NAGMAMADALING tinakbo namin ni Romeo ang mahabang hallway ng palasyo patungo sa kwartong kinaroroonan ni Vlad. Hindi ko na nagawang mapagmasdan ang kalakihan at kagandahan ng kanilang Kingdom dahil sa sobrang pag-aalala. Huminto kami sa tapat ng malaking pintuan. May nakabantay pang dalawang palace guards sa labas. Bigla akong nanlamig at nagdadalawang isip na pumasok sa loob. Kaya ko bang makita sa ganoong kalagayan si Vlad? Baka hindi ko kayanin. "Erin come on. He's inside," malumanay na sabi ni Romeo. He points the door using his head, urging me. "I'll be waiting here don't worry." Mabibingi na 'ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Umiikot ang sikmura at naninikip ang lalamunan ko. Magkakasakit ata ako. Ilang ulit akong humugot ng malalim na hangin upang pakalmahin ang sarili. Kaya ko

