Chapter Eighteen

3160 Words
PAGKATAPOS ng school hours ay agad kong naabutan si Vlad na nakatayo sa palagi niyang pwesto sa harapan ng school gate. Still looking gorgeous as ever wearing a black and white stripe sweater, gray pants, and white sneakers. Sinalubong ako ng matamis niyang ngiti sabay hinalikan ako sa noo. "I missed you, sweetie." Sapat na ang apat na salitang iyon upang balutin ng nakakikiliting kilig ang katawan ko. Bakit ako maniniwala sa mga sinabi ni Romeo? What if he's only tricking me? Baka naman gusto lang akong protektahan ni Vlad kaya ayaw niyang pag-usapan namin si Romeo? And maybe Vlad really lost some of his powers kaya hindi pa rin siya makabalik sa kanila. I should stop myself for being paranoid at magtiwala sa kanya. Hindi masama si Vlad and I know na hindi niya ako kailanman sasaktan. He promised me. Ngumiti ako nang matamis at hinalikan siya sa labi. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko pero mabilis din iyong napalitan ng malaking ngisi. His green eyes were twinkling. God, he's so beautiful. This is my precious vampire. I don't want to lose him. "I missed you too." Vlad hugged me tightly tapos naglakad na kami papuntang sakayan ng bus. "Ang sarap naman nun. I want more of it when we get home," bulong niya. Kinurot ko siya sa tagiliran sa kapilyuhan niya. Nakauwi na kami at sabay kaming nanonood sa sala ng Frozen na hindi ko na mabilang kung ilang beses nang napanood ni Vlad pero hindi niya pa rin pinagsasawaan. So gay. LOL I'm eating popcorn while Vlad is sipping blood from my neck. Nakaupo ako sa ibabaw ng hita niya habang nakasandal ang likuran ko sa dibdib niya. Nakapulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko at sumisipsip sa leeg ko from my behind. Na-immune na rin ako sa kagat ni Vlad kaya parang normal na lang ang ginagawa namin. And I'm feeling super turned on every time we do this blood-drinking session. Gumapang ang isang palad ni Vlad sa loob ng blouse ko and fully cupped my boobs. Agad akong namula sa ginawa niya. Kahit ilang beses na kaming nagmomomol ay nahihiya pa rin ako sa kanya. "Vlad... ang manyak mo, talaga!" He chuckled then stop drinking. Binaba na niya ang mga kamay sa tiyan ko. "What? Don't tell me you don't like it," he teased. Lalo akong namula sa sinabi niya. Sa inis ko'y siniko ko siya. Napa-aray siya pero natatawa. "Diyan ka na nga! Matutulog na ako." Agad akong pumasok ng kwarto. Tinawag niya pa ako pero agad kong sinarado ang pinto. Umupo ako sa harap ng tukador at kumuha ng wet tissue. Ginamit ko iyon pangpunas sa kumalat na dugo sa 'king leeg. Nilagyan ko rin ng band-aid ang sugat upang matakpan ang marka ng kagat. Paghiga ko sa kama ay muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Romeo. Pinipilit kong iwaksi 'yon pero hindi ko magawa. Para siyang lamok na pabalik-balik para mangagat at mag-kalat ng Dengue. Napabuntong hininga ako. What am I gonna do? Dumating ang kinabukasan. Pagkatapos mag-almusal at maligo ay hinatid ulit ako ni Vlad papuntang campus. Buong byahe siguro akong tulala. Pagdating sa campus, humalik ulit sa 'kin si Vlad sa noo at nagsabi na susunduin niya ulit ako. He was about to go nang pigilan ko siya sa braso "Yes?" tanong niya. Madiin akong napalunok. f**k! I can't believe na gagawin ko 'to. "U-uhm, 'wag mo na pala akong sunduin mamaya kasi aalis kami nila Sam at Apple. Manonood kami ng movie," pagsisinungaling ko. Napataas ang isa niyang kilay. "Oh... okay. Then I'll fetch you up after your movie." Agad akong umiling. "Hindi na!" Nagsalubong ang kilay niya. Agad akong pinagpawisan. "Magpapahatid na lang ako kay Sam. May sasakyan naman sila saka may driver sila." Saglit na nag-isip si Vlad pero napapayag ko rin siya bandang huli. "You guys won't do a blind dating, right?" huling hirit niya pa bago umalis. Natawa ako sa pag-pout niya habang nagseselos. "Hindi... ano ka ba." Tumungo-tungo na lang si Vlad at tuluyan nang umalis. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan si Vlad. Kailangan ko 'tong gawin para matahimik na ako. Katulad nang dati ay ganoon pa rin ang araw ko sa campus. Pinasukan namin ang limang subjects at dalawa doon ay may quiz kaya na-drain nang husto ang brain cells ko. Pagkatapos ng school ay nagkahiwa-hiwalay na kami. Alas-singko pa lang tapos nang klase kaya nagpunta muna ako ng library pampalipas oras. Pagsapit ng dilim ay nagpunta na ako sa abandonadong bodega kung saan ako huling dinala ni Romeo. Madilim ang loob ng bodega at tanging liwanag mula sa papalubog na araw mula sa labas ang nagsisilbing ilaw. Parang gusto ko ng umuwi. What if patibong lang ito ni Romeo at may gawin siyang masama sa akin? "Hello my dear." Napatalon ako sa gulat nang bigla lumitaw si Romeo sa likuran ko. He's wearing a red hooded jacket and shorts. Pansin ko lang hindi naman masyadong obvious na galit siya sa red ano? "Happy Birthday," sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. "It's not my birthday today." "Ah... akala ko kasi araw-araw birthday mo lagi ka kasing naka-red." He then laughed on top of his lungs. Itong isa na 'to napakababaw talaga nang kaligayahan. Napangisi ako. "Bentang benta talaga ako sa 'yo 'no? Kahit siguro umutot lang ako rito tatawa ka na." He laughed harder. Napairap na lang ako. Tuwang-tuwa talaga siya sa 'kin. Siguro dapat singilin ko na siya ng libo kada tawa para kumita man lang ako sa kanya. Matapos ang ilang segundo at natapos na siya sa pag-tawa. Pinunasan ng daliri niya ang tumulong luha sa gilid ng mga mata. "Anyway, thanks for coming and for making me smile again." "You're welcome," I sarcastically said. Bigla siyang sumeryoso. Kinabahan ako. Mas baliw pa ata ang bampirang ito sa akin. Ang bilis magbago ng mood. Tumikhim ako. "A-ano ba kasi ang sasabihin mo? Ano ba ang secret?" "Wait ka lang, you're too excited," aniya at dahan-dahang naglakad paikot sa akin na tila isang tigre na pinalilibutan ang prey nito. Napakapit ako nang mahigpit sa shoulder bag ko. Nagdala ako ng pepper spray in case na may gawin siyang masama sa akin. "Sino ka ba talaga Romeo?" tanong ko. He kept on walking in a circle around me. "I'm a vampire prince from the Kingdom of Transylvania where Vlad also came from." Napakunot ang noo ko. "Prince? You mean... pareho kayo ni Vlad?" Tumungo siya. That was unexpected. "Then... does it mean that the two of you are related?" He smiled widely. "Yup. We're cousins." Bumilog nang malaki ang bibig ko. Kaya pala may resemblance silang dalawa kapag ngumingiti it's because they're cousins! Pero bakit hindi sinabi ni Vlad sa akin ang totoo na magpinsan pala sila? Why does he need to hide that fact? "You're wondering kung bakit hindi sinabi sa iyo ni Vlad?" He said again like reading my mind. "Mind reader ka ba? Bakit alam mo kung ano'ng iniisip ko?" Ngumisi siya at umiling. "It was simply written all over your face." Napanguso ako sa kanya. "So, bakit ka nga nandito? Bakit mo ako sinusundan?" He stopped walking and stood in front of me. Tinago niya ulit iyong dalawang kamay niya sa bulsa at dahan-dahang lumapit sa akin. Napaatras ako at agad kong pinasok ang isang kamay sa loob ng bag ko at hinawakan ang pepper spray. "I told you. I'm not that bad. I'm just being playful. Gusto ko lang naman makita ang babaeng kinahuhumalingan ngayon ng pinsan ko. You're the reason why Vlad refused to come back in our kingdom." Natigilan ako sa sinabi niya. I'm the reason? So, ibig sabihin ay nandito si Romeo para pauwiin na si Vlad sa Transylvania? "His parents are the royal King and Queen of our kingdom and they sent me to ask Vlad to come back home but he keeps on refusing me," he explained, answering the questions on my mind again. Naguluhan ako sa sinasabi niya. "Pero sabi niya sa akin dati nawalan siya ng powers makapag-teleport kaya hindi siya makauwi." Romeo chuckled. "Silly girl. And you believe that s**t? Vampires don't just lose their powers unless we stopped drinking blood of course. Manghihina kami. But in our case, since Vlad and I carry royalty blood in our veins we're hard to get killed and do you know what that means?" Hindi na ako makahinga nang maayos. Naninikip ang dibdib ko at umiikot ang buong mundo ko. 'Di ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Romeo at bumubulong sa 'king tenga. "It means that we're the strongest of our kin. We don't miracurously lose our powers." The truth is like a big tidal wave that hit me so hard I am now drowning. Tuluyang nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya at napaupo sa sahig. So all this time nagsisinungaling lang sa akin si Vlad? Hindi pala talaga siya nawalan ng powers but instead he pretended all of it para magamit ako. For what? For his food? For his entertainment? Lust? "P-pero b-bakit? Bakit magsisinungaling si Vlad sa 'kin?" I asked weakly. Romeo apologetically looked at me. Like a lost kitten, he touched my hair while hushing me. "Vampires need to feed fresh blood from humans, Erin. And before we could do that we must make them signed the contract of their own will. Vampires were always clever. We manipulate humans so we could have their full trust. So we could use them as our food and... pleasure." He kissed my left ear. Shivers gripped my spine so cold it hurts. "Living for hundreds and thousands of years, life is becoming too tedious and repetitive for us. Therefore we look for exciting things to kill our time and humans are the best toys that we could have. They are better than animals or sports. They are breathing, feeling, their bodies are tender and the s*x is bloody fvcking good. Unfortunately, female vampire pvssies were cold, and we prefer the warmth of a living human being." Nawasak ang mundo ko sa mga sinabi ni Romeo. Unti-unting nawawala ang lakas ko sa katawan. Talaga bang ginamit lang ako ni Vlad? Lahat ba na lahat ng bagay na pinakita niya sa akin ay scheme lang para makuha ang loob? Am I only a thing for him? A toy used for blood and s*x? Wala akong nagawa upang pigilan ang mga luha sa aking mga mata. I just found myself sobbing like a lost child. Hindi ko matigil ang mga hikbi. Parang dinudurog ang dibdib ko sa maliliit na piraso. Romeo twirled some strands of my hair around his fingers and smelled it. "Hush, hush, Erin. I know that you've already fallen in love with him. Tsk, my poor darling." Nilapit niya ang sarili at inamoy ang tuktok ng aking buhok. Pero wala akong lakas para itulak siya palayo. Nanghihina ako. This is killing me. "Does it hurt so much? Is your poor little heart crying? What are you gonna do, Erin? Hindi magtatagal at magsasawa na rin si Vlad sa iyo. Hindi magtatagal at maghahanap na siya ng ibang blood donator leaving you unvirgin, used and broken." I cried harder after hearing those harsh words. Perhaps Romeo was right. Maybe all the things Vlad has shown me were all pretty lies. Pagpapanggap lang lahat ng 'yon para mapaikot niya ako sa mga kamay niya. "Do't worry my dear. Kapag ayaw na sa 'yo ni Vlad, I'm here for you. You can be my blood donator. I promise you, I'm better in bed." This time ay nagkaroon ako ng lakas para sampalin siya. He was shocked after that pero nagawa pa rin niyang tumawa. Sumiklab ang matinding apoy sa puso ko. "Tama na! Narinig ko na ang lahat ng dapat kong marinig. Tantanan niyo na ako! Ayoko nang ma-involve sa kahit sino sa inyo! Leave me alone!" Mabilis akong tumakbo palayo sa lugar na iyon. Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa madapa ako sa damuhan. Hindi ako tumayo. Hindi ako gumalaw. Nanatili ako roon habang walanng tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. I fell so hard. At walang kahit sinung mag-aangat sa akin patayo. Isa akong pigurin na minsan nang nabasag at nagkaroon ng c***k. Pinulot ako ni Vlad hindi para isalba kundi para wasakin lang ulit hanggang sa maliliit na piraso. *** MADUNGIS ako nang makauwi sa bahay. Namamaga ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak at binalot ng putik ang damit ko mula sa pagkadapa sa damuhan. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi but I no longer care. Pakiramdam ko manhid na ako. Pagdating ko sa tapat ng apartment naabutan ko si Vlad na nag-aantay sa pintuan. His face paled when he saw how I look. "Erin what happened to you?" Agad niya akong sinalubong at niyakap. He looks so worried. Tsk! Worried your face! Tinulak ko siya. Natigilan siya sa ginawa ko pero wala akong sinabi at pumasok agad sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto. He followed me. "Erin talk to me, what the bloody hell happened to you? Erin!" Sinarado ko ang pinto sa mukha niya. Sumandal ako sa likuran niyon at bigla na lang napahahulgol. Akala ko naubos ko na lahat ng luha ko but then again I was wrong. Katulad ng pagkakamali ko na nagtiwala ko sa kanya. I am always wrong in everything. Una kay Jonathan, ngayon naman kay Vlad. Kailan pa ba ako matututo at madadala? Why do I always let myself be played and fooled by these assholes? "Erin... are you... are you crying? Please sweetie, open the door. Tell me what's wrong." Vlad keeps on banging the door, pleading with his soothing voice. Why does he have to act like he always cares? Why does he have to be so sweet and loving? Why does he make me fell hard on him? Tangina talaga ng bampirang na 'to! Ang sakit-sakit niya sa ulo. At sa puso. "Umalis ka na, Vlad! I don't want to see your face ever again! Bumalik ka na kung saang sulok ng mundo ka nanggaling! Umalis ka na!" sigaw ko. I need to do this. At kailangan ko ang pintong ito para magawa kong sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon. For a moment, he stopped banging the door. Akala ko umalis na siya. But a few seconds later and he banged the door again harder and louder. "Fvck, Erin! What's wrong with you? Why are you being like this? Open this goddamn door or I'll break it!" He was now yelling. Mas lalo akong naiyak. Nakakainis! Bakit ba ang kulit-kulit niya? "Umalis ka na sabi! Ayaw na nga kitang makita! Nakakaintindi ka naman ng Tagalog diba? Umalis ka na!" Huminto siya sa paghampas ng pinto. Pero napasigaw ako nang biglang nawala sa likuran ko ang pintuan. VLAD FREAKING BROKE MY DOOR! Nag-aapoy na ang mga mata niya. Tinapon niya ang pintuan sa sala at pumasok sa loob ng kwarto. Bigla akong natakot sa kanya. Umatras ako at nagpunta sa sulok. "Ano ba! Sabi ko umalis ka na! Bakit ba ang kulit-kulit mo?" Sa inis ko'y pinagbabato ko sa kanya lahat ng bagay na maabot ng kamay ko. Pero sinasangga niya lang lahat ng iyon hanggang sa makalapit siya sa'kin. Hinawakan niya ako sa dalawang kamay. "Damn it, Erin! What's happening to you? Why are you pushing me away? Why?" Ang makita siyang nagkakaganito. Bigla akong nanghina at parang gusto ko na lang siyang yakapin at ikulong sa mga halik ko. Pero hindi! Hindi na ako dapat magpadala sa mga panloloko niya. He was scheming me again. He's a monster disguised in a godly body and from now on I should start to erased in my mind that my heart has once beaten for this bloodsucker! Never again I will let myself be fooled and blinded by love. Hindi na ulit. Last na ito. "Answer me this honestly." Taas noong hinarap ko siya. "Talaga bang nawalan ka ng powers kaya hindi ka makabalik sa Transylvania?" Natigilan siya. Nanigas ang panga niya. s**t. I knew it. I fvcking knew it. "Answer me you bloodsucker!" Madiin siyang napalunok at bumagsak ang balikat niya. Pinangsuklay niya ang parehong palad sa kanyang buhok at ilang ulit na bumuntong hininga. Just kill me now, please. Vlad stared at me with visible pain in his green eyes. Those eyes that have once made me feel alive again. "Erin... I... p-please, let me explain." "Just. Answer. My. Fvcking question, Vladimir. Nawala ba talaga ang powers mo o hindi?" Mahabang katamahimikan ang namagitan sa 'ming dalawa at sa mga sandaling iyon ay hindi rin ako humihinga. "I'm so sorry, Erin." My heart froze. "Get out." Umiling siya. "Erin please, please listen to me first." He tries to hold my hands but I pushed him away. "I said get out! Hindi na kita kailangan!" Tinulak ko siya nang malakas at naglakad palabas ng kwarto pero hinuli ako ng mga braso niya. I tried to get away but his arms were so strong. "Let me go, anu ba, Vlad!" "No, Erin, please." He keeps on murmuring sorry words in my ear while his huge body's hugging me from behind. Ang sakit. Tangina. Ayoko na. "Nagkaayos na kami ni Jonathan." Natigilan si Vlad. I used that chance to be free from him. Tinulak ko siya at naglakad palayo. "W-what?" Tila hindi siya makapaniwala. Humugot ako ng malalim na hangin sa dibdib at pinilit na patatagin ang boses ko kahit ang totoo nadudurog ako. "Nagkita kami kanina. I lied to you." Kahit dito man lang masalba ko ang pride ko. From shock, his face suddenly turned fiery and hard. "Nakalimutan mo na ba kung anung ginawa niya sa 'yo?" "Who are you to question my decisions when you've been lying to me all this time?" Natigilan siya. "Erin, it's not like that." "No. I don't want to hear all the lies from you. Just leave me alone." Kinuha ko ang kontrata namin sa drawer ko. Pinagpupunit ko ito at tinapon sa mukha niya. "Tapos na ang kontrata natin, Vlad. I already have what I want. Sinagot ko na si Jonathan. I don't need you anymore." Tila tinamaan ng kuryente ang mukha ni Vlad. For a moment, gusto kong bawiin ang mga binitiwan kong salita. He looked so broken. But I know na niloloko lang ako ng sarili ko. No, Erin. This is the right decision. Unahin mo naman ang sarili mo. "Just please, leave." Ilang minuto siyang naiwan tulala bago dahan-dahang nag-angat ng tingin. I pushed myself to look at his shattered face.  "I understand." Iyon ang huli niyang sinabi bago siya naging itim na paniki at lumipad palayo. Palayo sa akin. Paalis sa buhay ko. Doon na biglang bumuhos lahat ng luhang pinigilan ko mula pa kanina. Para akong inaatake ng asthma sa sobrang paninikip ng dibdib ko. I hugged myself and spend the whole night crying for my broken heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD