Chapter 4

1633 Words
Ianah's POV "Good morning." nakangiting bati saakin ni Water pagkalabas ko sa kwartong pinagamit niya saakin. Sa bahay niya ako pinatigil dahil wala siyang kasama dito. Nakwento niya saakin na wala na siyang mga magulang dahil patay na sila, five years ago. Nakakahiya man na inalok niya akong tumira dito dahil sa wala akong matuluyan kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang alok niya dahil saan naman ako titira dito? Ngayong napagdesisyunan ko na tumira sa mundong ito ay kailangan kong matutunan kung anong klasing pamumuhay ang meron sila dito. Ang sabi ni Water ay madali lang kumuha ng pera dito kaya yon ang aalamin ko. Ngunit hindi naman ganon kahalaga ang pera dito na siyang hindi ko maintindihan. Libre lang ba ang magpatayo ng bahay dito? Paano ang mga kinakain nila? Libreng suplay? "Water paano kayo nabubuhay sa mundong ito? Lahat ng mga bagay dito ay gawa ba sa mahika? Paano ang mga pagkain niyo? Tinitirahan?" tanong ko sa kanya na tinawanan niya. "Wag mo ng alalahanin yan Ianah. Sinabi ko naman sayo na dito kana tumira sa bahay ko dahil wala naman akong kasama dito at madali lang kumuha ng mga pagkain Ianah. Wag mo ng alalahanin ang mga bagay na ito. Ang isipin mo nalang ngayon ay ang pag-aaral mo. Magiging madali lang ang buhay mo dito Ianah. Promise" ngiting sabi niya. Kahit na nahihiya ako sa kanya dahil sa libreng pagpapatira niya saakin ay malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Kapag nasanay na ako sa mundong ito ay babawi din ako sa kanya. "Ready kana?" tanong niya saakin na kinatango ko. Ngayong araw ay papasok kami sa paaralan nila tulad ng sinabi niya na ang pag-aaral ko nalang ang iisipin ko. Kailangan kong matutunan ang lahat ng tungkol sa mundong ito at sa Kingdom na ito. Mapati ang kapangyarihan ko ay kailangan ko itong pag-aralan kaya agad akong pinapasok ni Water sa paaralang pinapasukan niya. Nasabi na din nila sa Heads ang tungkol saakin kaya may nakilala na ako sa kanila dahil pumunta sila kahapon sa bahay ni Water para makita ako. Tulad ng inaasahan ko ay masyadong seryoso ang mga taong ito kaya sobra ang kabang naramdaman ko habang kinakausap nila ako. Buti nalang ay hindi ako iniwan ni Water. "Siguradong matutuwa ka sa paaralan namin" ngiti niyang sabi na kinangiti ko din pabalik. Dalawang araw na akong nandito at talagang sobra ang pagpo-promote ni Water saakin ng mundong ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil mapati ako ay natutuwa sa lahat ng mga pinapakita at kinukwento niya saakin. "Wala ba tayong ginagamit na uniform sa paaralan niyo?" tanong ko sa kanya. Suot ko ang pinahiram niyang damit saakin na hindi ko ma explain ang disenyo dahil magkakapareho lahat ng disenyo ng damit niya. Puro kulay asul tulad ng kulay ng mga mata at buhok niya. May pagkakatulad parin naman ito sa mga nakikita kong sinusuot ng mga mayayamang mga tao sa mundong pinanggalingan ko ngunit sumobra lang ang disenyo ng mga sinusuot nila dito. Hindi ko maexplain sa g**o. Basta may paikot ikot na ewan. "Wala. Hindi ko nga pala nasabi na kung ano ang hawak mong mahika ay ganon din ang disenyo ng kasuotan mo mapa studyante kaman o hindi. Hindi napapalitan ang kasuotan namin dito I mean yung itsura, depende lang kung babaguhin mo ng kaunti pero nandon parin ang simbolo ng kapangyarihan mo. Tulad nitong suot ko. Kulay asul dahil sa isa akong water controller tapos kita mo tong nakaukit sa baba ng damit ko na parang waves? simbolo ito ng tubig. Ang pang-ibaba ko naman ay parang pants din ngunit maluwag. Pwede ko naman palitan ito ng palda pero kung gusto mong komportable lang ang suot mo ay ito ang gamitin mo." paliwanag niya. Now I know. Kaya pala kulay asul lahat ng damit niya. "Kulay berde ang bagay sayo" nakangiting sabi niya. Berde? Berde ba ang kulay ng lupa? Ahh! Ang mga halaman. "Halika!" hinila niya ako palabas ng bahay. Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Mukhang pupunta na yata kami sa paaralang tinutukoy niya. Sobrang bilis niyang maglakad. Buti nalang ay nasasabayan ko siya. Mukhang nasanay na din naman ang mga paa ko sa ganitong bilis ng dalawang araw na nakasama ko siya. Walang kotse sa mundong ito. Kabayo o karwahe ang ginagamit nila. Mas marami ang gumagamit ng mahika at naglalakad tulad ng ginagawa namin ni Water. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil si Water sa harapan ng tindahan? Isang shop? "Binibining Pasenyo!" tawag ni Water pagkapasok namin sa loob. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Isang shop nga dahil ang daming mga damit ang nakadisplay sa paligid habang may mga ibat-ibang kulay at disenyo. Tulad ng suot namin ni Water ay magulo din ang mga designs ng mga damit na ito. "Oh Water napa rito ka? magbabago ka ba ng disenyo ng iyong damit?" tanong ng babaeng mukhang siya ang tinawag ni Water na Binibining Pasenyo. Nabaling ang tingin saakin ng babae habang may ngiti parin sa mukha. Napangiti ako pabalik sa kanya. "Oh may kasama ka pala" "Binibining Pasenyo may alam ka bang kasuotan dyan na babagay sa kanya? Isa siyang Earth controler" ngiting tanong at sabi niya na kinabigla ni Binibining Pasenyo. Alam ko kung bakit ganito ang naging reaksyon niya. Ganyan din ang nakuha kong reaksyon sa mga taong pinakilala saakin ni Water. "Nahanap na ninyo siya? Ikaw ba talaga Hija?" ngumiti ako sa kanya bilang sagot. "Ikaw nga!" masaya niyang sabi nang makita ang pulseras ko na may kung anong ginawa si Ms.Verna dito para malaman ng ibang tao kung anong klasing mahika ang mayroon ako. Mabilis siyang lumapit saakin at hinawakan ang mga kamay ko. "Masaya akong nakita ka na nila. Akala ko ay matatagalan pa sila bago ka nila mahanap." nakangiting sabi niya na siyang narinig ko din sa mga taong pinakilala saakin ni Water sa mga pinuntahan naming tindahan kahapon. Kailangan ko ng masanay na ganito ang pakikitungo nila. Hindi ko alam kung normal na ito sa kanila pero ang masasabi ko lang ay ang pagkakaroon ng ganitong kapangyarihan ay masyadong mahalaga sa kanila. "Sa totoo po Binibini ay hindi namin siya nahanap. Siya po ang napunta dito. Mukhang may tumulong sakanya para mabigay ang pulseras na iyan" sagot naman ni Water na kinatango ni Binibining Pasenyo habang nakangiti parin. "Mukha nga." sang-ayon naman niya sa sinabi ni Water. Ngiti at tango nalang ang naisasagot ko dahil hindi parin ako sanay na makipag-usap sa mga tao dito maliban lang kay Water. "Earth." mahinang sabi niya sabay nilibot ang tingin sa mga damit. "Kulay berde..." dinig ko pang sabi niya. "Maupo muna tayo. Siguradong matatagalan sa paghahanap si Binibining Pasenyo." tumango ako kay Water at umupo kami sa nakita naming upuan sa loob ng tindahan ni Binibining Pasenyo. "Ito na!" nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si Binibining Pasenyo sa harapan namin habang may dala ng isang damit na kulay Berde na may halong kulay itim. Namangha ako ng makita ang disenyo ng damit. Ang ganda! May mga hugis dahon sa baba ng gilid ng damit, V-neck na may mga kung anong paikot sa gilid ng tela, Long sleeves na kulay itim ang bandang braso. Basta hindi ko masyadong ma describe pero sobrang ganda. Napatingin ako sa isa pa niyang dala na isang palda na kulay berde. Ang disenyo ng laylayan nito ay hugis dahon din, parang yung damit lang ni Tinkerbell pero palda nga lang ito. May skinny jeans din itong kasama na kulay itim. "Perfect!" napapalakpak na sabi ni Water pagkalabas ko sa dressing room. Umikot ako sa malaking salamin na nandito sa tindahan ni Binibining Pasenyo. Ngiting ngiti kong pinagmasdan ang suot kong damit. Ang ganda talaga! Bumagay saakin. "Halika at ako na ang mag-aayos ng buhok mo." pinaupo ako ni Binibining Pasenyo sa tabi niya pagkatapos ay inayos ang buhok ko. Tinali niya ito paitaas. Inayos niya rin ang bangs ko at may ginamit siya para maging maganda ang pagkapantay pantay nito. Pinasout niya din ako ng hikaw na kulay berde. "Ito pa." isang sapatos na kulay berde ang kanyang nilabas. Sinuot ko naman pagkatapos ay tiningnan muli ang hitsura ko sa salamin. "Perfect na perfect!" natutuwang sabi ni Water habang pinagmamasdan din niya ako sa salamin. Napangiti ako dahil sa kasiglaan niya. "Mas gaganda ka pa kapag naging ganap ng kulay berde ang iyong buhok at mga mata." sabi naman ni Binibining Pasenyo. Napangiti ako ng malawak sa sinabi niya. Magbabago din pala ang kulay ng mga mata ko at buhok ko tulad ng kina Water. Na e-excite na tuloy ako. Habang pinapanood ko ang sarili ko sa salamin ay napagtanto ko na may tinatago din pala akong ganda. Hindi lang talaga ako nag-aayos kaya hindi ito makita. "Magkano po lahat?" tanong ni Water kay Binibining Pasenyo. Patay! wala akong pera. "Huwag na, libre nayan. Matagal kuna rin hinihintay na makita ang isang element controller na nakasuot ng ginawa kong damit tulad niyan." nakangiting sabi niya na kinangiti ko. Nakakahiya. Na libre pa tong suot ko. "Maraming salamat po." sabi ko habang namumula na dahil sa hiya. Ngumiti siya saakin sabay tumango. "Lalabas na ako." nabaling ang tingin ko sa lalaking papalabas na ng tindahan ni Binibining Pasenyo. Kulay itim ang buhok niya at ang damit niya ay kulay dark blue na hinaluhan ng puti. Nakatalikod na siya kaya hindi ko nakita ang hitsura niya. "Kanina pa siya nandito?" takang tanong ni Water. Hindi ko din napansin na may ibang tao dito. "Oo. Natulog na naman." nakangiting sagot ni Binibining Pasenyo. "Sino po siya?" takang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit tinanong ko ang lalaking to. "Siya si Hero Ianah. Ang tumulong sayo" sagot saakin ni Water na kinalaki ng mga mata ko sabay napatingin sa pintuan kung saan ko siya huling nakitang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD