Ianah's POV Naglalakad kami papunta sa room namin na tinutukoy ni Shan. Magkaiba kami ng klase dahil nauna ng isang taon sa amin si Shan kaya nasa high class siya ngayon. Kung ikukumpara sa mundo ng mga tao. Sampung taon lang ang pag-aaralan namin dito samantalang sa earth ay may college pa. Bale 18-19 years old makakapagtapos kana dito at isa ka nang high class Wizards, Mages, Vampires at kung ano pa. Kapag high class na ay maaaring bigyan na ng mabibigat na misyon. Ang misyon na iyon ay may kapalit na ilang salapi galing sa mga Heads. Bawat year dito sa mga paaralan ay nagsisimula sa 10 hanggang sa 1. Hindi tulad sa earth na may kinder pa bago makapunta sa Grade 1. Ang uno sa amin ay siyang graduating students bale nasa dalawa pa ang pinapasukan naming taon na kung sa mundo ng mga

