niya kaya inosente din ako. "Nanggaling siya sa mundo ng mga tao. Napunta siya dito dahil.." Putol niyang sabi na kinairita ng mukha ni Flame. Sino ba naman kasi ang hindi maiirita? Ang hilig putulin ni Water ang sinasabi niya. "Isa siyang Earth controller pero hindi masabi ng Mama ni Hero kung siya ba ang Behr o ang isa." tuloy niya dahilan kung bakit natigilan si Flame. Nabaling ang tingin niya saakin na kinaiwas ko naman ng tingin. Kailangan ko ng mag-ingat na hindi tumama ang mga mata niya saakin baka sa sunod ay tuluyan na akong mabulag. "W-What? Nagsasabi ka ba ng totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Flame na kinangiti ni Water. "Yes Flame. Kaya pwede siyang pumunta dito hindi ba?" tanong ni Water na kinatahimik ni Flame habang ramdam ko parin na nakatingin siya saakin. Ano bang meron? Wala parin akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. "I think it's a yes?" tanong na sabi ni Water. "Hmm" huling dinig ko kay Flame bago ko marinig ang mga hakbang niya paalis. Umalis na siya? Hindi na niya kami pagagalitan ni Water? Tama ba ang dinig ko na pwede akong pumunta sa sacred place na to? "Umalis na siya Ianah. Ngayong pumayag na ang isa sa mga gods na pwede kang pumunta sa palasyong ito ay ibig sabihin non ay opisyal ka ng parte ng palasyong to! Siya na din ang bahalang magpapaliwanag ng tungkol sayo sa mga Heads kaya maaari ka ng tumira sa mundong ito Ianah!" masayang sabi ni Water na siyang kinangiti ko. Pwede na talaga akong tumira dito? Seryoso? Walang halong biro? Ahhh! Ang gaan sa pakiramdam! Sobraaa. Hindi ko alam na magiging welcome ako sa mundong ito. "Ano yung earth controller Water? Hindi ko kayo maintindihan" tanong ko sa kanya nang maalala ang tungkol dito. Anong meron sa earth controller kaya ako napayagan na manirhan dito? "Wait kailangan mo ng mahabang paliwanag kaya makinig ka sa sasabihin ko. This palace is for important persons only. Ibig sabihin ay tanging ang mga may matataas na trono lamang ang pwedeng pumasok dito tulad ng mga heads at ilang mga Bernas na pinagkakatiwalaan ng mga heads. Kasali na din dito ang mga diyos ng apat na elemento at ng mga Behr nila. Ang mga diyos na tinutukoy ko ay isa na dito si Flame, ang God of Fire. He's a real God but not the real one. Nakakalito ba? Ganito kasi yon. Kaya siya naging God dahil sa kanya napunta ang kalahating dugo ng God of Fire. Gods and Goddesses Maraming mga diyos at diyosa sa mundong ito ngunit may apat na diyos ang masyadong kinikilala sa Kingdom na ito. Ito ang Diyos ng Hangin, Lupa, Tubig at Apoy. Importante silang apat dahil binibigyan nila ng pagkakataon na gamitin ang kapangyarihan nila ng mga pinili nilang mga Bernas. Bernas Tawag sa mga taong nakatira dito sa Godderna. The chosen Gods and Goddesses Ang mga pinili nilang mga Bernas ay sila ang may kayang gamitin ang kapangyarihan ng apat. Sila din ay kilalang mga diyos at diyosa sa Kingdom na ito dahil may kalahati silang dugo ng diyos. Ang kalahating dugong iyon ay ang kapangyarihang binigay ng diyos sa kanila. Namamana sa mga magulang ang kapangyarihang ito. Kapag pinanganak na ang pinili ng diyos o ng diyosa ay mapapasa agad sa sanggol ang dugong ito at kusang manghihina ang dating may hawak nito hanggang sa tuluyang mawala ang kapangyarihan at maging ordinaryo lamang ang hawak na mahika. Ang mga piniling Bernas ang makakagamit ng kapangyarihan ng Diyos o ng Diyosang pumili sa kanila kasama ang kanilang mga Behr. Behr Ang Behr ay siyang tawag sa mga taong kayang gamitin din ang kapangyarihan ng diyos ngunit kalahati lang ang hawak nila dahil ang diyos parin nila ang may hawak ng kapangyarihan. Parehong hindi buo ang hawak ng piniling mga tao at ng kanilang mga Behr ngunit mas malakas parin ang mga piniling mga tao. Current Gods/Goddesses Si Flame ay siyang kasalukuyan na diyos ng apoy. Siya ang pinili ng God od Fire. Samantala ang Behr naman nito ay Kenneth. Makikilala mo din siya. Ang God of Air naman ay si Aiross. Tulad ni Flame ay siya din ang pinili ng God of Air. Si Air naman ang Behr niya. Tapos ako ay isang Behr ng God/Goddess of Water. Tama ka ng dinig Ianah. Hindi pa namin nahahanap ang diyos ng kapangyarihan ko. Ang natira naman ay ang Earth kung saan ay ito ang hawak mong kapangyarihan Ianah. Hindi namin alam kung saan ka sa dalawa pero isa kang earth controller Ianah, tulad ng sabi ni Ms.Verna. Kung isa kang Behr ay katulad mo ako na hindi pa nahahanap ang diyos ng kapangyarihan ko pero kung isa ka namang Goddess of Earth ay ang Behr mo ang hindi pa nahahanap. Saan natin sila makikita? Yon ang trabaho ng mga Heads. Maaaring hindi pa gising ang kapangyarihan nila kaya hanggang ngayon ay hinahanap parin sila. Ang mga Heads naman ay sila ang nagkokontrol sa Kingdom na ito. Sila ang nagbibigay ng mga utos at marami pang iba. Ngayon ay malinaw na ba sayo ang lahat o may kalituan ka pa?" mahabang paliwanag ni Water na hindi ko mapigilang mamangha. Sa haba ng sinabi niya ay hindi ko na matandaan kung saang banda ba ako nalito. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot. "Tss. Akala ko ay umalis na siya!" sabay na nabaling ang tingin namin kay Flame na biglang dumating sa kung saan habang inis na inis ang mukha niya. "Anong nangyari Flame?" tanong ni Water sa kanya. "That Hero! he's here again!" galit niyang sabi na kinailing ni Water. Mukhang palaging pumupunta dito si Hero hah? "Sino ba siya?" tanong ko. Siya yung kaninang tumulong saakin hindi ba? Kanina pa kasi binabanggit ni Flame ang pangalan niya. "Anak ni Ms.Verna. Ang sikat na magaling na healer sa Godderna. Healer din pala si Ms.Verna Ianah, nakalimutan kong sabihin haha" sagot ni Water na kinabigla ko ng kaunti. Anak siya ni Ms.Verna? Ibig sabihin ay wala siyang asawa pero isa din siyang healer? Grabe ang dami talagang hawak na kapangyarihan si Ms.Verna at anak pa talaga niya ang tumulong saakin kanina. Kailangan ko talagang magpasalamat sa kanilang dalawa. Kundi dahil kay Ms.Verna ay hindi matutuklasan na may kapangyarihan ako at sinadya ang pagdating ko sa mundong ito dahil dito ako nararapat. Nakakasiguro akong konektado ang nangyayari saakin ngayon sa nawala kong memorya noong kabataan ko. ~~~~ Lahat po ng mga salitang nabasa niyo na bago sa inyong pandinig ay gawa gawa ko lang tulad ng Bernas, Behr at pati ang magic spell na sinabi ni Hero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD