Chapter Five

2365 Words
            TAIMTIM NA TUMINGIN sa `kin ang malalim niyang mga mata. Nangungusap. Nagmamakaawa. Nangungunsensya.             Ayan! `Yang mga tingin niya na `yan talaga ang kahit kelan hindi ko matiis. Na tuwing nag-rerequest siya ng kung ano-ano. Tignan niya lang ako nang ganito, napapa-oo na agad ako.             Naalala ko tuloy nag nag-request siyang magpalakad sa kaklase namin no’ng grade seven pa kami. `Di ko nga alam kung bakit crush niya ang Katrina na `yon, eh, mukha namang espasol ang mukha sa sobrang puti ng foundation at parang nginudngod sa ketchup ang nguso sa sobrang kapal mag-lipstick. Palibhasa muse ng section kaya feeling ang ganda-ganda niya. Eh, nakita ko nga `yong binti niya ang daming barya. Iba-ibang sizes may piso, limang piso at centimos pa.             Isa lang si Katrina sa sandamakmak na babaeng nilakad ko kay Jonathan noon. Ako na nga talaga ang mananalo sa olympics ng kamartyran at kagagahan.             “Please, Erin.” Hinawakan ni Jonathan ang isang kamay ko. Pero bigla niya rin itong nabitawan nang may malakas na pwersa ang humatak sa `kin palayo sa kanya.             “Hey.”             Napasinghap ako nang malakas nang makita ko si Vladimir na nakatayo sa gilid ko at mahigpit ang hawak sa braso ko. Nakasuot siya ng aviator shades at plain white v-neck shirt na humahapit sa maumbok niyang dibdib. Bakat ang sleeve ng shirt niya sa kanyang namumutok na biceps. Tinernuhan niya iyon ng loose brown pants at topsider shoes. Naka-brush-up din ang itim niyang buhok. Bagong shave ang mukha niya at umaalingasaw ang mabangong amoy ng panlalaking body wash.             Halos lahat ng mata sa paligid sa kanya nakatingin. Parehong nakatunganga sina Apple at Sam sa kanya. Pwede na ngang pasukan ng isang pakwan ang mga bibig nila sa sobrang laki nang pagkakabuka. Siguro tusukin ko lang sa pisngi ang mga `to at bababagsak na sa sahig ang mga panga.             Napalunok ako. Ano’ng ginagawa ng bampirang `to rito? “V-vlad, bakit ka nandito?”             Imbis na sagutin ako, nauna niyang inakbay ang matigas niyang braso sa balikat ko sabay nilapit ako sa katawan niya. Tumusok agad sa ilong ko ang amoy niya. He smells so fresh like a morning sunshine in the middle of the forest. Hinalikan pa ako ni Vlad sa tuktok ng ulo bago siya sumagot.             “I missed you, sweetie. I just fell asleep and when I woke up you’re already out. You just left me like that in your room,” anito sabay ngumuso na tila nagtatampong bata.             Hindi nakaligtas sa gilid ng mga mata ko ang eksaheradang pagsinghap nina Apple at Sam. Pati na rin ang pagbulungan ng mga estudyanteng nakikiusisa sa amin.             Pasimpleng pinandilatan ko siya ng mata. “Vlad, sabi ko naman sa `yo diba, antayin mo na lang ako sa bahay.” Nakangiti ako sa kanya pero matalim ang mata ko habang bumubulong ng: “Gago ka. Anung pinagsasabi mo riyan? Hahambalusin kita ng tsinelas!”             Ngumisi si Vlad tapos nag-pout ulit. “I won’t forgive you for leaving me like that. As your punishment, you need to kiss me.” Amusement was visible in his twinkling green eyes.             Nanlaki nang husto ang mata ko sa sinabi niya. Walang preno ang boses niya at ang lakas pa nang pagkakasabi. Nag-iinit ang pisngi na tumingin ako sa mga kasama ko.             “Erin, who is this?” Kunot na kunot ang noo ni Jonathan. Medyo masama ang tingin niya kay Vlad na parang batang nakalingkis sa `kin at ayaw akong bitawan.             “Ah... si... si Vlad, uhm my friend––”             “Boyfriend. I’m Erin’s boyfriend,” biglang sabat ni Vlad.             “BOYFRIEND!?” malakas at sabay na ulit nina Apple at Sam. Halata sa mukha nila ang shock habang tila bola ng ping pong na pababalik-balik ang tingin nila saming dalawa ni Vlad.             “Err...” Nakagat ko ang ibabang labi ko.             “Boyfriend?” ulit ni Jonathan. “May boyfriend ka na agad? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” medyo mataas ang boses niyang tanong.             Teka lang, ha! Ano `yan? Bigla-biglang nagagalit? Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya pero knowing Jonathan, ayaw niya lang na nagsisikreto ako sa kanya ever since noong mga bata pa kami.             “Uhm, ahhh kasi...”             “Hey, sweetie. Why do you need to explain everything to this caterpillar? I’m demanding my kiss here, remember?” sabat na naman ni Vlad.             Sabay na tumawa ng malakas sina Apple at Sam pero nahinto rin iyon agad nang makita nilang nag-dilim ang mukha ni Jonathan. Pinigilan ko rin matawa. Paano kasi, itong si Jonathan may ugali na nagteterno ng kulay ng damit. Tulad ngayon na nakasuot siya ng green polo shirt at green maong pants. Green din ang rubber shoes niya. Pwede na siyang sabitan ng christmas lights!             “What did you call me?”             Nataranta ako nang makaamoy ng nagbabadyang gulo. Agad kong hinatak sa braso si Vlad, “Ah! Sige guys, alis muna kami. Mamaya na lang. Vlad tara na!” Dali-dali kong hinatak si Vlad palayo sa lugar na `yon. Sabay pa akong tinawag nina Apple at Sam pero sinabi kong mamaya ko na lang sila imi-meet sa next subject.             Nagdadabog na kinaladkad ko papasok si Vlad sa loob ng stock-room sa dulo ng hallway. “Ano na naman ba’ng trip mo? Bakit ka nagpunta rito at bakit mo sinabing––”             Nahinto ang sinasabi ko nang bigla niya `kong hinalikan sa lips. What the...? Mabilis lang `yon pero agad akong na-kuryente. Mula bunbunan hanggang talampakan ko na-ground. Hindi kaagad ako naka-recover at medyo nag-hang pa ang utak ko ng ilang seconds. “Smack pa lang `yan, Erin. What if I kissed you torridly? Baka mabaliw ka na?”             I snapped back to reality at agad ko siyang pinaghahampas sa dibdib. “Ano ba! Ang manyak-manyak mo talaga! Bakit mo `ko hinalikan? Nakakainis ka talaga, Vlad! Ugh! I hate you!”             What the heck! First kiss ko `yon! That’s my freaking FIRST EVER KISS!             Huhuhu. Lord, hindi na po virgin ang lips ko. Patawarin niyo po ako. Kailangan ko na po bang magpanata sa Black Nazarene? O kaya, lumuhod sa simbahan ng Baclaran? Maligo kaya ako ng holy water? Hindi na ba ako tatanggapin sa langit?             Sinangga niya ang mga hampas ko sabay hinuli ang dalawa kong braso. “Listen, Erin. `Di ba you wished to have that Jonathan the caterpillar all yours? This is it, I’m helping you.” Natigilan ako sa sinabi niya. “We’ll make him jealous. We’ll make his life miserable and soon, he’d be crawling back to your arms begging for another chance. Now stay strong and pretend that you dont have feelings for him anymore. Guys always realized the real worth of someone when they are already gone.”             Natahimik ako sa sinabi niya. Base na rin sa naging reaksyon ni Jonathan kanina gusto kong isiping nagseselos talaga ito. Pero sino ba naman ang hindi ma-iintimidate sa napakagwapo at mala greek-god na bampirang ito?             Muli kong tinignan si Vlad mula ulo hanggang paa. Tama! Tutal, ginagamit naman niya ako bilang pagkain. Dapat lang na pakinabangan ko rin siya in exchange. Hindi na uso libre at TY sa panahon ngayon `no. At mukhang sa tingin ko maraming maitutulong sa `kin ang isang `to.             “Okay. Sige, sabi mo, eh. Basta siguraduhin mo lang na magiging akin siya sa bandang huli.”             “Deal?” Nilahad niya ang isang palad niya.             Inabot ko iyon. “Deal.”             Ngumisi si Vlad at sa gulat ko ay kinorner niya ako sa likod ng pinto. He held my chin upwards and brushed away the scattered strands of hair on my neck completely exposing my pale skin. Vlad traced my jawline using his lips slowly before he traveled down to my neck. He bit my collarbone, a sweet tease from him. “Vlad...” My breath skipped faster than normal.                  “Hmm. I’m hungry.” Vlad raised his head again and nipped my earlobe as he planted butterfly kisses under it. His solid arm snaked on my waist, pulling me towards him, exposing more of my throat to his greedy mouth.           “Kakain mo lang kaninang breakfast, ah.”             “Only few sips. Promise, konti lang. I can’t help it. Whenever you’re near to me like this, I can’t stop my crave for your blood. Your scent is like a drug to me, Erin.”           Napasinghap na lang ako nang maramdaman ang kagat niya sa leeg ko.           Damn this seductive hungry vampire!           ***                   AGAD AKONG pinagtulungan kaladkarin nina Apple at Sam Sung patungo sa isang sulok ng classroom pagdating ko sa klase namin.           “Hoy! Erinna Magandanghari! Mag-explain ka nga sa `min. Sino `yung gwapong lalaking nakita namin?” nandidilat ang mga mata na tanong ni Sam.             “Oo nga. Bakit `di mo man lang na-ikwento na may hot ka na palang boylet? Kainis ka!” nakangusong segunda naman ni Apple.            “Teka nga mga `te. Arouch, ah! Babalian niyo ba ako? Bitaw-bitaw rin pag may time,” angal ko sa kanila.             Nang mapansin ng dalawa na napapahigpit na’ng pagkapit nila sa magkabila kong braso na kulang na lang ay baklasin na nila, apologetic nila akong binitiwan at sabay pa silang nagpeace-sign.             “Sarreh!” duo ng dalawa.             Napairap ako sa hangin. Anyway, dahil ayaw nila akong tantanan kakatanong tungkol kay Vlad, napilitan na lang akong magkwento ng mga gawa-gawang bagay.             “O to the M to the G!” kinikilig na tili ni Sam. “Super swerte mo naman, Erin! Talagang naka-jackpot ka at ganoon ka-gwapo at ka-hot ang naging jowa mo!”             Ang kwento ko kasi sa kanila nang gabing na-heartbroken ako kay Jonathan at nagpakalasing, nakilala ko si Vlad. At dahil sa kalasingan ko, nag-offer siyang ihatid ako sa apartment ko. Syempre, katulad ng mga cliche na nangyayari sa romance-movies and novels, na-love-at first sight kami sa isa't isa. Ang dalawa, heto at naniwala naman agad. Palibhasa mga deboto pocketbooks. Kaya ayan at paniwalang-paniwala sa mga kakornihan at fairy-tales.             Ew-ew to the highest level!             “Teka! `Di mo pa kinukwento kung ano’ng nangyari sa inyo after ka niyang ihatid sa apartment mo. Doon ba nangyari ang inyong first wet kiss?”             Napataas ang kilay ko kay Sam. “Wet talaga? `Di ba pwedeng dry?”             “Vhaklang tuwoh! Shunga! Syempre wet! Pwede ka bang makipaghalikan nang hindi nababasa ang labi mo?”             Oo nga naman. WET-ever!             “Wala! Walang kiss na naganap!” Kagatan meron.             Sabay na sumimangot ang dalawa. “Ang damot nito. I-share mo na! Dali na kasi, ano after ba ng wet & wild kiss niyo? Naka-ANO mo na ba siya? `Yung ANO... alam mo na.”             Nanlaki ang dalawang mata ko kay Apple. Mabilis akong umiling at namula ang magkabila kong pisngi. “H-hindi `no! Walang ganun na nangyari!”             Nag-“ayeee” pa silang dalawa at hindi tinantanan ang tagiliran ko na tinusok-tusok pa ng mga daliri nila.           “Pa-virgin ka naman masyado. Sabihin mo na kasi. ANO? Malaki ba `yung ANO niya? Mukha kasi siyang foreigner, eh. Diba `yung mga ganun malalaki `yung ANO nila? Ganun kasi `yung napapanuod ko sa mga p0rn, eh,” pilit pa rin ni Apple.             Kaka-ANO nitong si Apple naalala ko na naman tuloy kung gaano katirik tumayo ang alagang “pet monster” ni Vlad. Daig pa ang matayog na bundok sa perlas ng silanganan. Jusmiyo Marimar! Nag-aalab tuloy ang puso ko. Mabilis akong pinagpawisan. Bwisit kasi ang bampira na `yun. Ang hilig pa naman matulog nang nakahubot-hubad, tapos panay singit pa sa kama ko. Kaya everytime na nagigising ako lagi na lang akong binabati ng “good-morning” ng alaga niya.             Masakit man aminin pero na-virginan na niya ang mga mata ko. Lord, tatanggapin mo ba ako sa heaven? Huhu. “Hoy! Ano? Natulala ka na riyan!” Binunggo ni Apple ang balikat ko.             “Hindi nga sabi! Saka bakit ba ANO ka ng ANO? ANOhin kita riyan, eh! Pwede ba Apple, tigil-tigilan mo na kasi `yang kakanood mo ng youjizz at hanime.tv para hindi kung ano-anong kaberdehan ang nasa isip mo!” sermon ko sa kanya.             Ngumuso at asar talong humalukipkip lang si Apple. Itong babaeng ito, kinain na’ng sistema ng p0rn. Nagmamarathon ba naman gabi-gabi.             “So, ibig mong sabihin talagang wala pang nangyayari sa inyo? Eh, anu `yung narinig namin na sinabi ni Vlad? Lagi mo raw siyang iniiwan na mag-isa sa kwarto mo?” tanong ni Sam.             Napalunok ako ng laway sa tanong niya. Bwisit na bampira, napaka-eskandaloso!             “Ah... eh... nakikitulog lang siya sa bahay kasi ano... pinalayas na siya dun sa dati niyang tinutuluyan. Wala pa siyang nahahanap na malilipatan.”             Buti na lang at bigla nang dumating ang professor namin kaya napilitan na kaming bumalik sa kanya-kanyang upuan. Mahigpit pa naman `tong si Mrs. Vasquez sa seating arrangement.             Nang hapong din `yon pagkatapos ng class, agad akong nagpunta sa supermarket para mamili ng mga grocery stock. Dahil kakabayad ko lang ng renta at kuryente noong nakaraang linggo kaya kailangan kong pagkasyahin ang one thousand five hundred pesos na budget.             Sa Cabiao, Nueva Ecija nakatira sila mama at papa. Pinapadadalan lang nila ako ng monthly allowance pambayad ng apartment, kuryente at tuition fee. Medyo may kaya naman ang pamilya namin. Sa katunayan may lupain kami sa probinsya na taniman ng palay at anihan ng mga prutas at gulay na pinagkakakitaan nila mama. Bukod doon, may-ari rin ang pamilya namin ng water stations at computer shops sa bayan kaya naman afford nilang mapag-aral ako sa Manila.             Kumpleto na lahat ng kailangan kong bilin nang mapadaan ako sa fruits-stand. Medyo mura ang presyo ng strawberries ngayon dahil siguro season ng anihan. Naalala ko tuloy `yung ugok na bampirang nakikitira sa bahay ko. Nuknukan nang patay-gutom at hindi lang sa dugo kundi pati sa strawberries. Ubusin ba naman ang stocks sa refrigerator ko noong isang araw.             Well, hindi naman ganoon ka-itim ang budhi ko kaya naisipan kong kumuha nang kaunti since may natitirang budget pa akong pambili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD