Chapter Twenty

2558 Words
NGAYON AY mag-isa lang ako sa bahay. Hindi ko maiwasan hindi maparanoid. Paano kung kapitbahay ko lang pala ang bampira? Paano kung nasa tabi lang siya at nag-aabang na kainin ako? Paano kung nagtatago lang pala siya sa loob ng aparador ko all this time? Agad akong napatingin sa aparador ko. Tangina this! Author naman, eh! Ayoko ng scary scene! Nagmadali akong kumuha ng tali at packing tape. Agad kong tinali ang handles ng aparador at tinapalan ng makapal na tape ang gitna niyon para siguradong walang lalabas na bampira. Pakingshet! Mapa-praning na ata ako. Kanina lang habang pauwi ako. Pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Feeling ko may aninong nag-i-stalk sa akin pero kapag lumilingon naman ako sa likuran ko wala akong nakikita. Nababaliw na ba ako? O guni-guni ko lang lahat nang 'yon? Kainis! Ayoko na tuloy mag-commute mag-isa. Buti pa noong nandito si Vlad may kasama ako palagi. Haaaay! Akap-akap ko ang unan ko. Nag-ready na rin ako ng pepper spray at kawali na hawak ko habang natutulog para may pang self-defense. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tumungin ako sa orasan. Alas dose na pala ng gabi. Tulog na halos lahat ng tao. Sobrang tahimik parang mababaliw ako. Unti-unting pumihit ang mukha ko sa bintana. Nakasara 'yon at dahil pina-laundry ko ang kurtina kaya wala tuloy takip. Kitang-kita ko ang bilog at maliwanag na buwan sa maitim na kalangitan. Napalunok ako. Sobrang natatakot na talaga ako. Hindi ko alam pero parang feeling ko ako ang susunod na target ng bampira. Biglang may aninong dumaan sa bintana. BWAKANANGINAMOTALAGAAUTHOR!!! Napatalon ako sa kama. Mas napahigpit ang kapit ko sa pepper spray at kawali. Anu 'yong nakita ko? Pusa? Daga? Pero may ganoon bang kalaking pusa o daga? "S-sino 'yan? Tangina kung sino ka man hindi ako masarap!" sigaw ko. Nanginginig na talaga ang mga tuhod ko. Bakit ba kasi nangyayari sakin ' to? Kung alam ko lang na magiging ganito ang takbo ng istorya hindi na sana ako pumayag na maging bida. Nanay ko po! Hindi ko maalis ang tingin sa bintana. At kung mamalasin ka nga naman biglang namatay lahat ng ilaw at nag-brown out. ENEBE EYEKE NEEEE! Naiiyak na talaga ako. Hindi na 'to nakakatuwa! Biglang may itim na anino ulit na dumaan sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko at agad akong tumakbo sa kabilang side ng kwarto at nagtago sa ilalim ng kama. Pawis na pawis na ako. Pakiramdam ko tatalon na ang puso ko sa sobrang kaba. Nagsisitayuan na rin lahat ng balahibo ko. Bigla pumailanlang ang langitngit ng pintuan sa labas. May pumapasok sa loob ng aparment ko. Hala! Ni-locked ko naman ang pinto! Panay ang panalangin ko sa lahat ng dasal na alam ko. Ni-recite ko ang Our father, Hail Mary, pati na rin dasal ng Iglesia ni Cristo, Dating Daan, Seven day Adventist, Muslim, at KAPA! (Ay mali! Scam pala iyon!) Sa ganitong oras na takot na takot ako. Iisang pangalan lang ang sinisigaw ng isip ko. Vlad... please save me. Mabibigat na yabag ang sunud kong narinig. Papalapit iyon sa kwarto. Tinakpan ko ang bibig pero ayaw paawat ng iyak at hikbi ko. Madiin akong pumikit. Hindi ko pa naman napapagawa 'yung sira kong pintuan. Nakita ko ang mga paa ng estranghero na nagkatayo na ngayon sa gilid ng kama. "Miss beautiful... alam kong nandito ka. Lumabas ka na... promise, sandali lang tayong maglalaro." Kinilabutan ako nang husto sa boses ng lalaki. Hindi pamilyar. Pero sapat na ang narinig kong boses niya para masiguro kong kalaban siya. Jusko po! Ito na ba ang the end ko? Wag naman sana. Hindi ko pa nga nabibigay ang virginity ko kay Vlad papatayin na agad ako sa istorya? 'Wag ganun! Ayokong mamatay ng Virgin! Napatili ako nang malakas nang may humatak sa paa ko. "Aaaaaaahhhhhhh!!!" Hinatak niya ako palabas ng kama at mabilis na pinaibabawan. "HAHAHA! Huli ka balbon!" Nanlilisik ang kanyang mapupulang mga mata. Mahaba ang itim na buhok at sobrang nakakatakot ang itsura niya. Binuka niya ang naglalaway na bibig at kitang-kita ko ang matutulis niyang pangil. "HINDI AKO BALBON!" singhal ko sa kanya. "HAHAHAH! Hindi ba? 'Di bale, okay lang dahil mukhang masarap ang hapunan ko ngayon." Sinubukan kong manlaban ako pero hindi ako makagalaw sa sobrang bigat niya sa ibabaw ko. Nabitawan ko rin ang kawali. Nakita ko ang pepper spray malapit sa kinahihigaan ko. Umiling-iling ako. "Maawa po kayo, hindi ako masarap. Lagi akong kumakain ng isaw at betamax sa kanto kaya madumi ang dugo ko!" Tumawa siya nang nakakakilabot. "Okay lang hindi naman ako choosy." Uwaaaah! Tengeneeee Bumuka ang bibig niya at akmang dadakmalin na ako nang sumigaw ako ulit. "HUWAG!" Napahinto siya. "Ah... ah... a-adik ako! p****r ako ng katol at rugby. Pati mighty-bond sinisinghot ko kaya mamang bampira pramis, madumi ang dugo ko. Magsisi ka lang pag-ininom mo." Saglit na kumunot ang noo niya sa 'kin. Akala ko epektib na pero tinawanan niya lang ako. "Walang kaso 'yon. Sideline ko rin ang pagiging p****r! BWAHAHAHA!" Binuka niya ulit ang bibig niya. "Kaya kakainin na kitaaaa!" "Aaaaaahh wait! wait!" Nahinto ulit siya. Medyo pikon na ang itsura niya. "Ano na naman?" "Ah... eh... natatae ako. Pwede bang tumae muna?" Nalukot nang husto ang mukha niya kaya sinamantala kong maduwal-duwal pa siya at mabilis kong inabot ang pepper spray sa gilid ko at inispray sa mukha niya. "Aaaaah!" nagsisigaw siya at napahawak sa mga mata. Buong lakas ko siyang tinadyakan at tumakbo palabas ng kwarto. Nagmadali akong tumakbo palabas nang apartment diretso sa hallway. Agad akong bumababa ng hagdanan pababa nang biglang may lumipad na paniking itim sa harapan ko at mabilis na nag-transform sa lalaki. "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" Napatili ako at mabilis na bumalik paakyat pero hinatak niya ang buhok ko at kinaladkad ako pabalik. Inangat niya ang ulo ko at mabilis na tinagilid ang leeg ko. Naramdaman ko ang makirot na kagat niya at napaiyak ako sa sobrang sakit. "Aaaaaah... h-huwag!" Pero wala akong magawa. Wala akong laban. Ramdam ko ang makirot na pagsipsip niya sa dugo ko. Mabilis na tila patay gutom na halimaw. Wala siyang balak na itira. Uubusin niya lahat. Unti-unti nang nanghihina ang aking katawan. Nasasaid na ang bawat patak ng dugo ko. Nagdidilim na aking paningin. Ito na ba ang katapusan ko? Isang malakas na sigaw ang sunod kong narinig. Bumagsak ang nanghihina kong katawan at isang malaking bulto ang nakita ko sa aking harapan. Sa kabila ng panlalabo ng paningin ay nagawa kong manatiling nakadilat. "How dare you!" I heard a familiar growling voice of a man. "P-patawarin mo ako K-kamahalan. Nagugutom lang naman ako." Namimilipit ang bampira habang nakaangat ang kanyang mga paa sa sahig. Sakal-sakal siya ng lalaking sumigaw. Sa likuran niya ay may isa pang pamilyar na bulto ng lalaki. Dalawa sila. Hindi ko na makita nang maayos ang itsura nila pero malakas ang pakiramdam ko kung sino sila. "You broke the law. And you know what punishment is waiting for you, Kryshler," sabi ng isa pang lalaki na pamilyar din. "Huwag! Huwag kamahalan maawa kayo!" Kryshler the bad vampire pleaded. "There's no mercy for a monster like you. Now, die!" Sumiklab ang matinding galit ng lalaking sumasakal sa kanya at buong lakas na kinagat nito ang bampira. Nangisay ang katawan ni Khryshler habang walang awanng sinisipin ang dugo niya ng lalaki. Umangat ang ulo ng lalaki at binitawan ang katawan ng walang buhay na bampira. Ang sumunod na nangyari ay mas nakakatakot. Tila papel na pinutol ng isa pang lalaki ang ulo ni Kryshler. "We need to burn him now, Vlad." At mabilis na sinunog nila ang katawan ni Krysler gamit ang lighter at gasoline. Parang nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking dibdib. Wala na ang halimaw. Ligtas na ako. Natanaw kong lumapit ang isang lalaki sa akin. Ang nagliliyab na apoy sa kanyang likuran ang huli kong nasilayan bago tuluyang nilamon nang kadiliman. *** UNTI-UNTI nagmulat ang aking mga mata. Ang pamilyar na puting kisame ng kwarto ko ang una kong nakita. Dahan-dahan akong bumangon pero agad kong naramdaman ang p*******t ng buo kong katawan lalo na sa leeg ko. Napakapa ako roon. May bandage na nakatapal. Ginala ko ang paningin. Ano'ng nangyari? Nang maalala ko ang bampirang umatake sa 'kin kagabi ay bigla akong napasigaw sa takot! Mabilis na bumukas ang pintuan at niluwa ang nag-aalalang mukha ni Vlad. "Erin!" Oh God, I missed him. Nang makita niyang okay lang ako ay unti-unti siyang nakahinga nang maluwag. Parang may malaking bagay na bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. Napatunganga lang ako sa kanya. Anung ginagawa niya rito? Siya ba ang nagligtas sa 'kin kagabi? "I'm glad you're okay," malumanay na sabi niya. Kapansin-pansin din ang pamumutla ng mukha ni Vlad which I find disturbing. Bumuka ang bibig ko para sana magsalita pero naurong ang dila ko. Bakit ganito? Ang tagal kong inasam na makita ulit ang mukhang ito at ngayong nandito na siya sa harapan ko'y para naman akong nanigas na bato. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko sa oras na tignan ko ulit ang mukha ni Vlad ay iiyak ako at tatakbo palapit sa kanya. Matapos ang mahabang katahimikan, tumikhim si Vlad at nagsalita ulit. "Don't worry, I'm not staying any longer. I just made sure na magigising ka and that you'll be okay. I'm grateful to know you're already fine." Nag-angat ako ng tingin kay Vlad pero siya naman ngayon ang hindi nakatingin. "Wala na si Kryshler. Romeo and I killed him. I'm sorry if you had to experienced that kind of horror, Erin. I'm so sorry if I came too late... you're already hurt and I'm.... I dont know what to do if something bad happened to you." Napapikit siya. He looked and sounded so frustrated. Parang gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siya pero nakapako nama ang mga paa ko sa kama at hindi ko man lang magawang gumalaw. "It's okay." Finally ay nagawa kong magsalita. "You saved me, Vlad. Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. You did what you can do. And I'm thankful na dumating kayo ni Romeo, kung hindi, napahamak na ako." Dahan-dahang tumungo si Vlad at nag-angat ng tingin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay parang iniipit ang dibdib ko sa labis na paninikip niyon. Pero pinigilan ko ang mga nagbabadyang luha. "Okay. Please take care of yourself. I'll be going." Dahan-dahan niyang sinara ang pinto at iniwan akong nag-iisa sa kwartong iyon. Teka, ngayon ko lang napasin na may pinto na ang kwarto ko. Siguro, si Vlad ang nagkabit. Saka lang pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Inis na binatukan ko sa sarili. "Stupida ka Erin! Bakit kasi nag-iinarte ka pa?" Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa pintuan. After everything that happened. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. And the gap between us was still there.  Pumasok na rin ako agad sa school kinabukasan. I wore a scarf para matakpan ang sugat ko sa leeg. Nagpunta ako na parang normal. Na tila walang nangyari. "Erin okay ka lang? Bakit parang maputla ka?" agad tanong sa akin ni Apple nang magkita kami sa classroom. "Okay lang ako. Pagod lang," sagot ko. Ang totoo niyan ay nanghihina pa ako. Maraming dugo ata ang nawala sa akin. Pero pinilit kong pumasok dahil malulungkot lang ako kapag nanatili akong mag-isa sa bahay. "Nasaan pala si Sam?" maya-maya tanong ko. "Parang napansin ko siyang umakyat sa third floor," sagot ni Apple. "Teka mag-cr lang ako Erin," aniya at nagtungo sa comfort room. Umakyat ako ng third floor para i-check kung nasa taas si Sam nang mahinto ako sa nakita. Sa tuktok ng hagdan nakatayo si Ms. Buenaventura. Iyong maganda at seksing professor namin sa Interior Design. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pamilyar na lalaking nakatayo sa harapan niya at hinahalikan siya sa leeg. Agad akong nagtago sa wall tapos sumilip nang paunti-unti. Tama bang maglandian sa hallway? Landian pa more! "Aah... R-romeo," ungol niya habang ninanamnam ang halik sa kanyang leeg. Ehhh? Umangat ang mukha ng lalaki at laking gulat ko nang makita si Romeo na may bahid pa ng dugo sa kanyang bibig. Dinilaan niya ang sariling labi para tanggalin ang nagkalat na dugo. "Thanks for the meal, darling," mapang-akit na sabi nito. Malanding kumindat naman si Ms. Buenavista sa kaharap na bampira. Nilaro-laro pa nito ang butones ni Romeo at nilapit nang husto ang mukha sa huli. "Anything for you, pretty boy. Mamaya ha. Punta ka ulit sa condo ko." Ngumisi si Romeo. "Sure, dala 'kong food?" Nangingisay na hinalikan ni Ms. Buenavista sa lips si Romeo bago ito umalis. Halos masamid ako sa nasaksihan. "Eww!" Sinadya kong lakasan ang boses ko. Napatingin sa gawi ko si Romeo at nakangising lumakad palapit sa akin. "Hey there little Erin. Good thing to see that you're still alive. May lahi ka rin pusa?" Inirapan ko siya. "Wala! Aso meron." He chuckled. Ayan na naman siya sa mabababaw niyang kaligayahan. "So... si Ms. An-An talaga ang blood donator mo? Ha! Wala ka palang taste," pang aasar ko. Tinaas niya ang isang kilay niya. "Ms. An-An?" "Oo! An-An... ang kati-kati kasi niya eh." Tumawa siya na parang bata. Hay nako! Kung lahat siguro ng tao sa mundo kasing babaw ng kaligayahan ni Romeo ay pwede na akong magtayo ng comedy bar. "Anyway, I was about to find you. Hindi na kita naantay magising 'coz I have something to do. May sasabihin ako," anito pagkatapos tumawa. Nakuha niya ang atensyon ko. "Huh? Ano 'yon? Naku, kung o-offeran mo lang akong maging blood donator mo then no way! Ayoko!" Tumawa siya at umiling. "Silly, hindi 'yon. But I actually wanted to offer you pero I know na tatanggi ka." Ngumuso ako at umirap. "Buti alam mo. So ano nga'ng sasabihin mo?" Nagseryoso ang mukha ni Romeo. "It's about my cousin." Nanlamig ako sa sinabi niya. "Ano naman ang tungkol sa kanya?" Mas lalo niyang nilapit ang sarili kaya napaatras ako. He leaned closer until his mouth were touching my ears. The words he whispered made my knees weakened. "Vlad is sick." Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. "Sick?" Then bigla kong naalala ang itsura ni Vlad noong huli ko siyang makita. Kapansin-pansin ang pamumutla niya. "What do you mean he's sick?" Tila nawawala ang boses ko sa sobrang panlalamig ng buo kong katawan. "When Vlad drained all the blood from Kryshler, he was poisoned. And now he's dying. Erin I'm so sorry." Yumuko si Romeo at malungkot ang mga mata niya. Parang bumagsak ang langit sa akin at nahulog ako sa malalim na bangin. No...no...no... This can't be happening. Dahil sa akin kaya nangyari kay Vlad 'yon! Dahil niligtas niya ako! At ngayon siya ang nahihirapan. Pero wala akong ibang ginawa kundi ang ipagpatabuyan siya. I now regret everything that I did. Everything that I said to him. Kung sana'y pinakinggan ko man lang ang explanations niya. Kung sana'y nag-ingat ako nang husto para hindi nabiktima ng bampira. Kung sana'y pinigilan ko siya na umalis. Hindi sana nangyayari ang lahat ng ito. "Please Romeo dalhin mo ako sa kanya. I want to see him." Kumapit nang husto ang dalawang kamay ko sa polo niya. "Please..." Tinignan niya ako nang buong awa bago dahan-dahang tumungo. "Okay... I'll take you to our Kingdom."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD