PAGKARATING nina Ashton, Autumn sa store ay parang walang nangyari na ginawa nila ang kani-kanyang trabaho. Hindi na pumayag si Autumn na hindi na pumasok sa trabaho dahil ito na ang huling araw niya. Bilang Store Manager ay ginagampanan ni Autumn ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga customers kung may tanong o may reklamo. Katulad kanina ay may nagpa-void ng order sa kanya. Isa ito sa mga mami-miss niya pati pagre-recruit, pag-train ng mga bagong staff, pagsu-supervise at iba pa. Pero dahil ito na ang last day nïya bilang Store Manager ay kinausap muna niya si Yssa para sa huling training na gagawin niya. "Yssa, ikaw na bahala sa store. Alam kong kaya mo 'yan dahil naituro ko na lahat sa iyo ang mga nalalaman ko. Basta kapag may tanong ka huwag kang mahiyan

