KABANATA 1

2024 Words
Saoirse is pronounced as Sheer-Sha, guys. ALARIC AAGE ALKAIDE UNTAMED Kabanata 1 “HOLD ON A MINUTE, MISS ADMIRAL! Let the set medics give you the necessary treatment for your skin injury. You are not allowed to go home just yet! Just do listen, woman!” Hinabol si Saoirse ni Runk sa tent kung nasaan ang mga gamit niya. Tinakbuhan kasi niya ang set medics nang mag-insist ang mga ito na lapatan ng pangunang-lunas ang first degree burn niya. Si Runk ay ang film director ng action movie na ine-ekstrahan niya ngayon. Wala pang dalawang taon si Saoirse bilang stunt performer at pang-sampong project pa lamang niya ang pelikula na iyon sa direksiyon ni Runk o Runk Reagan Regalado sa birth certificate nito. Napadpad siya sa trabahong iyon dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang iniidolong ama na noon ay isa ring tanyag na professional stuntman. Sa ganoong uri ng trabaho umikot ang buong buhay ng ama ni Saoirse at sa kasamaang-palad ay doon din natapos ang buhay nito sa ginawa nitong peligrosong aerial stunt. Nang mamatay ang ama ni Saoirse ay napagdesisyonan niyang pumasok din sa parehong hanapbuhay bilang pagbibigay-pugay na rin sa sakripisyo ng kanyang ama. Sa pamamagitan kasi noon ay parang buhay pa rin sa puso niya ang kanyang pinakamamahal na ama. Isa pa malapit rin sa puso ni Saoirse ang hanapbuhay na iyon kaya bukas siya sa life-threatening injuries na kaakibat sa trabahong iyon katulad na lamang sa first degree burn na naging pinsala niya sa pag-double niya sa bidang babae kanina sa eksenang car explosion. “Sinabi ko naman saiyo na ayos lang ho ako. Galos lang ito, Direk. Hindi na kailangan na abalahin pa ang medics.” Pagsisinungaling niya. Kung susundin niya si Runk ay tiyak na masisisante siya sa sideline job niya na siyang iniiwasan niyang mangyari. Inabot kasi ng ala una ng madaling-araw ang shoot nila. Muntik nang mawala sa isip niya na akinse na bukas. Ibig sabihin ay kailangan niyang asikasuhin ang bachelor's flat ni Alaric Aege dahil darating si Donya Agatha. Si Aege o Alaric Aege Alkaide ay ang solong tagapagmana ng ubod ng yaman at pilantropong si Donya Agatha Alkaide. Mayordoma sa mansion ng mga Alkaide ang Lola ni Saoirse sa napakahabang panahon. Matalik na magkaiban si Donya Agatha at ang kanyang yumaong Lola. Hindi niya mabilang kung gaano karami ang naitulong nito sa pamilya nila lalo na noong na-comatose ang Papa niya at ilang buwan na nakaratay sa pribadong ospital. Sinagot lahat ang gastusin ng mahabaging Donya. Kaya nang humingi ito ng pabor sa kanya noong nakaraang taon na pagsilbihan ang apo nitong si Aege ay hindi siya nagdalawang-isip na ito ay paunlakan sa kabila ng napakabigat na sama ng loob niya sa taong iyon. Bukod kasi sa malaki ang utang na loob niya sa Donya ay pabor din sa kanya iyon sapagkat nakalibre na siya ng matutuluyan kaya tiniis niya ang makasama sa iisang bubong si Aege. Usually kasi ay sa Metro Manila o labas lamang ng Metro ang filming location ng mga ine-ekstrahan niyang pelikula kaya hindi na siya mapapagod na bumiyahe galing Padre Burgos sa Quezon. Nakakatipid na rin siya kahit papaano. Kailangan niya ng puspusang pag-iipon para kapag nadinig ng nasa itaas ang ipinagdarasal niya na maging international stuntwoman ay hindi siya mahihirapang makaalis. Sa hilatsa ng mukha ni Direktor Runk ay bistadong iritable na ito sa inaasta niya. Pero kaya naman niya talaga ang sarili niya. “No. Just listen to me, would you? Hindi oobra sa akin ang katigasan ng ulo mo, Miss Admiral. Minsan nang nakarating sa kaalaman ko ang ugali mong rule infringer—” “Hoy, Direk. Maghunosdili ka naman. ‘Di ko pa po iyon na-try ah!” “I didn't mean the solo session for all the Virgin's sake, Admiral! Infringer, I mean to say was a violator.” “E joke lang naman iyon, Direk. Binibiro lang kita kasi ang kulit mo na talaga. Mawalang galang na ho a, pero nakakabanas na ho talaga ang kakulitan ninyo. Gusto ko lang po talagang umuwi.” Aniya na animo ay isang makulit na bunso lamang ang pinagsasabihan. Anyong bubugahan na siya ng apoy ng Direktor nang biglang may pumasok na boses sa wireless team communication headset nito. May kinakausap ito roon na crew. Oras na para umiskapo. Bago sumabog ang liwanag ng haring araw sa silangan ay morapat na nalinis na niya ang buong flat. Kung sakali mang pumalpak siya ay siya rin naman ang kawawa kaya kahit patang-pata na siya ay mahalaga pa rin na mapaninindigan niya ang mga tungkulin niya. Ubod pa man din sa kaistriktuhan ang amo niyang si Aege. Feelingerong palaka na iyon. Anyong papalabas na siya ng tent nang walang pasubali na hinarang ni Runk ang katawan nito sa daraanan niya. Napansin pala nito ang nagbabadya niyang pagtakas. Napaatras si Saoirse at halatang nailang sa kakarampot na distansiya nila ng Direktor. Runk is a type of man you would call an Adonis. A man with an exceedingly handsome external appearance katulad ng amo niyang si Alaric Aege Alkaide. Sila iyong tipong wala kang masisilip na kapintasan sa panlabas nitong kaanyuan at halos lahat nga ng female cast sa ginagawa nitong pelikula ay nali-link sa naturang Direktor. Noong una ay hinangaan din ito ni Saoirse. Iyon nga lang ay na-turn-off siya kalaunan dahil sa pagiging tanyag nitong lothario. “D-distancia amigo baka tayo’y ma-issue!” “No one's gonna get the same idea about a thing of me and you just like what you have in your malicious mind, Admiral. Mas lalaki ka pa umasta kaysa sa ‘kin e. Kahit si Aric ay ilag saiyo. Above it all, hindi ko tipo ang boyish na katulad mo. I prefer women in killer heels than in a Ked’s shoes.” Tahasang paliwanag ni Runk at imbes na ma-offend ay guminhawa pa ang kalooban ni Saoirse. “Mabuti po kung ganoon. Wala tayong magiging problema. Ayaw ko rin po sa chickboy kagaya ninyo ni Aege. Prone kayo sa sakit. Mahirap na.” “Kung hindi ka lang talaga malapit kay Alkaide pina-court martial na kita, Admiral.” Malaki talaga ang advantage ng boyish behavior niya. Ligtas siya sa mga gagong lalaki subalit hindi lang siya pakampante. “So, puwede na po akong umalis, Direk?” Pinagalang niyang tanong at sinipat ang oras sa cellphone niya. “For now, you can go but I'll make sure that one of the set medics would monitor you and your injury starting tomorrow. Also, check your bank account first thing tomorrow. You'll have the money from your insurance schemes. I will give you a week of sick leave. Babalik ka lang sa set kapag binigyan na kita ng hudyat. Anyway, you made the most realistic stunt back there, Admiral. That was very impressive. Malayo ang mararating mo sa industriya.” Kaswal na pahayag ng Direktor. “Noted po, Direk. Salamat ho.” Proud na proud siya sa sarili. Ibig sabihin lang niyon ay may pag-asa talaga siyang mapasa sa probationary stunt team ng UK na siyang pinapangarap noon ng Papa niya. Nabuhayan siya ng loob. “And one more thing, Admiral. You must try the solo session sometimes or the combo solo play. It can ease body aches and relieves stress. Give it a shot, Miss Virgin and loosen up with your stoical, boyish image. YOLO, remember. Paturo ka minsan sa Sir mong batikan sa bagay na iyan. He won't be a top client of El Sacramento for nothing.” Saoirse’s face grew red. Isa rin kasi siya sa mga tao na may stigma pagdating sa usapang self-pleasured ng mga babae. Isa pa, mas pipiliin pa niyang manahimik kaysa humingi ng sensual advice sa mayabang na Alaric Aege na iyon. NAPALITAN NG INIS ang nararamdamang pagod ni Saoirse nang matagpuan niya ang pamilyar na bulto sa labas ng bachelor's flat ni Alaric. Si Selena Ordonez, ang magnanakaw na ex-girlfriend ni Alaric. “May kailangan ka pa ba sa loob ng flat? O baka may nakalimutan kang nakawin?” Iyon kaagad ang pambungad niya sa babae. Presko pa rin sa utak ni Saoirse ang pagpapahamak nito sa kanya noong nakaraan. Kita ng dalawang mata niya na ito ang nagnakaw ng Orriental Billionaire Watch ni Alaric at malakas din ang kutob niya na ito rin ang kumuha ng antique Japanese coin na pendant sa kwentas niya na pinatos din nito. Ang masaklap pa roon ay imbes na pakinggan ni Alaric ang side niya ay mas pinili pa nitong ipagtanggol ang magnanakaw na si Selena. Sa huli ay siya na nga ang nawalan ay siya pa rin ang napahamak. “Are you talking to me?” Maarteng buwelta ng babae. Ang kapal! Nag-igting ang panga ni Saoirse nang hagurin siya ng babae mula ulo hanggang paa gamit ang nang-aalipustang tingin. Kung sa pormahan ay wala nga siyang ibubuga rito ngunit sa suntukan ay baka gawin pa niya itong speed bag. “Get out of my face, you annoying lezbo! I hate your guts! Shoo.” Itinaboy siya nito at sinubukan siya itulak pero sorry na lang at magaling yata sa self-defense si Saoirse. Bago pa lumapat ang makasalanang kamay nito sa kanya ay ginawa na niyang weapon ang siko niya at in-apply ang ilang basic na atake sa Krav Maga na napag-aralan niya mula sa kanyang ama. “Ibalik mo sa akin ang antique coin na ninakaw mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin at sa pamilya ko ang baryang iyon.” Humihiyaw sa sakit si Selena habang ginagawa niyang hostage ang mga wrist nito. “You are a damn psycho, b***h! I don't even know you! Get off me!” Sinubukan nitong manglaban at medyo nanghina siya dahil sa paso niya sa likuran. Nakalmot siya ni Selena sa braso at anyong aatakihin din nito ang kanyang mukha. At bago pa ito magtagumpay na malamatan ang kanyang mukha ay pinakawalan na niya ang kanyang power jab na may dalang mabigat na puwersa. Dahil sa suntok niya ay tumapon paatras ang ulo nito at tumama sa pader. Noon natauhan si Saoirse at dinumog ng takot. Babagsak siya nito sa piitan dahil sa pagiging bayolinte niya ng ‘di oras. Akmang tutulungan niya si Selena nang bumukas naman ang bachelor's flat ni Alaric. Topless pa ito at tanging itim na tuwalya lamang ang nakabalot sa pang-ibaba. May visible droplet ng tubig sa buhok nito. May naka-ipit pang sipilyo sa bibig. Sa ayos nito ay madaling maipapalagay ni Saoirse ang ginawa nito sa loob bago ito lumabas. Dinaluhan kaagad nito si Selena. Niyakap, pinatahan at hinalik-halikan. At dahil kilala na niya ang ugali ni Alaric ay hindi na siya nabigla nang sininghalan siya nito at nilagay sa parte niya ang lahat ng sisi. Ganoon naman talaga ang isang Alaric Aage Alkaide. Ito iyong tipo ng hukom na hindi na dadaan sa ‘this court is now in session’ at direkta agad sa sentensiya. Maingat na inalalayan papasok ni Alaric si Selena habang si Saoirse ay taimtim na pinagsisihan ang kanyang nagawa. “Aege kasi—” Tinangka ni Saoirse na pagpaliwanag nang lumabas ulit si Alaric. Bistado ang namumuong apoy sa mga mata nito. Normal na kay Saoirse ang pagiging metikuluso sa lahat ng bagay at pagiging grumpy ni Alaric pero banyaga sa kanya ang galit sa mga mata nito sa pagkakataong iyon. “Hindi ko palalampasin itong ginawa mo sa bisita ko but I’m tired, Saoirse. Bukas na tayo mag-usap. Stay in another place for now until Sirena is alright.” Nagbabadya ang luha ni Saoirse nang ibagsak ni Alaric ang pinto sa kanyang mukha. Tumalikod siya at nanghihinang hinilot ang dibdib. Para kasing may napakalamig na bagay ang kumakalat doon na dahilan ng paninikip noon. Alas dos na ng madaling araw. Kaninong pintuan kaya siya kakatok upang makituloy? Imbes na bumalik sa elevator ay dinala si Saoirse ng kanyang mga paa sa utility room na nasa dulo ng palapag na iyon. Hahayaan niya munang magpahinga ang katawang-lupa niya sa ngayon at bukas aalamin niya kung para saan ang hapdi ng kalooban na naramdaman niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD