Chapter Four

1997 Words
            “ERIN… Erin sweetie, I’m hungry.” Napa-ungol ako sa makulit na bubuyog na panay ang bulong. Tumagilid ako nang higa at kinamot ang tenga kong nangangati. “Erin naman, gutom na `ko, hey.”             “Ano ba... edi kumain ka,” wala sa sarili kong sagot sa bubuyog.             Lumundo ang kama at naramdaman kong may matigas na braso ang pumulupot sa `king bewang habang may dumantay sa leeg ko. “Really? Okay.”             Mainit na hangin ang sunod na humalik sa balat ko. Nakakikiliting halik ang unti-unting gumapang mula sa panga ko, pababa sa `king leeg. “Your smell is addicting, Erin.”             Napangiti ako. In fairness, ang lakas mambola ng bubuyog na `to. At take note. Ang seksi pa ng boses. Isang makirot na kagat ang sunud kong naramdaman. Humigpit ang pagkakapulupot ng braso sa bewang ko kasabay ng sunud-sunud na pagsipsip doon.             Teka! Bigla akong dumilat at tuluyang naggising nang marealize kung sino ang patay-gutom na bubuyog na walang habas na kumakagat sa `kin at parang uhaw na sanggol na sumisipsip ng dugo ko. “Ahh... Vlad, dahan-dahan naman. Mauubusan ako ng dugo sa `yo, ang aga-aga pa,” angal ko sa kanya. Hindi rin mapakali ang puwetan ko dahil nakakatawa man isipin, kasabay ng kirot ay kiliti ang dulot sa `kin ng mga labi at ngipin ni Vlad.             “Few more sip,” he said, murmuring.             Aba! Napakapatay-gutom talaga!             Hinayaan ko siyang mabusog at pagkatapos ng ilang segundo ay huminto na si Vlad at pinakawalan ang leeg ko. Halos hindi ako humihinga habang ginagawa niya `yon.             “You’re so delicious, Erin. Thank you for the breakfast,” bulong niya sa tenga ko.             Mabilis na nag-init ang magkabila kong pisngi. Hmp! Nambobola pa, patay gutom naman! Napairap na lang ako sa hangin at pinilit na itago ang kilig. Sunud kong naramdaman na gumagapang ang kamay ni Vlad mula sa pagkakapulupot sa bewang ko. Then, he started to massage my tummy. Jusmiyo! Kung hindi niya pa ititigil ang ginagawa niya maa-arouse na talaga ako!             “Vlad ano ba, b-bitawa––ahh––mo––na––ahh––nga––ahh––ko.” Nakalimutan ko na paano magsalita nang tuwid dahil sa kuryenteng hatid ng mga haplos niya sa `king tiyan. Naku naman! Masahe pa lang `yan, ah.             “Just lay here for a while. Don’t stand up yet, you’d get dizzy.”             Mula sa bewang ko unti-unting naglandas ang haplos niya sa `king tagiliran habang dahan-dahan iyong pinipisil. Nakakarelax na nakakakiliti.  Ha. He. Hi. Ho. Huuu! Tumitirik na’ng mga mata ko.  Then suddenly, dinakma ng malaking palad niya ang left boob ko and firmly squeezed it like a sponge. ASDFGHJKLLPOTAENANGMANYAKTO!!!!             “Ahhhh! Ano ba!” Automatic na umangat ang isang braso ko at siniko ko siya sa mukha.             Napa-ungol si Vlad. Agad akong bumangon sa kama. Namumula ang buong mukha ko. Pinukol ko siya ng pinakamasamang tingin. “Bastos! Haliparot! Kangkarot kang bampira ka! Bakit mo hinawakan ang boobs ko?!” I swear umuusok na’ng literal ang dalawang butas ng ilong ko sa sobrang galit sa balahurang bampira na `to.             Ang hayop! Tumawa lang na parang bata. He flashed me with his boyish smile. “I was just trying to figure out if my guess is right, and I’m correct. Your boobs are cup C. You have a bright future in front of you sweetie.” He winked at me.             Nag-ekis ang mga braso ko sa dibdib ko. Ang bastos-bastos-bastos talaga! Nakakainis!             Hindi ko rin alam kung mapa-flattered ba ako o mabi-bwisit na pinuri niyang may “future” raw ang boobs ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero biniyayaan talaga ako sa parteng `yon. Kasi noong unang panahon, nang magsabog ng blessings ang Diyos, isang swimming pool ang dala ko! HA! HA! HA!             “Tse! Ang sabihin mo manyak ka lang talagang bampira ka!” singhal ko sa kanya.             Tinawanan lang ako ng talipandas at humilata sa kama ko. At ang magaling na hayop ayun at binabalandra na naman ang hubad niyang katawan. Buti na lang at natatakpan ng kumot ang ibabang parte niyon. Namimihasa na talaga ang balahurang ito. Palagi na lang siyang nakikitulog sa kama ko nang nakahubad. Nakagigigil. Noong isang gabi ko pa siya sinasabihan na sa sofa sa living room matulog. Pero palagi na lang ganito; magigising na lang ako tuwing umaga na nasa tabi ko na siya.             Lumipat ang tingin ko sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas siyete-trenta na’ng umaga! Pakshet! Alas-syete pasok ko! “Late na `ko!” Nagmadali kong kinuha ang towel sa cabinet at tumakbo sa loob ng banyo. ***             BUONG byahe kong minumura at paulit-ulit na sinusumpa si Vladimir. Inis na inis talaga ako dahil sa kanya kaya na late ako ng gising at ngayon hindi ko tuloy napasukan ang first subject ko. May quiz pa naman kami ngayon at `yung kupal kong professor, fifty items lang naman kung magpa-quiz. At `pag absent ka walang special quiz. Tapos dadagdagan niya ng another ten items `yung points na hahabulin mo. So, total of sixty points na tuloy ang nawala sa `kin at dapat kong habulin.             Hay... Bwisit! Bakit ba may mga professor na sadyang pahirap sa `ming mga estudyante? Kung may contest ng pakupalan ang professor ko sa Architectural Design ang mananalo. Nag-masteral ata ng Business in Kupal Administration. Iyang mga professor na ganyan ang ugali, dapat hinahatulan ng death penalty! O kaya naman, electric chair tapos `yung wire nakapulupot sa *toot* nila. Pakyu sila sa Earth!             “Huy! Erinna Magandanghari!”             Nahinto ang pagmu-murder ko sa kawawang professor sa isipan ko nang marinig ang buong pangalan ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Paglingon ko sa likuran, nakita ko na papalapit ang dalawang kong block-mate at mga beshies na sina Apple at Sam Sung. Seryoso ‘yun talaga pangalan nila.             Si Apple, medyo nerdy siya tignan outside pero ubod ng green-minded naman inside. Pareho kaming NBSB! (No bebe’s since birth). Ang isa naman ay si Sam Sung, half-Pinay at half-Koreana na lapitin ng maraming suitors. Ang ganda kasi at ang kinis. Iyon nga lang, walang tumatagal sa ugali niya. May multiple personality kasi siya. Isang dozena ang katauhan.             “Oh, bakit absent ka kanina sa Arch Design? Hindi ka siguro nagising `no? Sabi ko kasi sa `yo palitan mo na  `yung alarm-clock mo at sira na!” agad bungad sa `kin ni Apple habang ina-adjust niya ang salamin sa mata na medyo maluwag na.             Every minute siguro niyang ginagawa `yon, unconsciously. Palibhasa napakakuripot at ayaw pang magpagawa ng bagong salamin. Kaya lumabo nang ganyan ang mata niyan si Apple dahil sa kaka-nood ng p0rn gabi-gabi.             “Oo, bibili na `ko. Nawawala lang kasi sa isip ko,” sagot ko.             “Teka, ano ba `yang nasa leeg mo?” Biglang hinawi ni Sam ang buhok na tumatakip sa leeg ko.             Agad akong lumayo sa kanya. Parehong nagkunot ang noo ng dalawa. “A-ah... w-wala, ano, nakagat lang ng ano... ng... ano... bubuyog!”             Napasinghap si Sam. “Oh, no! Diba may sting ang bubuyog? Nagpacheck-up ka na ba?” Kahit Koreana ay fluent mag-tagalog `yan.             Agad kong tinakpan ng isang palad ang leeg ko. “Ah... oo, mamaya magpapacheck-up ako sa clinic.”             “Sasamahan ka na namin mamayang break!” prisinta ni Apple.             “Ah! Naku! `Wag na! Ako na lang,” agad kong tanggi.             Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa totoong rason ng mga kagat na  `to. Against sa contract na pinirmahan ko ang ma-expose sa ibang tao ang tungkol sa mga bampira. Dapat simula ngayon ay mag-suot na ako ng scarf o kaya ng mga turle neck na damit para matakpan ang marka ng kagat ni Vlad. Kakamadali ko kanina, hindi ko na naisipan lagyan ng concealer ang sugat.             May sasabihin pa sana si Apple pero naiwan sa hangin ang dila niya nang tila may natanaw siya likuran ko. Sabay pa silang natulala ni Sam habang tumitingin sa iisang direksyon.             “Huy! Ano nangyari sa inyo?” Pinihit ko ang leeg patalikod nang sumigaw si Sam.             “Erin! Mabuti pa pumunta na tayo sa next subject!” Biglang kinuha ni Sam ang braso ko.             “Ah, teka, maaga pa diba? Meron pa tayong thirty minutes.”             “Mas maganda na’ng maaga kesa ma-late.” Nakihatak na rin si Apple. Sabay nila akong kinalakadkad.             Weird talaga ang dalawang `to. Nagpahatak na lang ako sa kanila. Paalis na sana kami nang may tumawag sa `kin. “Erin!”             Mabilis akong nanigas sa kinatatayuan. Daig ko pa ang tinamaan ng kidlat ni Thor. Pakiramdam ko nanlamig lahat ng parte ng katawan ko nang marinig ulit ang boses niya. May isang linggo na rin simula nang huli kaming nagkausap. Bumalik uli lahat ng mga salitang binitiwan niya sa akin.             “I’m sorry, Erinna,. But I don’t love you romantically. I only love you as a sister.”             Paulit-ulit na parang sirang plaka. Nakaramdam ako ng matinding kirot sa dibdib. Tumitig sa `kin sina Apple at Sam, bagsak ang pareho nilang mukha na animo sinasabing nandito lang sila para sa `kin.             Huminga ako nang malalim at dahan-dahang pumihit paharap sa kanya. Paulit-ulit kong ni-remind ang sarili na maging matatag at magpanggap na okay lang ang lahat. Na naka-move-on na ako sa pambabasted na ginawa niya.             “Hey.” Tipid siyang ngumiti.             Ayan na naman `yong mga boyish niyang ngiti at dalawang malalim na dimples. Mga simpleng bagay na sobrang nagpahulog sa puso ko sa malalim na bangin.             “Hi... Jonathan.” Pinilit kong ngumiti pabalik kahit parang may glue na nanigas sa labi ko.             Hindi makatitig sa `kin ng diretso si Jonathan. Panay ang paglikot ng mga mata niya. Na tila ba tinatanya niya kung ano ang dapat niyang sabihin. Bakit ganito? Ang dami ko ng iniyak gabi-gabi. Naubos ko na nga `yong isang dozenang rolls ng tissue sa bahay sa kakangawa pero ang dami pa rin palang nakareserba.             Malumanay na tumingin sa `kin ang mga mata niya. “I’ve been trying to call you, Erin, but you never answer your phone. Sinubukan kitang puntahan sa apartment mo pero parang palagi kang wala. Are you... galit ka pa rin ba sa `kin?”             Gago! Malamang!             Pero pinilit ko pa ring ngumiti at magpanggap na hindi na ako nasasaktan kahit ang totoo parang pulbos na `tong dibdib ko sa sobrang pagkakadikdik ng martilyo niyang mga ngiti.             “Ano ka ba okay lang ako. Ano... kase, busy lang talaga ako nung mga nakaraan.”             Nasa mata ni Jonathan na hindi siya naniniwala. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat. Para akong nakuryente at napaso nang sabay. Ito ang mga haplos na palaging nagpapalambot ng tuhod ko. Simula mamaya kakain na talaga ako ng balot.             “Look, Erin. You’re one of the closest person in my life and I don’t want this gap between us.”             Napalunok ako nang madiin at pilit na pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko. Bigyan ko kaya `to ng kambal na sampal? Ang hirap-hirap naman ng hinihiling niya. So ganun na lang  `yon? Matapos niya akong saktan at matapos niyang warakin ang virgin kong puso, eh, mag-eexpect pa siya na magiging katulad pa rin kami nang dati?             Hindi ka lang pala heart-wrecker. Manhid din hinayupak ka!             “Jonathan...”             “Erin, please. I’m sorry, I really am. Nabigla lang din kasi ako sa mga sinabi mo. Hindi ko naman inexpect na... na... may feelings ka na pala sa `kin. Ayokong mawala ka sa `kin, Erin. You’re very precious to me. I hope we could still fix this.”             Taimtim na tumingin sa `kin ang malalim niyang mga mata. Nangungusap. Nagmamakaawa. Nangungunsensya.             Tell me, sino ba kasi ang nagpauso ng salitang marupok? Langya! Gusto ko siyang itapon sa Planet Pluto!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD