bc

HOMBRES ROMANTICOS SERIES: UNTAMED

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.9K
READ
billionaire
possessive
love after marriage
arranged marriage
arrogant
dominant
CEO
heir/heiress
twisted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

ALARIC AEGE ALKAIDE

UNTAMED

Suntok sa buwan ngang masasabi ang kagustuhan ni Alaric Aage Alkaide o Aric sa mga taong malapit dito, na maapula ang naglalagablab na hangarin ng kanyang Abuela- hangarin na iharap niya sa dambana ang babaeng napipisil nitong maging kanyang kabiyak.

Ang lagay ay hindi pa niya nahahanap ang salitang 'kasal' sa bokabularyo niya kahit ilang libong piraso pa ng magnifying glass ang kanyang gamitin. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay sisikapin niyang desmoralisahin ang kagustuhan ng kanyang Abuela nang sa ganoon ay bawiin nito ang fixed marriage na isinusulong nito. Umentra si Aric sa pagiging Playboy ngunit ang estilo nito sa pambabae ay pambihira sapagkat ibinabahay niya sa loob ng tatlong linggo ang mga nakakarelasyon niya which is parte ng kanyang plano. Sa madaling sabi ay mapapadalas na rin ang pagkikita nila ng tagapagsilbi niyang si Saoirse Admiral na ipinaglihi sa tiny but deadly na bulkang taal. Nagkaka-instant allergy pa man din siya sa tuwing nakakasalubong ang istoikong dalaga.

Mapaninindigan kaya ni Aric ang TRIPLE A THREE WEEK RULES niya o aatras na lamang at tumakbo na lamang ulit sa ilalim ng saya ng kanyang Abuela?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
Prologo “NOW, SELENA. Do you want to be my intimate live–in partner?” Tonoladong kampante si Aric sa iminungkahi. Parang isang kandidato sa eleksiyon na pihado ang pagkakapanalo habang ang marilag na babae sa kanlungan niya ay hindi nasupil ang pagsimangot. “This is the sixth time tonight that you mistakenly called me Selena, babe.” Boses dismayado ang babae. Ang palad nito ay walang kapagurang humahaplos sa matigas at solidong dibdib ni Alaric pataas sa prominente niyang sihang. “Stupid of me! Yeah, you're uhm... Si— uhm...” “Sirena.” Pinantig ng dalaga ang pangalan nito sa maharot na paraan. Tinutukso-tukso nito si Alaric sa pamamagitan ng panaka-nakang pagsagi ng dibdib nito sa matigas na thorax ng binata. Nasisisiyahan naman ang huli. Kapwa matingkad ang pagnanasa sa bawat isa. “You are more beautiful than Selena. More interesting. I should've known that better.” Sugar-coated na papuri ni Alaric sa babae. Totoong maganda at maalindog ang babaeng kasama ni Alaric. Maganda ang hugis ng katawan kahit na sa pagkakaalam niya ay may anak na ito. Sadyang wala siyang panahon na palalimin ang koneksiyon niya sa mga babaeng pumapayag na maging temporary partner niya. Saka na niya iisipin iyon kapag handa na siya para sa lifetime commitment. And when that time comes, he'll fight for who he truly loves. Hindi siya magpapamanipula sa kanyang Abuela pagdating sa bagay na iyon. “I won't disagree on that, dear. In fact, I already heard those praises from Selena’s fiance. Said I'm a better catch on bed. I'm too hot and more interesting.” “You were screwing your twin sis’ fiance?” Bahagyang nalapatan ng pagkabigla ang himig ni Aric. He didn't see that coming. Magkakambal si Selena at Sirena. Kapwa ‘di umano’y naging schoolmate niya noong secondary which is hindi niya maalala. Si Selena ang pang-lima niyang intimate partner habang si Sirena ay napipintong maging pang-anim. “I still am, dear Aric.” Mistulang proud pa ang babae sa kataksilan nito. “Whatta bad girl I have here. Hm?” Imbes na maturn-off ay mas lumubo pa ang interes ni Aric sa babae sa kabila ng inamin nito. Iyon ang tipo ng standard woman na hinahanap niya. Ang tipo ng babae na magpapamulat sa mga mata ni Abuela. Hindi nga siya nagkamali na rahuyuin ang kakambal ng previous intimate partner niya. Mapapakinabangan niya ito ng malaki. Nice decision, Alaric. Banidoso niyang papuri sa sarili. “Bagay lang sa kapatid ko na pagtaksilan. Inahas at pinikot lang naman niya si Arthur noong kami pa kaya siya ang pinili. I am in hell with a douche and cheater husband just because of her. At alam kong pakana rin niya ang makasal ako sa iba. Boses lang naman niya ang pinapakinggan ng parents namin at pagdating sa akin, bingi sila.” “I smelled a sweet revenge right here. Kapag pumayag ka sa alok ko, Sirena tinitiyak kong matatamasa mo ang napakasarap na buhay-may-asawa na hindi mo maramdaman sa piling ng asawa mo. Nga lang, tatlong linggo lang tatagal iyon according to my rules. Now I'm going to ask you again, are you in?” Halatang interesedo naman si Sirena. Sino ba naman ang aayaw sa isang Alaric Aege Alkaide na bukod sa nag-iisang tagapagmana ni Donya Agatha Alkaide na sole proprietor ng ilang daang branches ng money remittance center at pawnshop sa Pilipinas, ay miyembro rin si Aric ng prestihiyosong Triple Hub. Ang Triple Hub ay kapatiran lamang na kinabibilangan ni Aric at ng dalawampu’t lima pang mga Adonis noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Hindi naglaon, perks of being wealthy, ay nagtayo ng hub ang kapatiran sa pangunguna ng dalawang founder ng kapatiran na si Daquila Dagon de Fiore at Typhoon Tank Terrado. Isang hub na hindi lamang kasing-laki ng karaniwang music hub, club o gusali kundi isang buong tropical island na may lawak na animnapung-siyam na libong hektarya. Matunog na matunog ang Triple Hub Island sa buong bansa. Maraming haka-haka ang kumakalat na mga illegal activities hindi umano ang totoong nagaganap sa isla sa kadahilanang mahigpit na ipinagbabawal ng kapatiran na may makapasok na civilian roon. Minsan pa nga ay pumutok sa news at napagkamalang ground zero ang Triple Hub Island ng human trafficking at smuggling kaya mas lalong pinag-usapan ang isla. Ang ilan naman ay itinuring na lamang na alamat ang Triple Hub sapagkat suntok sa buwan na makaapak sila sa naturang isla. Eksklusibo lamang ang isla para sa mga miyembro ng fraternity. Mismong mga miyembro rin ang nagsisilbing maintenance ng napakalawak na isla kaya tuwing huling linggo ng buwan ay mandatory nang naroon silang lahat para sa general cleaning. Bawat isa ay nakatoka sa iba’t ibang bahagi ng isla. Nagsisilbi ring training ground ang isla dahil bukod sa fraternity ay kabilang din sila sa Triple Gun Association at may television series iyon. Ipinapalabas sa isang broadcasting network company na pagmamay-ari rin ng isang member ng Triple Hub fraternity ang limited series tournament ng Triple Gun Association. Isang beses sa isang taon ay nakatutok ang buong mundo sa programa upang masaksihan kung sino ang magwawagi sa shooting competition ng Triple Hub. “The anklet first, babe.” Aric frowned. “The what?” “The anklet, babe. Gusto kong isuot ang anklet ng Triple Hub. Hindi ba at ibinibigay iyon ng Triple Hub member sa babaeng gusto nila? Sa pamamagitan niyon ay malaya mo na akong maipapasyal sa isla ninyo. That's my ultimate dream, Aric sweetie. Magkakatotoo na ang pangarap ko na maging kauna-unahang babae na makakatapak sa Triple Hub. Tiyak na magiging instant celebrity ako at sisikat ng husto.” Kumakaway ang excitement sa mga mata ni Sirena. Napaismid si Aric sa pagiging blatant ng babae. Mas malala pa pala ito kaysa sa inaasahan niya. Mas ambisyosa ito kaysa sa kakambal nitong milyones din ang nahuthot sa kanya. Totoo ang alamat sa likod ng anklet na iyon. Pakana lang naman iyon ni Oddyseus Onyx Orriental para sa pansariling interes at lumubo ang income ng jewelry emporium nito. Hindi siya tangengot para kumagat sa trick na iyon ni Onyx. Isang nakapahalagang bagay sa buhay nila ang kapalit ng anklet na iyon para lang magkaroon ng passes sa isla ang sino mang babae na nais nilang dalhin doon. Humalakhak si Aric, tipong parang nanonood ng comedy show. “Babe, come on. There's no such thing. Bungang-isip lamang iyon.” Nadismaya ang babae. Nagalit kapagkuwan. “Binibilog mo lang ang utak ko, Aric. Alam ko namang totoo iyon. Kung hindi mo ibibigay sa akin ang anklet, puwes pasensiyahan tayo. I have my way out and I'm gonna tell your grandma about all this. Na ginagamit mo lang ako at iba pang mga babae para hindi niya ituloy ang fixed marriage na ipinipilit niyang ipagawa saiyo. Goodbye!” Matigas na bagsak nito sa mga salita atsaka lumabas ng kanyang opisina. You won't do anything against my will, b***h or your whole clan will be sorry. Now his situation is bothering him. Akinse na sa makalawa at bibisita na naman sa bahay niya si Donya Agatha. Sino na namang babae ang gagamitin niyang instrumento upang magbago ang isip ng kanyang Abuela at hindi ituloy ang fixed marriage niya sa gasinong babae? He needs to find another prospect before life screws him big time. Now, he has to go home and torment himself by seeing the impassive private housekeeper of him who always treated him as a demon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook