KINABUKASAN ay naghanap agad si Ashton ng imbestigador na susubaybay sa magulang ni Autumn. Ngayon ay hinihintay niyang dumating sa kanyang store si Mr. Jin na inirekomenda ng kanyang bayaw na si Keith para maghanap ng sagot sa mga tanong. Habang naghihintay ay iniisip niya kung ano na ba ngayon ang ginagawa ni Autumn mag-isa sa bahay. Nai-imagine niya tuloy na abala siguro ito sa pagdidilig ng kanyang mga halaman sa garden. Sa susunod na mga araw ay bibilhan niya ito ng tuta para may mapaglibangan itong iba habang nasa bahay. Hindi tuloy mapigilan ni Ashton ang mapangiti dahil kanina lang ay magkasama sila ng fiance sa bahay pero parang na-miss niya na agad ito. Para malihis ang isip niya kay Autumn ay tumingin-tingin muna siya sa paligid habang naghihintay. Nakaupo siya sa may pinaka

